Prologue

6 0 0
                                    

Prologue

"Oh hello, saan ka na?" Bungad ng pinsan kong si Venus nang sagutin nya ang tawag ko.

"Nakasakay na sa trike malapit na" Sagot ko habang pinapantay ang clayblush na nilagay ko sa aking pisngi kanina. Medyo nagmamadali kasi ako kaya hindi ko na nasiguro sa bahay kung pantay ba ang pagkakalagay ko.

I called my cousin to inform her that I'm on my way to her school. 4pm lagi ang uwian nya kaya naisipan kong magpasama sakanya ngayon sa Parlor. Medyo marami na kasing split ends ang buhok ko. I finally reached my dream long hair yun nga lang ay namumutiktik ang split ends kaya labag man sa kalooban ko ay kailangan kong pagupitan ng kaunti.

"Okay sige nandito lang kami ng mga classmate ko sa labas ng school madali mo lang akong makikita"

Tumango ako kahit di nya naman makikita. "Sige sige babye"

Binaba ko na ang tawag saka maingat na ibinalik ang iphone ko sa aking bag.

Pastel pink over-sized shirt ang napili kong suotin na pinaragan ko sa harap ng aking denim high-waist shorts. Magpapagupit lang naman kasi ako kaya di ko na naisipang magpantalon at sapatos.

"Manong dyan lang sa tabi" Sambit ko sa driver nang matanaw ko na ang gate ng school ni Venus.

Sumaglit pa ako ng tingin sa maliit na salamin nitong trike para tignan kung ayos na ba ang itsura ko at nang inihinto na ng driver ay bumaba na ako saka iniabot ang bayad ko sakanya.

"Ito po bayad" Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa aking katawan saka tinanaw ang school ni Venus.

"Salamat ma'am" Sambit ng driver nang kunin nya ang bayad ko at umalis na.

Inayos ko din ang short ko na medyo hinatak ko paibaba dahil mukhang umangat masyado habang nakasakay ako sa trike kanina. Natanaw ko na si Venus pati ang mga kaibigan nya kaya naglakad na ako patungo sakanila.

"Hi idol ganda mo naman"

"Hi ate saan school mo?"

"Ate taga dito ka ba?"

Rinig kong sambit ng mga estudyanteng lalaki na nadaanan ko. Napairap nalang ako sa ere. Naturingan pa namang private school pero ugaling kanto ang mga batang 'to.

"Oh ate bakit naka-busangot ka?" Tanong ni Kyro nang makalapit ako sakanila. Si Kyro ay isa sa mga kaibigan ni Venus.

"Nakaka-imbyerna kasi yung mga lalaking yon" at ngumuso ako sa kumpol ng mga lalaking nadaanan ko kanina na ngayon ay mga nagtatawanan at pasimpleng tumitingin sa lugar namin ngayon.

"Nako ate ganyan talaga yang mga yan mga pasaway ang papanget naman" Ani Marie na isa din sa mga kaibigan ni Venus.

Mga kabataan nga naman ngayon mga wala nang galang kahit sino ginagawang kabiruan!

"Pag sa kalokohan magagaling sila pero pagdating sa recitation mga nangangamote" Sabat naman ni Venus na halatang kinaiinisan din ang mga lalaking iyon.

"Sabagay ang cute mo kasi ate Luna, ikaw ba naman kasi pumorma ng ganyan dito sa school namin e talagang maaagaw mo ang pansin ng kahit na sino" pinasadahan ako ng tingin ni Kyro mula ulo hanggang paa. Medyo nailang ako dahil kahit kaibigan sya ni Venus ay lalaki parin sya at hindi ako sanay na suriin ng isang lalaki maliban kay Calil.

"Hayaan nyo na nga, tara na Venus baka mag-sarado na ang parlor" Sambit ko sakanila sabay palupot ng braso ko kay Venus.

Venus is only 17 but her height is same as mine kaya siguro maraming nagugulat kapag sinasabi kong 22 na ako. Alin lang sa dalawa yan ako ang napapagkamalang 17 or si Venus ang napapagkamalang 22 kapag magkasama kami.

