Online ako sa FB nung Linggo nang may message notification akong natanggap.
July: "Friend, lumabas kami ni Jerome kanina. And you know what, he's full of surprises!... Kumain lang kami sa mall, tapos kwentuhan lang, pero sobrang saya ko talaga! Alam mo ba, kung anu-ano na nga ang tawagan namin sa isa't isa.. Twister Fries, Tornado Tongue.. Grabe! Tawa ako ng tawa! Sobrang saya!"
Napataas ang kanang kilay ko sa nabasa ko ang FB message mula kay July (hindi tunay na pangalan).
Anong pinagsasasabi neto?, sa loob loob ko. Edi ikaw na ang may ka-Tornado Tongue! Tseh!
Ewan ko ba. Matagal na naman kaming magkaibigan ni July. Mahal na mahal ko siya, at para ko na siyang kapatid. Sa totoo lang, masaya ako sa mga nangyayari sa buhay nya. Pagkatapos ng mahabang panahon, nakatagpo siya ng lalaking itatrato siya ng tama. Pero sa tuwing magkukwento sya ng mga activities nila, naiinis ako. Naiinggit.
At oo, nagiging bitter ako.
Ngapala, ako si Meg. 27 years old. Single. Super ready to mingle. Mahilig akong kumain, mahilig ako sa aso, at mahilig ako sa music. Yun nga lang, wala namang may hilig sa akin.
In fairness, hindi naman ako NBSB. Nakaka-apat na nga akong boyfriend, eh. (Dalawa lang kung bibilangin yung legal. Hi, nanay at tatay! Sana po huwag ninyong mabasa 'to.) Ginagawa ko naman ang lahat para sumaya sila. Pero sa huli, wala rin. Pero sa Part 2 ko na yan ikukwento kung bakit.
May mga benefits din naman pag single ka. Wala akong pagpapa-alaman kung gusto kong gumala, mag-inom, o magpuyat. Walang LQ. Hindi mo kailangang mag-load parati, at wala kang monthsary na pag-iipunan. Higit sa lahat, safe na safe ka against unwanted pregnancy. Maliban na lang kung ikaw ay bahagi ng #HCC --- Hong Cati Cati.
Anyway, mabalik tayo kay July. Sumagot ako sa message nya.
Ako: " :) "
Hmm. Sobrang awkward naman. Dagdagan ko kaya?
Ako ulit: "Yeay! Good for you! O, san naman kayo nagpunta kanina?"
Mali ka dun, Meg. Maling-mali. Isang oras na kwentuhan ang sumunod. Tungkol sa kung paano pinunasan ni Jerome ang labi nya nung kumakain sila, yung paglalagay ni Jerome (hindi rin tunay na pangalan) ng pulbo sa likod nya kasi pinapawisan sya, yung araw-araw na bouquet ng white roses na ibinibigay sa kanya tuwing magkikita sila... and the list goes on! Gusto ko na ngang masuka sa mga nababasa ko. Teh, bata lang ang pinupulbusan sa likod. Atsaka puntod ka ba para alayan nya ng bulaklak? Pero syempre 'di ko sinabi yun.
July: "Pero, friend... Gusto kong makilala mo sya. Sama ka naman samin minsan!"
Ako: "Ha? Uhm... Sige, pag walang gagawin.."
Nako. Kung ako lang, ayaw ko na silang makitang magkasama. Baka makasaksak ako sa sobrang inggit. Pero dahil sibilisado naman akong nilalang, pipigilan ko ang urge na manakit ng kapwa kapag nag-PDA sila sa harap ko. But I'm actually bracing myself, because I know that I will be meeting him soon.
That following weekend, kaka-log out ko lang nang pumasok si July sa production floor.
July: Meg! Ano, nag-log-out ka na?
Ako: Oh, bakit andito ka pa? 'Di ba 5 a.m. ang out mo?
July: Oo, pero inantay kasi kita. Wala ka namang gagawin, right? Pupunta tayo ng Laguna ngayon!
Ako: Aba matinde, tinanong mo ba ko kung gusto kong pumunta doon?
July: Naman eeeeeeh. Tara na. Wala kang gagastusin. Dala ni Jerome yung kotse nya, magroroad trip tayo!
BINABASA MO ANG
The Ampalaya Diaries
RomanceAmpalaya 1. pangngalan; Isang uri ng gulay na kilala sa kanyang mapait na lasa 2. pang-uri; tawag sa mga taong may mapapait na emosyon patungkol sa isang tao, bagay, o pangyayari Bakit may mga taong bitter, lalo na pagdating sa pag-ibig? Samahan nin...