Season 2:I'm The Devil

348 8 5
                                    

"Is she okay?"Tanong ni Sam nang nakapasok kami sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng muntikan na niyang mabangga

"ahmmm. Okay nananan ako, hindi ko na kailangan pang magtagal dito sa ospital"Sabi ng babae

"ahmm Ako nga pala si Noreen"Wow napaka unique na pangalan

"Ahmm. Sigurado kaba na okay ka lang?"Tanong ni Sam

"oo naman"Sabi ni Noreen at tumayo pero agad din siyang pinuntahan ni Sam dahil sa muntik na itong bumagsak

"Hindi. Magpa-confine ka muna dito Noreen mukhang nasprain ang paa mo"Sabi ko at nilapitan sila ni Sam

"mabuti nga, meron kabang pamilya na pwede naming tawagan?"Tanong ni Sam

"ahmmm, kase...... kami na lang ng Mama ko ang magkasama sa buhay. Ayoko sana siyang pag-alalahin"Sabi ni Noreen

"hindi ba't lalo siyang mag aalala kung, hindi niya alam kung nasaan ka"Sabi ko naman at hinawakan ang kamay ni Noreen

"hayyy, tama ka. Sige ibibigay ko ang number ni Mama"Sabi ni Noreen, naidial naman ni Sam ang number.

"salamat nga pala sa kabaitan niyo"Sabi niya

" wala yun, isa pa si Sam naman ang may kasalanan"sabi ko sa kanya agad namang lumingon sakin si Sam, nanlalaki ang kanyang mga mata.

"hello"

"hello po"Sabi ni Sam at lumalabas ng kwarto

"ako nga pala si Kathryn, pasensya na kung hindi ako nakapagpakilala agad" Sabi ko at ngumiti

"sandali. Kathryn as in Kathryn Collins?!?!"Tanong niya

"ahh, ehh ako nga"Sabi ko at ngumiti

"sabi na nga ba!! Sabi na may kamukha kang artista, ikaw naman pala talaga yun"Sabi ni Noreen agad naman niyang nilingon si Liza na muntik ko ng nakalimutan na kanina pa nakaupo sa couch

"Ms. Liza Santiago!!"Sabi niya at lalo pang nanglaki ang mata

"oh my god!!! puno ng artista sa kwarto koooo!"Excited na sabi niya

" wow sa tinagal tagal nating magkasama ngayon mo lang napansin?"Tanong ni Liza habang nagpipigil ng tawa

" Pasensiya na po Mam"Sabi ni Noreen

"come on, I'm just kidding"Sabi ni Liza at tumawa ng malakas

Saglit lang at pumasok na din si Sam sa kwarto at binigay ang cellphone niya kay Noreen

" Gusto ka daw makausap ng mama mo"Sabi ni Sam at tumabi sakin

Pansamantala namin siyang binigyan ng pagkakataon para makausap ni Noreen ng mabuti ang mama niya.

Pagkalabas namin ng kwarto ay agad na nag paalam si Liza, uuwi daw muna siya dahil kailangan niyang magpalit.

"Okay lang Liza, pakibantayan na lang si Ethan"Sabi ko at nagpaalam na sa kanya

"Oo naman Kath"Sabi ni Liza at nag paalam na

"Baby. I'm sorry you should probably go home"Sabi ni Sam, habang yakap ako

"Sigurado kang kaya mo?"Tanong ko sa kanya at tinitigan ang kanyang mga mata

"Yes, sumabay kana kay Liza. Isa pa isang tao lang ang pwedeng magbantay sa kanya"Sabi ni Sam

Agad naman akong humalik sa kanya at tumakbo paalis habang bakas sa mukha niya ang gulat at pamumula ng pisngi

Nahabol ko pa si Liza bago siya makaalis ng ospital

Once A KathReid StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon