CHAPTER # 14: LYRA

512 17 0
                                    

=>LYRA'S POV<=

"I don't want to lose him, I won't give him up"

Hindi ako nakatulog dahil paulit ulit sa utak ko ang mga sinabi sakin ni Rain. Pakiramdam ko naging manggagamit ako at halos walang pinagkaiba sa mga babaeng mang-aagaw.

"Ang aga mo naman magising" bungad sakin ni Cherry.

"Ahm, may work na ko"

"So?" masungit nyang tanong,

"Oh, ang aga nyo nagising" bungad ni tita samin.

"Mom, may sasabihin daw si Lyra sa inyo" Cherry

"What is it?" tanong naman ni tita sakin.

"Tita, my work na po kasi ako, ahm, saka may matutuluyan na din po ako"

"Aalis ka? Pwede namang dito ka muna tumuloy hanggang matapos mo ang college, eh" tita,

"Ahm, okay lang po ako tita, mas malapit po kasi yung bahay na tutuluyan ko dun sa pagtatrabahuhan ko pati na din sa school"

"Sure ka na ba dyan?" tanong ulit ni Tita sakin.

"Opo tita, thank you po"

"Okay, wala ka naman na ding aalalahanin kasi ako na bahala sa mga gastos mo sa school" sabi nya,

"Kelan ba kasi ang alis mo? Mamaya na ba? Kaya ba maaga kang nagising?" Cherry.

"Opo sana"

"Ang bilis naman" tita.

"Hayaan nyo na po sya!" saway ni Cherry saka bumalik na sa room nya.

Nag-almusal kami ni tita ng kaming dalawa lang, nasa ibang bansa kasi ang asawa nya, while si Cherry halos hindi naman namin nakakasabay sa pagkain.

Anak ako ng kapatid ni tita Elaine na mommy ni Cherry, kung mayaman sila cherry kabaliktaran naman kami. Si mama ay dating kasambahay, nang makapag abroad si papa saka sya tumigil sa pagkakatulong. Nung nag five years old ako, nakauwi na si papa and gumanda naman yung buhay namin, nasangkot sila sa isang car accident nung twelve ako. Kaya simula high school kinuha ako ni tita at sya na ang nagpa-aral sakin.

Dahil sa kamalditahan ni Cherry, hindi kami nagkakasundo. Hanggang sa mag third year kami, nagulat na lang ako ng nakiusap sya sakin.

###FLASHBACK###

"Lyra, tulungan mo ko" umiiyak syang lumapit sakin.

"Bakit ka umiiyak?"

"I did sex" bigla nyang sabi! Sa sobrang gulat ko napatili ako

"Ano?"

"Shhhh, wag ka mainggay papagalitan ako ni dad pag nalaman nya" saway naman nya sakin.

"Alam mo naman pala, eh, bat mo ginawa?"

"Because his so cute, ayoko sya mawala sakin. Akala ko pag nagpagalaw ako hindi nya ko iiwan, eh" katangahan nyang sagot sakin.

"So nasan na sya?"

"Hindi na sya nagpakita" sagot naman nya saka umiyak ulit.

"Ano ka ba naman Cherry, hindi ka na nakuntento na nag boyfriend ka na hindi alam ng mama mo, nagpagalaw ka pa"

"Alam ko, sige pagduldulan mo pa" sabi nya pa sakin.

"So ano ba kailangan mo?"

"I need you to ruin him" sabi nya bigla,

"Pano? Bakit ako?"

"Just, go out on a date with him, be nice to him and make him fall inlove with you" paliwanag nya,

I Love You My REBOUNDWhere stories live. Discover now