Chapter 2.5: Si Lyndonn Santiago

17 1 0
                                    

 

1 year, 10 months, 2 weeks, 5 hours, 12 minutes, and 30 seconds ago...

 

“Yesssssssssssss! Nandito na! Hahahahahaha. Nandito na!” Para akong baliw na pumasok sa bookstore. Nakatingin sa akin yung mga tao.Ang sama nga ng tingin sa aking nung guard. Pero pabayaan mo sila. Nandito na kasi siya. Pagkatapos ng isang taon ng paghihintay, nandito na talaga siya. Ang paborito kong wattpad story, na publish na!

Hindi ako nakapunta agad sa bookstore. Ang dami kasing pinapagawa ng adviser namin kanina, kaasar! Pero okay lang yun. Nandito na ako ngayon. Nagmamadali nga ako kasi baka maubusan ako ng kopya. Magpapareserve sana ako kaso lang may reservation fee na sobrang mahal.

Tumaas ako ng escalator. Nasa second floor kasi yung mga libro. Excited na talaga ako! Pumunta ako dun sa lugar kung saan nakalagay yung mga libro. Kaso lang...

Hindi ko makita yung mga libro. Ang dami kasing tao! Nag-aagawan sila para makakuha ng kopya. Hindi lang mga babaeng teenager ang nakikipag-agawan, pati rin mga nanay, tatay, aba may lola pa! Sumugod ako sa bloke ng mga tao na yun. Walang hahadlang sa akin sa pagkakataong ito. Isang taon ako naghintay tapos hindi ako makakakuha ng kopya. Asa ka. Hindi ako magpapatalo. Kaya to ng powers ko!

Matapos ang maraming oras ng pagpush at pakikipag-agawan, wala akong napala. Bigo akong lumapit sa customer service counter at lumapit sa babaeng ngumunguya pa ng bubble gum.

“Good evening po maam! Ano pong kailangan niyo?” Bati niya habang inaayos ang mga nakadisplay na ballpen sa counter. Gabi na pala! Akala ko hapon palang. Ang tagal ko pala doon.

“Ah... Magtatanong lang po ako kung kailan po ulit kayo magkakaroon ng stock ng Falling in Love in Seven Days ad Two Hours?” Tanong ko na puno ng pag-asa. Sana malapit na magkaroon ng stock. Pawang awa niyo po... Isang taon ako naghintay.

“Si Nicille Cortes po ba yung author? Wait lang po...” Nagsimula siyang magtype sa computer sa tabi niya. Nakailang tawag rin siya. Sana talaga malapit na magkastock...

 

“Ah ganun ba... sige po. Ok po.” Narinig ko sabi ng babae habang nasa telepono. Pagkatapos nito, binaba niya ang phone at humarap sa akin. “After 5 months pa po ulit magkakaroon ng bagong stock maam. Wala na pong stock sa buong Metro Manila maam pero meron pa po sa Cebu.”

Cebu? Pupunta pa akong Visayas para lang makakuha ng libro? Ano yun pilgrimage? Bad trip naman. Kainis to the highest level. Gusto ko nang maiiyak. Isang taon akong naghintay. ISANG TAON. Tapos wala lang. Dapat nagpareserve nalang talaga ako kahit mahal. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Hay........ Ayoko na. Uuwi na nga alang ako. Buhay fangirl talaga.

Pagkatapos pasalamatan yung babae dun sa may counter, bumili ako ng pagkain sa fast food restaurant sa tabi ng bookstore. Ang dami kong binili. Gutom na tlaga kasi ako eh.

Buti pa yung pagkain. Hindi ako binibigo. Lagi akong pinapasaya.

Pero...

Ang sakit ng tiyan ko! Naparami ako ng kain... Ang sakit talaga! Pumunta ako sa CR ng restaurant kaso lang...

To Be Published...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon