Girl's POV
Dear diary,
Nakasalubong ko siya ngayon. 'Di ko magawang ngumiti, baka kasi 'di siya ngumiti sakin ng pabalik. Ang awkward naman kung ganun. Sa halip ay iniwas ko ang aking tingin.
Marami namang magaganda diyang babae eh, kaya imposibleng magustuhan niya ang tulad kong simple lang.
Pero bakit ganun? Umaasa pa rin akong balang araw ay magiging kami?
Ayokong mag-assume. Ayokong masaktan.
Dear diary,
Nakasalubong ko na naman siya ngayon. Ba't ba ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya? Pag-ibig na kaya ito? At heto pa, ngumiti siya sa akin. Halatang nang-init ang mukha ko kaya muli kong iniwas ang aking tingin. Ayaw kong makita niyang namumula.
Nakakahiya >//<
Aish. Unli nga ang pagpapakilig niya, para naman sa lahat :(
Dear diary,
Alam mo yung salitang nakakahiya? Yan yung nararamdaman ko ngayon eh.
Nakatingin lang ako sa bulletin board kanina habang--uhmm nangungulangot tas 'di ko inaasahang magkakasalubong na naman kami T^T
Tadhana naman eh. Pinapasalubong mo kami lagi, pati ba naman ngayong nangungulangot ako?! >//<
Dear diary,
Andrei. Tama. Andrei Dio Sanchez ang buo niyang pangalan. Nakita ko sa Yearbook ng ate ko eh. Grade 11 na pala siya. Senior ko siya! Sempai. Sunbae.
Good night diary!
Nagmamahal,
Gwen Lorraine Sanchez ;)
Ngayon, napagpasyahan kong magtapat na sa kanya. 'Di ko na kasi kayang itago pa ang nararamdaman ko. Alam ko at sigurado akong--Mahal ko na siya.
Papunta ako ngayon sa room nila. Medyo malayo-layo ito sa room namin. Pero bahala na. Kapag gusto, pipilitin at titiisin.
Sana worth it itong gagawin ko at sana 'di ko ito pagsisihan sa huli. Ok lang sa akin ang mareject basta ang mahalaga ay malaman niya ang nararamdaman ko.
May dala akong sulat para sa kanya. Ayoko kasing umamin sa kanya ng harap-harapan. Baka mautal ako bigla at makalimutan ang ibang linya.
Pinagpuyatan ko talaga 'to kagabi.
Naabutan pa nga ako ng pinsan ko eh habang sinusulat 'to.
"Gwen, hinay-hinay lang sa mga ganyan. Marahil nga ay magandang malaman niya ang nararamdaman mo pero sa panahon ngayon bihira nalang ang mga matitinong lalaki," sabi niya.
"What if he'll take you for granted? Na ginawa ka niyang girlfriend para pagsamantalahan ang pagmamahal mo? Naku! Mas masakit 'yon kesa sa ma-reject," dugtong niya.
"Ano ka ba insan. Magtatapat lang naman eh. 'Di ko naman hinahangad na maging kami," tanging nasagot ko.
Masakit, oo. Masakit.
Dahil ang totoo niyan, gusto ko. Gusto kong may mangyari sa amin. Na hindi nalang hanggang tingin ang kaya kong gawin. Gusto ko ring mahawakan ang kamay niya. Ang maramdaman ang bisig niya.
Magfafive na ng hapon kaya wala ng gaanong tao sa school. Sana naman ay 'di pa sya nakakauwi.
Paliko na ako sa isang corner ng may nakita akong 'di ko inaasahang makita.
Nabitawan ko ang dala kong sulat. Hindi ko napansing unti-unti na palang nagbabagsakan ang mga luha ko.
May kahalikan siya.
Ang sakit.
Parang kumirot ang dibdib ko.
Alam kong wala akong karapatang masaktan dahil 'di naman kami pero 'di pa rin natin mapagkakailang mahal ko siya.
Tumakbo ako pabalik at dumiretso sa locker ko para kunin na ang mga gamit ko. Gusto ko ng umuwi at doon sa kwarto ibuhos ang aking hinagpis.
Pagbukas ko saking locker, may nakita akong pulang card.
Ano to, threat note? Yung kagaya sa Meteor Garden? Tss.
Kinuha ko ito at binasa.
Dear Gwen,
Matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo, pati na rin sa malapitan. Matagal ko nang gustong umamin sa iyo pero naduduwag ako. Kaya sorry, pero idadaan ko nalang muna ito sa sulat..
Mahal kita :)
From,
Secret Admirer
Sus! Pakana na naman ng mga kaklase ko -.- Dumadagdag lang to sa pagka-BV ko eh.
Wala ako sa mood kaya kinumot ko ang papel at tinapon ito sa sahig.
Sinara ko na 'yong locker ko at dali-daling umuwi.
Tama nga ata si insan. Mga playboy lang ang mga lalaking tulad niya.
One-sided love sucks.
Dear diary,
Nginitian niya ako kanina pero wala na akong nararamdaman para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Siguro [Two Shots]
Teen FictionPaano kung ang inakala mong one-sided love ay hindi pala? Copyright © 2014 by marxxsenpaii All Rights Reserved