Binibini
Ako si ginoo;
Ang lalaking unang bumaba mula sa teorya ng paglikha;
Masaya nung una,
Ang sarap tanawin ng mga bukid;
Masarap pakinggan ang pag hampas ng alon;
Pero parang may kulang..Lumapit ako kay bathala;
Tinanong kung bakit parang sa akin ay may nawawala;
Sumagot siya,
Handa na ba akong makita sya at harapin ang pagsubok ni bathala?
Handa na ako.May isang binibini,
Ibinaba mula sa itaas;
Pero bago ang lahat, nagtanong ang bathala;
Tinanong kung anong nakikita ko mula sa napakalayong distansya,
Sumagot ako nang di nagdadalawang isip;Bathala may isang binibini,
Hindi lang sya binibini;
Isa syang prinsesa,
Ang kanyang buhok ay ang kanyang korona;
Ang kanyang mga mata ay syang umaakit saakin,
Ang kanyang mga ngiti, ang nagbibigay buhay sakin,Sinubukan kong lumapit,
Pero hindi maari,
Kailangan ko muna harapin ang pagsubok;
Upang ako ay maghari;
Isang binibini ang aking inspirasyon,
Sa isang sulyap nya lamang ay humuhupa ang tensyon,Ngayon,
Tapos na ang aking pagiging manlulupig;
Ako na uli si Ginoo;
Na nangagarap sa binibining katulad mo,
At dito tayo magtatagpo;Sa tabing dagat kung saan,
Naroon ang araw na unti unting maglalaho
BINABASA MO ANG
Patinig At Katinig
PoetryMga tula na nasa utak ko sa kalagitnaan ng malalim na gabi.