For the most part of my adolescent life, nagpapantasya ako na may isang lalaki na iibigin ako nang buong-buo. Na ang unang lalaking magpapatibok ng puso ko ay ang lalaking dadalhin ako sa altar. Na ang lalaking ito ang siyang magiging ama ng mga supling namin, at ang lalaking makakasama ko sa pagtanda.
Pero nakakainip naman kasi syang dumating. Ramdam na ramdam ko ang pagkainip lalo na noong fourth year high school ako. May isang punto kasi noon na lahat ng mga babae sa barkada ko ay may mga boyfriend, maliban sa akin. Kaya naman kapag lumalabas kami, kanya-kanya sila ng ka-holding hands, samantalang bising-busy ako kakangasab ng fries. Hmm, yun ata siguro ang dahilan kung bakit lumobo ako nang ganito.
At dahil sa matinding pagka-atat at paniniwala sa kasabihang "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa", ginawa ko naman ang part ko. Nakikipagtextmate ako.
Yes. Ako na nag-aaral sa isang private school. Ako na honor student mula elementary at high school (pero hindi na noong college, salamat sa College Algebra). Ako na hindi naman hirap makipagkaibigan sa lahat... ay nakikipagtext mate.
Marami-rami na rin akong nakatext. Si Nate, Ian, Paul, Mark... hindi ko na nga matandaan ang iba. Ibinibigay ko ang totoong pangalan ko, at aware naman ako na maaaring hindi totoo ang mga sinasabi nila sakin. Lalo na kapag nag-i-I love you sila.
I love you.
May something sa mga katagang iyon na kapag narinig mo, kikiligin ka. Yung kilig na, manggagaling sa tiyan, tapos aakyat papuntang likod. Tapos mararamdaman mo na lang na para kang kiti-kiti sa tubig. Eto na ata yung tinatawag nilang, "butterflies in your stomach". Except that recently, hindi na butterflies ang meron sa tiyan ko. Flies na lang, as in langaw. Simbolo ng nilalangaw kong lovelife.
Anyway, noong college ako, naisipan kong makipagmeet sa isa sa kanila, kay Red.
"Sigurado ka bang imimeet mo sya ng alas otso ng gabi?", tanong sa akin ni Frida, isa sa mga best friends ko.
"Oo nga. Tapos dito pa sa Luneta nyo naisipan!", sabat din ni Jeanne, mas best friend ko.
Ako: "Eh gusto daw nya dito. At saka may mga street lamps naman."
Jeanne: "O, basta huwag na kayong aalis doon sa spot na pagkakakitaan nyo, ha?"
Frida: "Kapag hinipuan ka, tayo ka kaagad at lalapit kami".
Ang sweet ng mga kaibigan ko, ano? Kung ano ang ikinalungkot ng lovelife ko, siya namang ikinaswerte ko sa mga kaibigan. Salamat, Lord. Hindi Nyo pa rin po ako pinapabayaan.
So sumapit ang alas otso. Nakaupo ako sa pangatlong bench mula kay Gat Jose Rizal, sa kanang side kapag nakaharap ka sa kanya. Suot ko ang school uniform ko: puting blouse na may berdeng ribbon, berdeng palda, at black leather shoes. Bihira akong magsuklay, pero noong gabing iyon, nilagyan ko pa ng Splash Hair Polish ang kulot kong buhok. Hindi pa kasi uso ang Vitress noon. Bumili na rin ako ng So In Love, yung bagong labas na body spray ng Bench. Napangalahati ko yata ang laman noon kaka-spray. At kahit na hindi talaga ako nagme-make up, nagpalagay ako ng lipstick kay Frida.
Kailangang maging perfect ako. Kailangang makita nya ako as a dream girl. At dahil magpapasko noon, umaasa ako na kapag nag-ayos ako, ibibigay ni Santa Claus ang hiling ko sa kanya na magkaboyfriend.
Five minutes na ang nakakalipas nang tumunog ang cellphone ko.
Red: "M here."
Napahinga ako ng malalim. Ramdam ko ang excitement at kilig! Oh my, eto na yun, girl, sabi ko sa sarili ko. Mami-meet ko na si Red, ang lalaking pinapantasya ko at ang ka-i love you-han ko sa text ng ilang buwan!
Maya-maya pa, may isang lalaking papalapit. Matangkad pero payat, ang kanyang kulot na buhok ay banayad na tinatangay ng hanging amihan. Ang puti nya at ang kinis, daig pa nya ako. Nagrereflect nga ang Christmas lights sa balat nya, eh. Hindi ko na nga halos pinansin yung maluwang niyang tshirt at shorts, at ang suot nyang Rambo na tsinelas. Grabe, ganoon ba ako kadesperado noon at kahit mukhang tambay ay pinapatos ko na?
BINABASA MO ANG
The Ampalaya Diaries
RomanceAmpalaya 1. pangngalan; Isang uri ng gulay na kilala sa kanyang mapait na lasa 2. pang-uri; tawag sa mga taong may mapapait na emosyon patungkol sa isang tao, bagay, o pangyayari Bakit may mga taong bitter, lalo na pagdating sa pag-ibig? Samahan nin...