Chapter 19:❤️The Story

1.1K 29 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Napamulat ako ng mata ko at pagkamulat ko para akong nasa clinic? Anong ginagawa ko dito? Ano bang nangyari?

"DJ?" Pagkatingin ko sa gilid si DJ nasa gilid ng kama ko nakatungo.

"Julia! Youre awake!" Nadissapoint naman ako ng makita ko na si Quen pala. Nasaan si DJ?

"Anong nangyari?" Tanong ko naman sa kanya.

"Julia sorry ha di ba nagpapaabot ako sa iyo ng tubig ang kaso habang papalapit ka ikaw ang natamaan ng bola eh malakas pa naman ang pagkakahagis ko. Sorry talaga ah"

"Wala yun okay lang edi napostponed yung practice niyo dahil sa akin?"

"Hindi dahil sa iyo, dahil sa akin pero wag kang mag-alala bukas naman mauulit yun"

"Si DJ ba umuwi na?"

"Ba't mo tinatanong?"

"Wala lang kasi parang kanina lang narinig ko pa yung boses niya"

"Pinauwi ko na siya at sabi ko ako ng bahala sa iyo"

"Ahh" Sabi ko na lang.

Bumangon na ako at kinuha ko ang gamit ko.

"Okay ka na ba?"

"Oo bola lang naman ang nakatama sa ulo ko eh. Cge uwi na ako"

"Hatid na kita"

"Hindi na Quen kaya ko na tsaka ikaw magpahinga ka na rin pagod na pagod na kasi ang itsura ng mukha mo kung ihahatid mo pa ako. Cge ingat ka sa pag-uwi at salamat sa pagdala sa akin dito.

Lumabas na ako sa may clinic at nag drive na pauwi. Nararamdaman ko pa rin yung lakas ng impact ng pagkakahagis ng bola sa akin pero ayos lang yun.

Si DJ usually kapag nasaktan ako hihintayin niya muna ako na maging okay pero sa nakita ko ngayon parang hindi siya nag-alala. Kahit pauwiin mo siya magpupumilit siya na mag stay para makita niya magiging okay ka.

-Daniel Padilla Point of View-

Nakakainis si Quen kanina ang sabi niya inspirasyon niya raw si Julia pero inuutusan niya sa pagpunas ng pawis sa likod niya at pag-abot ng tubig habang nagpapractice ano yun pinapunta niya lang para may katulong siya? Sarap niyang sapakin kanina eh.

Tapos kinukulit ako na umuwi na ako at siya na ang magbabantay pumayag na ako kasi nag-iinit na ang ulo at alam ko naman na magiging okay si Julia at hindi niya pa oras tinamaan lang naman siya ng bola sa may ulo.

Gusto niya kasing magpabida sa harapan ni Julia kaya pinapauwi na niya ako agad.

Habang nag dadrive ako pauwi napatingin ako sa may 7 Eleven bakit? Nakita ko lang naman si Julia na lumabas doon habang may iniinom.

Kapag sinuswerte ka nga naman. Lumabas ako ng kotse at lumapit sa kanya buti naman at okay siya.

"DJ!" Nasurprise naman siya ng makita niya ako.

"Okay ka na?" Napahawak naman siya sa ulo niya bago sumagot.

"Oo okay na ako"

"Ba't di ka pa umuuwi?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ayoko pang umuwi kasi pagdating ko magpapahinga nanaman ako at bukas taping ulit. Parang araw-araw nakakasawa kaya gusto ko muna dito sa labas. Pupunta ako sa may malapit na Park diyan sama ka?"

A Life In Star World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon