David Miller
Tatlong araw... Tatlong araw na akong nag titiis na hindi kausapin si Eli, at tatlong araw na rin naming hindi nakikita si Ace.
Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, paano nila nagawa na patawarin ng mabilis ang tatlong nag kasala? Ang tatlong kaibigan namin na kumitil ng buhay ng mga inosenteng tao!
Paano nila nagawa iyon? Nag sasaya sila habang heto ako at naghihirap.
Dito na muna natutulog si Andrew, habang si Eli ay sa kwarto ni Kristine. Ayoko muna syang makasama. Hindi ko pa sya kayang harapin.
Ipinaalam ako ni Andrew kay Mr. Choi na hindi ako makakapasok ng ilang araw dahil may sakit ako. Hindi naman iyon totoo, ayoko lang sumama sa kanila.
Dude! Labas ka na! Wala na sila. Tawag sa akin ni Andrew sa labas ng makaalis na silang lahat.
Ako naman ay tumayo na at sumilip muna dahil baka mamaya ay nandito pa pala sila.
Nang matiyak kong wala na sila ay lumabas na ako at pumunta sa kusina.
Kamusta naman ang pakiramdam ng Prinsipe? Nanunuyang tanong nito at napailing iling naman ako.
Ako naman ay naupo na sa upuan at nag simulang kumain. Hindi ka ba papasok ulit? Tanong ko sa kanya dahil dalawang araw na syang hindi pumapasok.
Sya naman ay tumingin sa akin saka nag taas ng kilay. Para ano? Para walang mag bantay sayo dito, at mag iisip ka ng katarantaduhang hindi ko magugustuhan? Inis na sagot nito sa akin na aking ikinatawa.
Anong katarantaduhan naman iyon, bro? Natatawang tanong ko sa kanya at sinipa nya ako.
Baka mamaya magpakamatay ka pa! Atsaka pinayagan naman ako ni Kristine! Ayoko rin namang iwanan ka dito dahil baka may mangyari pa sayo. Ayokong may mangyari sayo. Sinserong sagot nya sa akin at hindi ko maiwasang hindi mailang. Gusto ba ako ng isang to?
Hindi naman siguro, para ko na syang kuya. Maingat ang isang to, at may pagkakalinga sa lahat. Napaka swerte talaga ni Kristine at may Andrew sya.
Salamat. Nakangiting tugon ko sa kanya at sumimangot naman sya.
Baka isipin mo na gusto kita, hindi ah! Best friend kaya kita dude! Natatawang sabi nya at parehas kaming natawa.
Nag patuloy na kami sa pagkain at tahimik lang kami hanggang sa nag salita sya.
Alam mo bang kinukulit ako ni Eli. Gusto ka nyang makita. Kwento nito sa akin at may nangkukumbinsi na tono pa ang pagsasabi nya nito.
Ako naman ay hindi nagsalita at para bang wala akong narinig kaya narinig ko ang pag buntong hininga nya at nagpatuloy ulit sa pagsasalita.
Hindi mo sya pwedeng takbuhan. Girlfriend mo pa rin sya kahit na sabihin mong nakipag hiwalay ka sa kanya. Oo nga, nakipag hiwalay ka sa kanya, pero sya ay hindi. Pinaghahawakan pa rin nya ang relasyon nyo. Kwento nya at ako naman ay pinipilit ang sarili na 'wag magalit kay Andrew.
Alam ko iyon. Huwag kang mag alala, bro! Tugon ko sa kanya at napatango tango sya.
Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang nag hugas ng pinggan dahil naaawa naman ako kay Andrew. Inuuna pa nya ako kesa sa Girlfriend nya.
Nang matapos akong mag hugas ng pinggan ay bumalik ako sa kwarto ko kung saan nadatnan ko sya na nag aaral pa rin.
Hindi ko na lang sya muna ginulo dahil seryoso ang muka nya. Pumunta ako sa cabinet ko at kukuha sana ako ng cream ng bigla kong makita ang photo album namin ni Eli kung saan nandito lahat ang mga alaala namin.

BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasyCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...