Only child lang ako kaya malapit ang loob ko kay Venus at parang kapatid na talaga ang turing ko sakanya. Sa bahay namin sya naka-tira dahil simula bata palang ay hinihiram na sya ni mama kay tita Mira bukod don ay mas malapit kasi ang bahay namin sa school nya kumpara sa bahay nila na isa't-kalahating oras pa ang kailangang igugol sa pag-byahe.

"Sige ate ingat kayo" Sabi ni Marie at sabay silang kumaway ni Kyro sa amin ni Venus.

"Bukas nalang guys babush!" Kumaway naman si Venus kina Kyro at Marie nang magsimula na kaming lumakad palayo sakanila.

Matic na madadaanan namin yung mga lalaki kanina kaya napairap nanaman ako.

"Venus pakilala mo naman kami sa kasama mo"

"Kapatid mo ba yan Venus?"

"May boyfriend ka na ba ate?"

Sabi ng mga mokong nang makalapit kami sakanila.

"Magsi-tigil nga kayo Oliver! hindi kayo magiging type nitong si Luna ang chachaka nyo!" Sigaw ni Venus sakanila.

Pero saglit akong napatigil habang pinapangaralan ni Venus ang mga kaklase nya dahil napukaw ng isa ang atensyon ko. Sya lang kasi ang namumukod tanging hindi nakikisawsaw sa pangbubwisit ng mga kaklase nya. Nakatingin lang sya sakin na tila inaalam kung ano ba ang pinagkaka-interesan ng mga kaklase nya sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay dahil sa paninitig nya.

"Mga pulpol! tara na nga Luna!" Hinatak ako ni Venus kaya naputol ang titigan namin.

"Bwisit talaga yung mga yon panira ng araw!" Litanya ni Venus habang patuloy sa paghila sa akin pero nagawa ko parin lingunin ang kaklase nyang lalaki. Hindi na sya nakatingin at nakikitawa na sa mga kasama nya.

Anyway, I find him cute. Hindi sya nababagay sa samahan ng mga loko-lokong yun.

"Kagigil talaga sila Oliver! ganun talaga ang mga yun mga kulang sa aruga!" Patuloy parin ni Venus sa paglilitanya.

"Nako hayaan mo na nga yung mga yun, Venus. The more na pinapansin mo sila mas iinisin ka nila" at bumuntong hininga ako. "Sino nga pala yung isang chinito sakanila? buti pa yun tahimik lang at hindi nakikisali pero mukha din weirdo"

Tumaas ang isang kilay ni Venus habang nakatingin sa akin. "Sino si Aris?"

"Aris? yung singkit?" Tanong ko habang tinutulak ang mataas at salaming pinto ng parlor.

"Oo, Aristotle Seidon" Ani Venus nang maupo kami sa sofa katabi ng mga naghihintay na customer.

So Aristotle Seidon is the name of that chinito guy.

"Ah okay" Tipid kong sagot habang kinukuha ang pansin ng isang bading na nakikipagkwentuhan sa kasamahan at halatang walang ginagawa.

"Bakit mo naman natanong? tahimik lang yun e mukhang may pagka-weird nga"

"Wala naman, sya lang kasi yung hindi nakikigulo kanina"

Nagkibit balikat nalang si Venus at hindi na nang-intriga pa. Sakto namang napatingin sa akin yung bading na ngayon ay lumakad na papunta sa akin.

"Tara dito be"

Tumayo ako at sumunod sa bading papunta sa isang bakanteng stool para doon gupitan.

Hanggang sa mani-obrahin na ang buhok ko ay si Aristotle Seidon parin ang nasa isip ko. Ewan ko ba kung bakit di na sya nawala sa isipan ko. There's something about him na talaga namang naapektuhan ang isang parte ng sistema ko hindi ko lang mawari kung ano iyon..

Reaching from AfarWhere stories live. Discover now