Natutuwa ako sa plano ni bathala;
Ngunit, nasasaktan ako sa kaniyang laro.
Isa lamang akong normal na tao,
Handa nang sumuko.Ngunit sa mapaglarong tadhana,
Maraming bawal, maraming nasasaktan.Kaya naman mula sa hilaga ako'y nangarap at kinausap ang karagatan ng bituin,
Tumingin sa Reynang Buwan
Ako sana'y bigyang lakas ng loob,
bigyang lunas ang lungkot na dinaramdam koAt mula sa kalangitan, ibinaba ka;
Isang binibini na hindi ko inakala na aking matatagpo,
Mula sa hilaga, una kong natanaw ang mga ngiti mo.
Naroon ka sa timog, nakatayo sa karagatan,
O kay gandang binibini, ako'y umiirog sa'yo.Naguguluminahan ako,
Natatakot akong sumugal dahil baka hindi akobyung tipo mo,
Ngunit, nagbigay ng pahiwatig ang ReynaTumalon, at sumugal.
Isa akong manlulupig na tinamaan ng manunudla ng pag-ibig;
At muli, handa na akong sumugal sa pag-ibigSa araw na magkikita tayo,
sa araw na sa wakas ay mararamdaman ko ang haplos mo;
susulitin ang yakap mo,
At mahahalikan ka sa noo;
Sasabihin ko sa buong mundo, habang lumulubog si haring ArawKung gaano kita kamahal,
At kung gaano kahirap ang aking paghihintay;
Sa wakas, may lakas ng loob na aking umibig muli,Kaya naman;
Sa araw ng ating pagsasama sana'y,Suotin mo ang iyong magandang ngiti;
At susuotin ko rin yung akin.
Dalhin mo ang iyong pagmamahal at damdamin;
Dahil handa ko nang ipakita at iparamdam yung sa akinHindi ko kailanman sasabihin na,
"Akala ko ikaw ay akin"
Dahil sa una pa lamang,
Hindi ko na inakalang ikaw ay para sakin.Sana tayo'y magkita, sa lugar kung saan;
Tayong dalawa'y sasaya
BINABASA MO ANG
Patinig At Katinig
PoetryMga tula na nasa utak ko sa kalagitnaan ng malalim na gabi.