Plauverse 3

2 0 0
                                    

Shaen's POV

Nag aadvance reading ako para may alam na ako sa pag pasok ko sa College. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay nagpapaka nerd ako. Binabasa ko lang ang mga ito kapag wala akong ginagawa.

"Libro na naman Shaen?" tanong saakin ni Leyn na asar ang mukha dahil libro na naman ang bibilhin ko.

"Why not?" balik kong tanong sa kanya at nilibot ulit ang National Book Store nang makita ko ang itim na parisukat na box at may nakasulat sa gitna na 'Oil Pastle'

Nagningning ang mata ko ng makita ko ito lalo na ang loob nito na parang kumikinang na ginto sa paningin ko.

Ito na yata ang itinuturing kong kayamanan sa tanang buhay ko. Ang mga colors. Ibat ibang kulay.

Mahilig akong mag sketch at mag paint. Kaya ang aking parents ay nagdesisyon na pagpagawa ng sarili kong gallery at i display lahat ng mga pinag hirapan kong paintings and drawings. Hindi ako nag bebenta ng mga paintings ko. Gusto ko lang maka inspired through my paintings ng iba pang mga kabataan na mahilig mag painting kagaya ko.

Si Leyn at sila Mommy at Daddy palang ang nabibigyan ko ng painting ko. Kung saan ay mukha nila ang pininta ko at nilagay ko pa sa malaking frame para maidisplay nila kung gusto nila.

Ineregalo ko ito Leyn nung nag 17th siya. Sobra siyang natuwa nang makita niya ito, kung gaano kuhang kuha ang parte ng katawan niya, sa sobrang linis ng pagkakapinta ay aakalaing picture ito na kinuha gamit ang Camera at pina- frame.

Kila mommy at daddy naman ay nung nag 30th wedding anniversary sila. It was there wedding picture before na pininta ko at iniligay sa kulay gold na frame. At isinabit nila sa kanilang kwarto.

Hindi ko pa nabibigyan ang mga kuya ko, dahil pinag iisipan ko pa. Siguro pag naging mabait na sila saakin at hindi na sila over protective ay bibigyan ko rin sila.

Umuwi na kami ni Leyn pagtapos namin mag libot at manood ng cine. Inabot na kami ng gabi dahil na rin inantay namin ang sundo namin na natraffic daw dahil sa lakas ng ulan.

Pagdating namin sa bahay ay pinagbuksan ako ni Manong Pedro ng pinto ng kotse at nginitian ko na lamang siya bago naglakad papuntang pinto ng bahay namin

Pag bukas ko palang ng pinto ay hindi na ako nagulat ng madatnan ko ang dalawa kong kambal na kuya na parehas na naka crossed arm at medyo pa akong matawa ng malakas nang makita ko ang suot nilang damit, short, at tsinelas na parehas, ngunit ay hindi ko nalang pinahalata dahil masyado silang seryosong nakatingin saakin

"We're have you been?" sabay nila sabi at napatingin sila sa isat isa at sabay na umirap at tumingin ulit saakin.

"Galing kami ni Leyn sa mall. Nanood lang kami ng cine. And look mga kuya kong gwapo may nakita akong collection ng oil pastle sa national book store kanina" paliwanag ko sa kanila, habang ngiting ngiti ako na pinapakita ang box ng oil pastle na nabili ko kanina. Sabay lang nila akong tinaasan ng kilay.

"Don't make that thing as your excuse young lady" sabi ni kuya Fin

"Ipapahiram mo din ba saakin yan?" magiliw na sabi ni kuya Fian, na kinakunot naman ng noo ni kuya Fin.

Napangiti ako ng malawak, dahil alam kong makakatakas na naman ako sa panenermon ni kuya Fin.

Ngumisi lang ako kay kuya Fin nung wala na siyang nagawa ng simula na akong hilahin ni kuya fian papuntang living room, at simulan naming tignan ang mga pen, pencil, marker etc. na nasa loob ng box na may 150+'ng kulay.

Plauverse UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon