Chapter 8: First Day! (part 2)

9.4K 75 2
                                    

After ng 45 minutes finish na.. Actually binilisan ko konti. Hindi ang pagluluto kundi ang kilos ko.

Matagal kasi ang magluto ng lasagna eh. Lalo na yung pagbebake nito.

Sa muffins naman, medyo lang, mga 15 minutes lang yun okay na. matagal lang ang magmasa! Sakit kaya sa biceps at triceps!

Amoy na amoy ko na ang tagumpay! WAHAHAH … ang sarap ko kaya magluto nuh.

“ready na,,,” habang iseserve ko na yung food. Nakaupo na kasi siya sa couch niya. Aba senorito talaga!

“walang lason yan aa” pag aasure niya!

“ay bakit ngayon mo lang pinaalala edi sana nilagyan k—“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi kinain niya agad yung ginawa kong muffins, corn, cheese, chocolate at blueberry muffins ang ginawa ko. Pero tig iisa lang! HAHAHA.. bale 4 muffins.

“hmmmm……” ngumunguya pa siya.

“anong hmmmm?”sabi ko, gutom na ako aa! At siya kumakain lang.

“hindi masarap” nilunok na niya yung muffin, at uminom ng wine!

“ano? Ikaw palang ang nagsabing hindi masarap ang muffins ko”

“eh sa hindi masarap eh” o sige nice compliment Mr. Monteverde! So ungentle!

“edi akin nay an, gutom ako eh. Ako ang kakain” akma ko na sanang kukuhanin yung tray ng muffins ng bigla niyang inagaw at kinain lahat!

“pagtitiyagaan ko kdkajkdjkfj” hindi ko na maintindihan yung huli niyang mga sinabi kasi puno ng muffins yung bibig niya. Gusto ko na ngumiti kasi kunwari pang hindi masarap gusto rin pala.

“HAHAHAHA,, kunwari pang ayaw gusto rin pal—HOY!! Hala oh ito tubig”

“ehem,, ehem!!! T-tubig!” HAHAHA.. ayan kasi ang takaw. Nabilaukan tuloy.

“thanks,,, woo! Muntik na yun” sabi pa niya habang hinaplos haplos ang dibdib niya.

“yan kasi, ang takaw mo, penge nga ako” akmang kukuha na sana ako sa tray kaso..

Enslavement Turns To Love ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon