Plauverse 2

4 0 0
                                    

Shaen's POV

Tumayo na ako pag tapos kong kumain at kinuha ang tray na pinagkainan ko. Medyo nagulat pa si Leyn pagtayo ko at biglang natauhan kaya tumayo na rin siya at sumunod saaking ilagay ang pinagkainan sa counter ng cafeteria, na agad naman inabot ng babae.

"Grabe ang gwapo niya talagaaa" yan lang sinasabi niya ng paulit ulit habang nakalagay sa dibdib niya ang dalawang kamay niya.

Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. At sumakay kami sa elevator pababa sa floor namin. Pagbaba namin ng elevator ay naglakad ako papuntang comfort room, hindi naman na sumunod saakin ang bruha at derederetsong naglakad papunta sa section namin. Hindi niya yata napansin na lumiko ako, dahil nagdeday dreaming ang tanga.

Pag pasok ko sa comfort room ay may dalawang babaeng nag uusap sa tapat ng sink habang nag huhugas sila ng kamay at natigil yun nung pumasok ako

Napatingin sila saakin at nginitian lang ako, ako naman ay tumango lang sa kanila at nginitian sila bago ako pumasok sa isang cubicle.

"Ang ganda talaga niya no?"

"Tsaka ambait bait pa"

Rinig kong bulong ng dalawa

"Bilisan na natin, rinig ko sabi may bagong transferee at sobrang gwapo daw nitoo" sabi nung isa sa kasama niya na may pagtili pa

Tumayo muna ako saglit dito at inaantay silang lumabas bago ako lumabas ng cubicle. Trip ko lang.

"Weeee sino nagsabi? Ngayon na ba papasok? Tara na at tignan natin" sabi naman nung isa.

Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto kaya lumabas na ako at naghugas ng kamay, nag lagay na rin ako ng liptint kasi nag fade na yung liptint ko nung kumain kami sa cafeteria kanina.

Naglalakad na ako sa hallway at napatingin ako bigla sa gilid na kung saan ay makikita mo sa baba ang ground/1st floor at ang katapat na mga rooms sa floor na ito at sa ibaba pang mga floor, bale para siyang mall ang style pero ang bawat paligid ay mga rooms imbes na stores. Hindi hagdan ang gamit namin dito kundi escalator and elevator ang sasakyan mo paakyat at pababa sa mga floors.

May 8 floors ang building namin. Sa 1st floor ang mga grade 7, grade 8 sa 2nd floor at basta bawat floor ay by grade. Kami namang mga Grade 12 ay sa 6th floor. Ang 7th floor ay kung saan nandoon ang gym naming mga high school at ang cafeteria. Sa 8th floor naman ay swimming pool, ballet room, dancing room at malaking auditorium.

Bale simula 7th floor ay hindi na siya open kaya aakalain na pang huli kaming floor sa building na ito, kung titignan mo mula sa baba ay aakalain ng mga bago na pang huli kaming floor dahil ay parang bubong na ang nasa taas namin pero hindi, nilagyan lang ito ng style at sa gitna ay isang malaking candelier para magmukhang eleganteng tignan ang building na ito.

Makapal na semento ito kung saan pag umakyat ka sa 7th at 8th floor ay malawak lalo na ang gym at ang auditorium na air conditioned pa.

Plauverse UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon