Chapter 2
"Parang ngayon ko lang nakita na kasama sa grupo nyo yung kaklase mong singkit" Pasimple kong tanong habang masuring tinitignan kung bagay ba kay Venus itong black velvet dress na hawak ko.
Yumuko si Venus doon sa dress na itinapat ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Si Aris ba?" Aniya habang pinagmamasdan ang dress na ngayon ay hawak na nya tsaka itinaas sa ere para masipat ng mabuti.
Hindi na kasi ako makatiis kaya ko nagawang itanong sakanya iyon. Kunyari din ay hindi ko matandaan ang pangalan para di nya isiping interesado ako doon sa kaklase nya.
"Oo iyon! ano nga ulit ang pangalan non? diba kasama nyo rin sya sa bahay kahapon?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadya kong pag-ngiti.
Lumakad si Venus palapit sa fitting area kaya sumunod ako sakanya. Mukhang na-bet'an nya agad yung dress na napili ko.
"Aristotle Seidon" Pumasok sya sa loob ng isang fitting room at sinara ang pinto. "Ka-group kasi namin sya kaya ayun naging ka-close na rin namin" dagdag pa nya nang nasa loob na.
Naupo naman ako sa malambot na pahabang upuan sa labas ng fitting room. "Baka mamaya jowa mo na yun ah" Pasimpleng banat ko.
Inikot ko ang paningin ko sa buong fitting area. Kapag pumasok ka ay tatambad sayo ang limang fitting room na magkakatabi katapat ng isang malaking salamin na parang sa mga dance studio. Kaya kung hindi ka kuntento sa salamin sa loob ng fitting room ay pwede kang lumabas para mas makita mo ang kabuuan ng sarili mo dito sa malaking salamin na ito.
"Hindi no! May gusto nga iyon kay Marie, e" Pagkasabi ni Venus ay lumabas sya para ipakita sa akin ang itsura nya.
"Talaga may gusto yung Aris kay Marie?"
Tumango si Venus habang pinagmamasdan ang sarili sa mas malaking salamin na natatalikuran ko naman.
Mga simple lang pala ang tipo ni Aris. Pero bakit si Marie? Bakit hindi nalang ako? Charot! But seriously, sya kasi yung tipo na magkakagusto sa mga magagandang babae yung mga girly type na laging ayos na ayos ang sarili with eyebrows on fleek, long curly lashes, tinted lips and rosy cheeks mga ganon ba.
Pero sabi nga nila don't judge a book by its cover. Siguro sa paningin nya maganda si Marie baka pinanghahawakan nya ang mga katagang simplicity is beauty.
"Hoy Luna!" Pumadyak si Venus kaya halos mapatalon ako sa gulat. "Ano tulaley?"
"A-ah.. ha?" Kinamot ko ang ulo ko. Aris Seidon just invaded my freaking mind.
Hinawi ni Venus ang buhok sa magkabilang balikat dahil doon ay mas nakita ang details ng black velvet dress. It was a deep v-neck, revealing her collarbone to not-so-defined cleavage, maliit kasi ang future ng pinsan ko tipong pwede kang magplantsa. Mahaba naman ang sleeves nito na hanggang pala-pulsuhan at tamang-tama ang hapit sa bewang nya.
"Maganda bagay sayo" Tumayo na ako at pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa bago humarap sa repleksyon nya sa salamin.
"Utot! kanina ka pa nakatulala dyan e kaya paano mo nasabi?" Tinaasan nya ng kilay ang repleksyon ko.
"Bagay nga, ano iyan na ba ang kukunin mo? hindi ka na hahanap ng iba?" Tumagilid naman sya para hagurin ang hapit na tela sa kanyang mga hita.
"Oo ito na baka maunahan pa ako dito tsaka tiyak na bongga at magarbo ang theme ng debut ni Kelsea kaya di ako papakabog sa mga kaklase ko" taas noo nyang sinabi
YOU ARE READING
Reaching from Afar
RomanceAng napapanahong istorya kung saan hindi na big deal sa iilan. Pero paano naman sa mga taong nakapaligid kay Luna? Ano nalang kaya ang sasabihin ng mga magulang nya? ng mga taong mapang-husga? Mas pipiliin nya ba ang tinitibok ng puso nya o ang opin...