Chapter Two: Unti-unting Nagiging Teen Fiction Buhay Ko...

16 0 0
                                    

Hindi ako mahilig sa teen fiction.

As in hindi talaga mahilig.

Wattpad.

 

Romance.

 

Love stories.

Hindi ako masyadong mahilig sa mga ganun.

Hindi ko alam bakit pero hindi type yung mga ganun. Ewan ko nga bakit.

Pero meron isang author na hinahangaan ko talaga ...

Si Nicille Cortes.

Hindi nga ako mahilig sa teen fiction pero gusto ko yung mga ginagawa niya. Isa siya sa mga pinakasikat na teen fiction author ngayon mapawattpad o libro. Nagsimula siya sa mga one-shot hanggang naging mga buong story ang sinusulat niya. Syempre ako naman sinusubaybayan ko bawat gawa niya, bawat update, bawat post, bawat comment. Bongga eh.

Yung mga gawa naman niya, may something na kikiligin ka. Hindi kasi siya cliche, laging may bago.Kahit hindi mo type yung romance at teen fiction magagandahan ka talaga sa mga story niya. Hindi ko alam kung bakit pero kapag nakapagbasa ka ng mga gawa niya, maiinlove ka rin. Parang ikaw yung main character sa kwento. Yung tipong naiintindihan talaga ng author yung nararamdaman mo; yung mga hindi mo kayang sabihin, yung mga tintago mong emosyon at ang mga sinisigaw ng puso mo.

Pero...

 

Hindi ko alam kung nasa gag show ba ako o may nagtritrip lang sa akin.

Hindi ko parin matanggap na si Nicille Cortes...

At si Lyndonn Santiago...

“Nandyan ka pala Adrienne.” Sabi ni Lyndonn habang palapit sa akin.

Kakalabas lang niya ng classroom nila. Hindi kami magkaklase ni Lyndonn. Pero magkatabi yung classroom naming dalawa. Section A ako si Lydonn B. Syempre, kahit ang babaeng kasing hampaslupa ko may tinatago ring galing. Editor-in-chief nga ako ng school paper namin kahit third year palang ako (ang yabang no?). Wala kasi akong talento sa kahit anong bagay bukod sa pagsusulat. Buti nga nabiyayaan ako. Tulog kasi ako nung namimigay ng biyaya si Lord eh.

“Thank you talaga sa pagtulong kahapon. Hindi ka ba pinagalitan kasi hindi ka nakapunta sa meeting niyo sa school paper?” Dagdag niya.

“B..b..bakit mo alam?” Ano ka stalker? Ano pang alam mo? Address ko? Phone number? Facebook password?

 

“Ah... Yun ba? Nakalagay dun. At diba editor-in-chief ka ng school paper?” Nakaturo siya sa bulletin board sa harap namin. Oo nga pala. Inaanounce nga pala yun diyan. Sayang...

 

“Oo nga pala Adrienne, gusto mong sumama sa akin mamaya? Meron kasing event yung english club. May film showing ata sila.”

“H..ha? Sige! Sige! Anong oras?” Niyaya ako ni Lyndonn na manood ng sine! Well, hindi naman ganun pero, yeah. Parag ganun na rin. Ang saya-saya ko. Excited na talaga ako. Hindi na ako makapaghintay.

Wait lang.

 

 

 

 

 

 

 

Oh my siomai...

 

 

 

 

 

 

Hindi ba ito isang...

 

 

 

Baka nga...

 

 

 

Pero...

 

 

 

Isa ba tong....

 

 

 

 

Date!?!

 

 

 

 

 

 

 

To Be Published...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon