Chapter 1

15 4 5
                                    

Unang araw ng panibagong school year na naman at ngayon ay nararamdaman ko na ulit ang kaba at saya na tulad ng isang ordinaryong estudyante.

Masaya akong naglalakad papasok sa school habang may malapad na ngiti sa aking labi na halos hindi mabura-bura. Masyado rin akong naaaliw sa mga bati sa akin sa mga taong kakilala ko na nadadaanan ko. Pati na rin ang pag masdan ang estudyanteng nagkakamustahan na parang ang tagal nilang hindi nag kita. At ang mga nag bago sa school na 'to ngayon. Kaya hindi ko namalayang may nabangga na pala ako.

"Hala! Sorry--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nagsalita siya agad.

"Matuto kang huwag magpakalat-kalat sa dinadaanan." Sabi nito sa akin na kinagulat ko. Tiningala ko siya dahil matangkad siya pero infires, gwapo siya. At may pa-shades pa siyang nalalaman. Pero nakakainis parin siya! Nasira na niya ang araw ko.

"Hindi ako pakalat-kalat dito sa daan 'no! Sadyang hindi ka lang tumitingin sa dinadaanan mo." Sabi ko naman at napa-woah ang isa sa mga kasama niya na ngayon ko lang napansin at may dalawa pa silang kasama. Mukhang magba-barkada sila. Nakita kong tinignan ng masama ng isang lalaki 'yung lalaking nag 'woah' kaya natahimik siya.

"Tsk." Rinig ko na ismid ng lalaking nakabangga ko bago ako nilagpasan pati na rin ang mga kasama niya na parang mga alipin niya na sumusunod sa'kanya. Parang kung sinong hari sa daanan!

Napairap na lang ako sa hangin at nagsimula na ulit maglakad papuntang classroom namin. Papasok na ako sa classroom nang biglang may pumutok na confetti.

"Welcome back, Sway!" Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko. Maluha-luha akong pumasok sa loob at sinalubong naman nila ako ng napakainit nilang yakap. This is really my second family. Kaya kaklase ko parin sila dahil nagsu-summer class ako. Kasalukuyan naman akong nasa Grade 12 ABM.

Niyakap ko rin sila pabalik at pagkatapos, nag simula na ang teacher sa pagpapakilala sa sarili niya dahil bago lang siya sa school na 'to. Nagkaroon ng introduce yourself at kung anu-ano pang pakulo ng adviser namin.

Dumating ang lunch break at pumunta kami ng mga kaibigan ko sa canteen para kumain na ng lunch. Umupo agad ako sa may malapit sa bintana dahil mahangin at maganda ang view sa labas.

Tahimik akong umupo doon mag isa at hinayaan ang mga kaibigan kong um-order ng makakain ko. Ililibre daw kasi nila ako. Bigla ako napatingin sa gilid ko noong naramdaman akong biglang may tumabi sa'kin. Tinignan ko siya at parang familiar ang itsura niya. Nakangiti siya sa akin at lumitaw ang magkabilaang dimple niya dahil doon.

Napatingin rin ako sa harap ko at nakita pa ang tatlong lalaking muntik ng makasira ng first day. Kasama 'yung feeling hari na may shades.

"Puwesto namin 'to, Miss. Hindi ka pwede dito." Sabi noong isang lalaking maputi at may katangkaran rin na isa sa mga nakatayong lalaki sa harap ko. Siya rin 'yung lalaking sumuway kanina sa lalaking nasa tabi ko ngayon.

"Pare, puwede naman siyang tumabi sa atin tutal, may space pa naman." Sabi naman ng lalaking tumabi sa akin na mukhang playboy. Ayoko sa malanding nilalang.

Hindi ko pinansin 'yung lalaking tumabi sa akin at tumayo ako para maharap 'tong mga siga na 'to kasama 'yung parang hari na naka-shades na nakabangga ko kaninang umaga.

"May patunay ba kayo na sa inyo 'to? May pangalan ba kayo dito? Ano? Meron ba?" taas noo kong tanong sakanila pero wala silang maisagot. Nakita ko namang umigting ang panga nung lalaking naka-shades.

Bigla naman dumating ang mga kaibigan ko na bitbit ang mga pagkain namin at kita ko sa mga mukha nila ang kaba. What's wrong with this people? Bakit sila natatakot sa mga siga na 'to? At kung maka-asta sila, parang silang hari na dapat laging sundin. Eh parehas rin naman kaming kumakain ng kanin!

"Cash, sorry sa mga sinabi ng kaibigan namin. Ngayon lang ulit kasi siya nakapasok. Sorry talaga.." Sabi ni Kirsten, kaibigan ko. Hinila nila akong dalawa ng kakambal niyang si Kristelle na kaibigan ko rin. Nakita kong tumango lang siya at umupo na sa inuupuan ko kanina.

Umupo kami sa bandang dulo ng canteen at agad ko silang tinanong.

"Sino ba 'yung mga immature na siga na 'yun? Bakit ganon sila makaasta? Parang sila 'yung may-ari ng school eh pare-pareho lang naman tayo na estudyante dito! Lalo na 'yung feeling gwapo na naka-shades!" Naiinis kong sabi sakanila.

"Uh.. Actually, anak talaga siya ng may-ari ng school na 'to 'yung naka-shades, sissy. At saka kaya ngayon mo lang siya nakita kasi kakalipat niya lang dito last year kung kailan huminto ka sa pag aaral. Galing ibang bansa 'yan. At sikat ang barkada nila dahil banda sila ng school, Sway. Sorry kung hindi namin agad nasabi sa'yo." Paliwanag ni Kirsten sa akin habang kumakain kami.

"Whatever. Wala pa rin silang karapatan mag hari-harian dito dahil pare-pareho lang tayong nagbabayad ng tuition fee." Pagdedepensa ko pa rin sa katwiran ko.

"Correct ka diyan, Sway." Pag sang-ayon naman sa'kin ng kakambal niyang si Kristelle.

"Pero kahit ganon sila, may maipag-yayabang naman sila. Mayaman, matalino, talented, at guwapo!" Kinikilig na sabi ni Kirsten. Mukhang friendship over na kami ng babaeng 'to sa susunod pag nilait ko ang mga iniidolo niya.

Napairap na lang kami ng kakambal niya at pinagpatuloy na ang pag kain namin.


Malapit na mag uwian at wala kaming ginagawa ngayon dahil first day. Nakikipagkwentuhan naman ang kambal sa kaklase namin habang ako, nasa isang gilid at naka-earphones. Nakatulala lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga estudyanteng dumadaan. Hindi parin ako makapaniwala na nakabalik na ko.

May isang lalaking napatingin sa gawi ko. Siya 'yung lalaking mukhang malandi kanina.

Kinindatan niya ako at nginitian bago siya umalis. Binalewala ko lang 'yun dahil hindi naman ako attracted sa mga taong alam kong hindi matino. 'Yung mga taong gusto ay puro laro. Gusto ko 'yung taong alam kong seryoso at mahal ako. Pero wala pa akong balak magkaroon ng boyfriend. Dahil may hinihintay pa akong tao. At hindi ko rin alam kung mararanasan ko pa ba 'yun.

Tahimik pa rin akong nakikinig sa mga music sa cellphone ko noong biglang bumalik sa tabi ko ang isa sa mga kambal. Si Kristene. Malungkot na ngumiti siya sa akin humalumbaba sa mesa ng upuan niya.

"Bakit biyernes santo 'yang mukha mo? June palang. Huwag kang excited." Biro kong sabi sa'kanya.

"Paano kaya ako mapapansin ng crush ko? " Parang wala sa sariling sabi niya. At binalewala lang 'yung biro ko. Hindi man lang natawa.

"Huh? Sino ba 'yung tinutukoy mo?" Tanong ko sa'kanya. Mukhang inlababo ang kaibigan ko.

"Wala hehe. Tara, uwi na tayo. Wala naman tayong ginagawa eh."

"Oo nga. Tara na at tawagin mo na 'yung kambal mo." sabi ko sa'kanya habang nag aayos na ng gamit ko.

Rinig kong biglang tumunog ang cellphone niya kaya napatingin ako sa'kanya.

"Shocks! May lakad pala kami nila mommy ngayon, Sway. Gusto mong sumama?" Sabi niya sa'kin.

"Hindi na, Kirs. Baka mapagalitan kasi ako nila mama." Tanggi ko. Kaya heto siya ngayon, gusto akong ihatid pa sa bahay kahit malapit lang naman dito sa school 'yun at walking distance lang. Kaya sa huli, ako parin ang nag wagi.

"Fine.. Mauuna na kami ni 'Bal. Basta, mag ingat ka. Baka bigla ka na namang mawala kagaya last year. See you tomorrow, sissy." Sabi niya at niyakap pa nila akong dalawa bago sila umalis. My twin clingy bestfriends. Ang swerte ko sakanila.

Pinasak ko ulit ang earphones ko sa tainga ko at isang tugtuging pang-sayaw ang nag play. Namiss ko tuloy sumayaw. Malapit na kong makalabas ng school at nakita ko naman si 'Cash' A.K.A feeling hari na naka-shades. Napansin kong naka-shades parin siya habang pumapasok sa sasakyan nila. Abnormal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I C UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon