'Disiplina, Disiplina, Disiplina;
Romansahin mo kaming mga Pilipino,
Eto ang bagay na may pagkukulang kami.Tayong mga mamamayan tumitingala at sinusunod sila,
'Kurap ang mga nasa gobyerno, kaya dapat akong magkalat dito'
Bukod sa wala kang disiplina
Gago ka pa,
Subukan nating tingnan ang sarili natin,
Walang disiplina diba?
Simulan mong ayusin ang sarili mo,
Simulan mong gawin ang disiplinang alam mo,
Tulungan mo ang bansa magbago,
Hayaan mo na ang mga nasa itaas ay tumingin sa ibaba nila,
Para malaman nila na ang mga nasa baba ang tunay na nasa itaas,
Disiplina, Disiplina, Disiplina
Pagod na akong tumingala,
Mali at kurap ang naroon,
Dumayo na ako mula timog tungo sa hilaga,
Susunod parin tayo sa mali ng iba,
Kahit alam naman natin ang tama,Gusto mo ng pagbabago?
Gawin mo,
Bumaba ka sa sasakyan mo,
Sa bawat rutang dinaraanan mo,
Gaya ng sabi ng dalawang makatang napanood ko,
'Kung may pake at di mo ikanakahiya ang bansa mo, kanina ka pa bumaba sa ruta ng sinasakyan mo upang gumawa ng paraan maisaayos lamang ang problema sa rutang iyon'
BINABASA MO ANG
Patinig At Katinig
PoetryMga tula na nasa utak ko sa kalagitnaan ng malalim na gabi.