Shaen's POV
Naka taas noong naglalakad ako sa hallway ng school, habang ang mga nadadaanan ko ay may mga kanya kanyang ginagawa.
Ang karamihan sa nakikita ko ay masayang nag kukwentuhan sa gilid na animoy kung mag kamustahan at maghagikhikan ay ilang taong hindi nagkita, ang iba ay naghahabulan at nag aasaran sa daan, at ang iba naman ay pasimpleng napapatingin sa pag daan ko.
"Oy si Shaen Lhillhean Cabello ba yun?"
"Gumanda siya"
"Tol, ang sexy ni Shaen o"
Ang iba nga'y naririnig ko pa ang bulungan tungkol sa akin, ngunit pinagsawalang bahala ko iyon.
Ang mahalaga saakin ngayon ay makapunta sa aking section para ay makatulog na ako, kahit kakapasok ko palang naman ngayong umaga ay inaantok na ako
Pagdating ko ay nadatnan ko ang kaibigan ko, si Leyn Madrid
Nakaupo sa dulo na katabi ng bintana at masayang kumakaway habang sinisigaw ang aking pangalan, kaya ang ibang kaklase namin ay napatingin saakin, kaya tinignan ko lang rin sila
Humakbang ako patungo kay Leyn para ihampas ang aking bag sa kanya sa sobrang ingay niya
Umupo ako sa katabing upuan, na nasa aking gilid ay ang bintana kaya nakikita ko ang labas, malawak na oval kung saan may nakikita akong mga studyante na tumatakbo paikot ng oval. Siguro ay mga late iyon.
"Aray ko naman biiii!! Hindi mo ba ako namiss? Ganyan agad bungad mo saakin, kainis ka" sabi niya habang nakahawak sa balikat niya natamaan ng bag ako
Hinimas himas niya ang braso niya habang nakanguso
"Ang ingay mo kasi." sabi ko nalang sabay ub-ob saaking lamesa.
"Pumasok ka lang ba talaga para matulog sa klase? Ibang klase ka talagang babae ka" sabi niya at pumapalakpak pa sa sobrang manghang mangha sa ginagawa kong pagpasok ngunit imbes na makinig at mag aral ay pagtulog lamang ang aking gagawin mag hapon
Hindi naman na bago saakin ang pag tulog sa klase, kahit naman matulog ako ay okay lang sa mga teacher. Hindi naman nila ako pinapakialamanan.
Kasi alam nilang may isasagot ako sa recitations and exams nila kahit tulog man o lutang ako sa klase nila
Paulit- ulit lang naman ang itinuturo. Kaya ay easy na saakin ang mga tinuturo ngayon sa Senior High.
Graduating na ako ngayong year, kahit kakasimula palang ng pasukan ngayon ay alam kong inaasahan na nila na ako ang magiging Valedictorian dahil simula palang noon ay lagi na akong pang una sa ranking ng mga estudyante na may matataas na grado sa bawat taon.
Itong school na pinapasukan ko ay sikat na skwelahan sa buong asya na puro mayayaman o di kaya matatalino lang nakakapasok, kaya kung mahirap ka pero may angking talino ka ay pwede kang mag apply ng full scholarship at may monthly allowance ka galing sa school mismo, if mamentain mo ang iyong total average na 90 pataas.
"Shaen, bi tara na sa cafeteria" tinapik tapik pa niya yung braso ko para gisingin ako
Tumunghay ako at nakita ko siyang ngiting ngiti bago ako hilahin patayo sa aking upuan patungo sa cafeteria ng high school
Well, hindi ko ba nasabi na malaki talaga itong school ko?
This campus consist of four big buildings, sa left side ay for Elementary students and also to special or a gifted children, we call that building as 'The Birth of Angels' kung saan ang mga batang ito ay hinahasa palang sa mga bagong kaalamanan, o pangunang kaalamanan na kailangan nilang matutunan.
Ang pangalawang building ay kung saan ang offices ng Principal, Faculty Staff, Teachers, and Professors and also the Board of Student's Officers na may sarili ring office sa building na yun. Itong building na ito ay nasa gitna ng tatlo pang building na medyo may kaliitan kumpara sa tatlong building na nasa paligid nito, at sa harap nito ay ang quadrangle kung saan ginaganap ang Flag Raising ng lahat.
Sobrang lawak nito ngunit sakto lamang ang laki kung ang lahat ng estudyante ay magkakasamang nakapila tuwing may Flag Raising na nagaganap sa umaga.
Ang sunod na building ay ang building ng high school kasama na kaming mga senior high. Katabi nitong building namin ay ang malawak na oval.
At sa likod ng tatlong building ang pinakamalaki sa lahat ay ang College building, ito ang pinakamalaki dahil na rin sa dami ng courses na in ooffer dito at sa dami na gustong makapag tapos dito ng kolehiyo sa kadahilanang maaaring kang matanggap agad sa trabaho abroad or sa malalaking kompanya kapag nalaman nilang Graduate ka dito sa 'Plauverse University'
Sa bawat floor ng bawat building ay may makikita kang mga security guard, lalo na sa labas ng paaralan. Madami ding naka install na CCTV sa bawat sulok ng school. Para masigurado ang kaligtasan ng lahat ng mag aaral lalo na ng mga anak ng mga mayayaman at kilalang mga tao, mapapolitika, showbiz or business tycoons pa yan.
Habang kumakain kami ni Leyn ay napansing kong pasulyap sulyap siya sa likuran ko tapos ay ngingiti ng pagkalawak lawak habang namumula ang pisngi
Sinipa ko yung paa niya, kung kaya't napangiwi siya sa sobrang sakit nun
"Mukha kang baliw sa ginagawa mo. Naulul ka na ba? Sabihin mo lang para maihampas ko sayo itong tray ko ng maraming beses" sabay pwesto ko na parang ready ko na sa kanyang ihampas yung tray ko.
"Subukan mo lang!" sabi niya habang naka tutuk saakin ang tinidor niya
"Tignan mo kasi si Matt, sobrang gwapooooo" sabi niya ulit na muntik pa may tumulong laway sa bibig niya at nag heart shape pa ang hugis ng mata nito habang titig na titig kay Matt.
"LOL" hindi nalang ako lumingon at tinuloy ang pagkain ko. Kilala ko yun, si Matthew Stevens isang MVP player ng soccer team.
Madami ngang naygkakagusto sa kanya, isa na tong babaeng nasa harapan ko na hindi na nakakain dahil titig na titig nalang kay Matt.
_________ _________ __________ _____
Character's Profile:
Name: Shaen Lhillhean Cabello
( Shaen - Sheyn, Lhillhean - Lillian )
Age: 17 years old
Birthday: December 27, 2000
Father: Joseph Cabello
Mother: Clarissa Cabello
Business: Cabello's Malls and Condominium (2nd to the most powerful business in Asia and other parts of Europe)
Siblings: 2 older twin brother
*Fin Cabello- 23 years old
*Fian Cabello- 23 years oldshinyukaaa
BINABASA MO ANG
Plauverse University
RastgeleTahimik, yes Mabait, sa mabait Mataray, sa mataray Matapang, kapag kailangan Yes, that was me. Don't expect me na maging mabait sayo kung masangsang naman yang ugali mo. Hindi ako ang bidang tatanga tanga na nagpapa api lang. I'm not that bobo para...