Train 2

1 0 0
                                    

“ Calling for Emergency room “ Rinig ko ang intercall habang nag aabang dito sa emergency, naisugod na kasi naming ni Kuya na ang pangalan pala ay Daniel, at don ko na nga nalaman panglan ni crush chos, kung anu ano nanaman itong iniisip ko nasa emergency room na nga ako.

“ Miss Claire Samonte?” sabi ng nurse na umalalay sakin kanina habang ginagamot yung mga maliit kong sugat.

“  Yes po,”

” Ikaw po ba yung kamag anak ng patiente?”

“ Hindi po uhmm bali” Sasabihin ko nasa na ako yung Girlfriend charot lang sana.. hahaha

“Ako pala yung..”

“DANIEL!!!”

Nagulat kami ng may pumasok ng grupo na sobrang nagpapanic, at hinahanap nga yung jowa ko este yung DANIEL nga.

“DANIEL!!! Nasan yung anak ko” Oh mommy niya pala ito kaya pala napaka ganda dito pala niya namana yung kagwapuhan niya.
“Honey kumalma ka”

“Pano ako kakalma Uriel yung anak natin!!”

“ Miss nasan yung kwarto ni Daniel Montezalde”

“ Kaanu ano sila sir ?

“kami ang pamilya niya”

Nako nandito na yung mga parents niya siguro need ko narin umexit diba kasi mukhang buong angkan yung nandito eh katabi kasi nung mga magulang ni Daniel eh yung dalawa pang matanda at may dalawa pang medyo nasa middle age na babae at isang lalaki.

Dahan dahan akong nag lakad paalis ng emergency room at umuwi samin. Hayy nakaka pagod tong araw na to noh siguro bukas ko nalang bibisitahin si crush ng malaman kong okay na talaga siya, pinatay ko na ang ilaw at natulog na.

Kinabukasan maaga akong naligo at nagbihis para pumunta sa hospital kakamustahin ko lang yung niligtas ko, baka sasali na alam mo na ahaha, pero syempre joke lang titignan ko talaga kung gising na siya syempre cocern si ate mo.

“Ma alis nako”

“ Oh san ka pupunta anak? Naka leave ka diba dahil sa nangyari kahapon”
“Ma bibisitahin ko ang yung niligtas ko kahapon” At ayun nga naintindihan naman ako ni mama at mabilis na pinayag na umalis.

“bye oreo” sabay tahol ng aso ko pag ka alis ko ng bahay.

Nasa tapat nako ng hospital, Hingang malalim Claire kakamustahin mo lang si Danie I mean si Sir Takte feeling ko ako yung isang Hero sa palabas tapos malalaman nung niligtas ko na ako yung nag ligtas sa kanya tapos maiinlove siya sakin tapos magiging kami… yung mata ko kumikinang.. haha inalog alog ko ang sarili ko sa mga pinag iisip kong kahibangan, syempre movie lang yon Claire daming alam talaga.

Nasa labas ako ng room ni Sir Daniel syempre kumatok muna ako mamaya may tao pala tapos bigla bigla nalang akong papasok diba. Ilan ulit akong kumatok pero walang nag bubukas,
“Mukhang wala atang tao” Dahan dahan kong binuksan yung pinto at ayun tumambad sakin yung isang lalaki nasa kama na mahimbing parin natutulog ayun nga si Sir at may isa pang lalaking natutulog sa sofa siguro nakatulog yung bantay niya.

Unti unti akong lumapit at tinignan ang taong niligtas ko, shett ang gwapo kahit naka higa lang ang pula ng kanayang labi, magandang pilikmata, matangos na ilong na parang sa mga artista ang perfect talaga, tyaka yung features niya lalaking lalaki talaga, may girlfriend kaya to ? sa tingin ko meron kasi sa gwapo ba naman nito diba, pero teka bakit di parin siya gumigising? Oh gumising na siya tulog lang ngayon, sayang gusto ko pa naman na malaman niya na ako yung nag ligtas sa kanya.

Anyways aalis nako, atleast nakita ko na okay na siya, nabalitaan ko din na nahuli na yung lalaking ng agaw sa kanya ng bag kahapon at napag alamanan na medyo baliw pala yung lalaki na yon, kaya nag wala nung araw na yon.

Sa pag alis ko nag iwan nalang ako ng mga fruits sa table niya nang biglang.
“Sino ka?”

Napalingon ako sa pintuan at nakita ko yung mommy niya kasunod na pumasok yung buong angkan niya best. OMO mahihimatay ata ako,
“Sino ka?” Ulit nung mommy nung binata

“Ah umhh Ako anga pala si Claire..”
“Claire teka “ sabay nag isip yung isa pang babae sa likod niya. Buti nalang talaga nag ayos ako ng sarili ngayon at di naman ako mapagkakamalang manang

“Ah ikaw yung…” Sabi nung babaeng nasa likod niya. Pagkatapos niyang sabihin yung mga katagang yon ang akala kong sasabihin niya  siya yung nag ligtas sa anak niya ngunit..

“Ikaw yung Girlfriend ni Daniel” Sabay sabi ng babaeng nasa likod niya.

Lumaki mata ko at di ko alam sasabihin ko. “Ah Ano po ako po yung…
.”
“Iha “ sabay yakap nung mommy nga nung lalaking nakahiga dito hayyy.
“Salamat nagpakilala ka din samin, Ikaw yung ipapakilala sana samin nung araw na naaksidente si Daniel pero di natuloy dahil sa aksidente.

” Ah Eh hindi po”

“ Nako iha huwag ka ng mahiya kwento ni Daniel samin bago siya na aksidente eh mahiyain ka daw kaya di ka niya mapakilala samin at dahil nandito kana welcome to the family” Takte di ko alam sasabihin ko kung mag sisinungaling ba ko oh sasabihin ko na hindi po ako yon pero..

“Alam mo iha matanda na ko at malapit narin mamatay salamat at nakialala namin ikaw ,may sakit ako sa puso at nahihimatay nalang bigla” pagkasabi niya yon parang natakot naman ako sa buhay niya so okay Claire let’s pretend hanggang gumisng tong si crush pero teka ibig sabihin di pa siya gumigising.?

“Ah salama po” ngiting di maipinta kong sabi

“Alam mo iha buti nandito ka kasi di naming maalagaan madalas si Daniel matanda na ko at ang Tita mo” sabi nung daddy ni Daniel.

“At ito naman mga Auntie ni Daniel eh busy sa trabaho”

“Tama iha “sabi naman nung babaeng nagsalita sa likod kanina. “kaya maaring ikaw muna ang mag alaga kay Daniel Sabi kasi ng doctor eh medyo may na muong dugo sa kanyang utak at kaylangan pang hilumin ito para gumaling at magka malay siya”

“Sa ngayon iha ikaw muna tumingin sa kanya habang pupunta kami ng tita mo sa ibang bansa para mag pagamot ng puso” sa sobrang dami nilang sinasabi na tulala nalang ako.

Una may girlfriend naman pala itong Daniel na to, pangalawa napagkamalan akong ako yung girlfriend, pangatlo di ko maamin na hindi ako yung girlfriend at baka mamatay tong mommy niya at ang masaklap.

“Iha pag gising ng pamangkin naming aayusin nanatin ang kasal niyong dalawa kaya huwag kang mag alala.”
At sumangayon silang lahat.

IPAPAKASAL AKO SA TAONG GUSTO KO PERO DI AKO KILALA!!!! AT MUKHANG DI KO MATATANGIHAN.

While you were sleepingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon