Chapter One: Ang To Be Published Kong Pag-ibig

23 2 0
                                    

“L...l....ly...Lydonn...” Hindi ko kayang sabihin. Bakit hindi ko kayang sabihin!

Mahirap daw umamin sa crush mo. Well, based on experience, totoo yun.

Hindi mo mapilit sarili mo na masabi ang gusto mong sabihin. Kung tutuusin, hindi naman mahirap pero hindi mo masabi. Ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko.

“L...l....ly...Lyndonn, h...h...i..hinahangan kita!” Anong nasabi ko! What the hell!

 

Tumingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung nagets ba niya. Sana na gets niya. Ang shunga ko naman kasi. Hindi ko masabi ng diretso.

Tapos nanlaki yung mga mata niya yung tipong nagets niya yung sinabi ko. Ay salamat. Kinuha niya yung bag niya at naglabas ng bond paper at isang marker. May sinulat siya sa bond paper at binigay niya ito sa akin.

Ha?

 

Binigyan niya akong autograph.

Autograph.

A-U-T-O-G-R-A-P-H.

Takteng autograph.

Wait.

Wait lang... Bakit niya ako bibigyan ng autograph!

“Hin... Hindi. Hinahangaan kita! As in gusto kitang laging kasama?” Parang ganun? Nagtaka na ako sa mga sinasabi ko. Hindi ko na alam gagawin ko para magets niya yung gusto kong iparating. Ayoko na. Laslas na. Ehhhhhh. Pano na. Hindi.Ko.Na.Alam.

“Ah, ganun ba?” Sumagot siya. “Sige, sama ka sa akin pauwi.”

Ha!?!

 

At dahil sobrang shunga ko, sumama naman ako.

Malapit lang naman sa school yung bahay ni Lyndonn. Actually, hindi siya bahay. Apartment siya. Maliit lang kasya para sa isang tao lang. Pagkapasok ko, malinis yung lugar. Mas malinis pa kaysa sa kwarto ko. Nakakahiya. Mag-isa lang daw siyang nakatira dito. Sabi niya nasa Japan daw yung mga magulang niya kasama yung mas nakakabata niyang kapatid. Wow, Ang independent naman ni Lyndonn.

Kung tuusin nga first time kong pumunta sa bahay ng lalaki na kami lang ...

Shet.                                                              

 

Ano ba yan! Ang shunga ko talaga to the highest level. Bigla lang akong sumama. Hindi ko naisip na...

Hindi naman siya ganung klaseng lalaki eh...

Diba?

Pero kung aalis ako...

Baka may ibang dumating...

To Be Published...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon