Chapter 3

8 0 0
                                    

Chapter 3

Aristole Seidon Accepted your Friend Request.

Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong kape nang biglang mag-pop out iyon sa notification ko. Pakiramdam ko'y nagpapalpitate nanaman ako hindi ko alam kung dahil sa kape or dahil sa pag accept ni Aris sa friend request ko.

Kaming dalawa lang ni mama ang naiwan ngayon dito sa bahay dahil si papa ay pumasok sa trabaho at si Venus naman ay nasa school pa. Tumingin ako sa aming wall clock at nakitang 1 o'clock in the afternoon na. Bakit kaya naka online 'to? tiyak sa ganitong oras ay may klase na sila at lalong hindi pa nila uwian.

You waved at Aristotle Seidon.

Isang mapangahas na move iyon para sa akin. At mas lalong bumilis ang kalabog ng dibdib ko nang mag-waved back sya at pagkatapos ay umalon ang tatlong tuldok saknya hudyat na typing sya pero bigla ding nawala. Jusmiyo ano kaya ang sasabihin nito bakit hindi nya tinuloy?!

Lumipas ang isang minuto na wala parin syang sinesend kaya ako na ang kumilos.

Me: Hi! uwian nyo na? 😊

Masyado yatang maharot ang dating nang emoji na ginamit ko. Napa-face palm nalang ako sa kagagahan ko.

Aristotle Seidon: Hindi pa po ate bakit po?

May 'Po' na, may 'Ate' pa ano ba naman yan baby? charot! Pero medyo nadisappoint ako ah, mas nafeel ko tuloy na mas matanda ako sakanya.

Me: Pupuntahan ko kasi Venus e.

Nagsimula kong ngat-ngatin ang mga kuko ko pagkasend ko noon. Wala naman kasi kaming usapan ni Venus ngayon baka magulat pa yon kapag lumitaw ako sa school nila mamaya.

Aristotle Seidon: Ah 4 pa po uwian namin ate tsaka gagawa po ulit kami ng project dyan ate sainyo mamaya hindi nya po ba nasabi po ate?

Napabusangot ako sa dami ng 'po' at 'ate' jusmiyo! Sana lang ay wag nya nang banggitin kay Venus na nagchachat ako sakanya mgayon.

Me: Ay ganun ba osige see you later baby 😊

Lalong naghuromentado ang puso ko nang masend ko iyon sa sobrang lutang ko ay iyon ang natype ko kainis! Nakita kong typing na sya kaya inunahan ko na.

Me: ay sorry wrong send hehehehe! ingat kayo mamaya

Aristotle Seidon: okay lang po ate haha sige po 😉

Medyo nakahinga ako ng maluwag pero bakit may wink emoji? ang harot din pala nya gumamit ng emoji masyadong pafall.

Parang ayoko pa matapos ang conversation namin. Wala naman sigurong masama makipag-kaibigan lalo na sa kaklase ng pinsan ko. Bakit naman sina Kyro at Marie medyo kaclose ko na? tapos yung mga iba pa nilang kaklase friend  ko din sa facebook.

Me: hahaha sorry talaga. anyway wala ba kayong klase at nakaonline ka?

Aristotle Seidon: Meron po kaya lang ang boring ate e 😂

Ayan nanaman sya sa pagiging magalang nya na wala sa lugar. Hindi ko naman masabi na wag nya na akong galangin dahil baka magtaka sya kung bakit.

Me: nako mali yan hahaha makinig ka sa teacher nyo 😅

Aristotle Seidon Changed the Chat Color 🔴

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reaching from AfarWhere stories live. Discover now