CHAPTER # 40: HOSPITAL

283 14 0
                                    


=>RAIN'S POV<=

Nang magsiuwian ang mga bisita naiwan kaming magbabarkada. Ewan ko kay at Yhan pero mukhang dahil lang sa pagkain.

"Ayan Ulan, legal age ka na, pwede na ba?" natatawa tawang tanong ni Marty sakin

"Pwede nang ano?"

"Wala, never mind, pwede ba ulit kumain?" tanong nya na naman. Tumango na lang ako as an answer.

"Asan jowa mo? Asan gift nya sayo? Patingin na dali" sabi bigla ni ate Yhan.

Napaisip ako, asan nga ba? Meron ba? I try to look for his gift pero, napaisip ako, wala naman syang inabot sakin.

"Kapatid, nasan na?" sabi ulit ni ate Lj sakin.

"Wala naman syang inabot sakin" sagot ko sa kanila.

Mga itsura nila ng malamang walang gift si Jhaydee sakin parang sila pa yung nadismaya, ah.

"Ano? Bakit naman wala, nasan na ba si Jhaydee?" tanong naman ni Marco.

"Parang kanina nung inaayos namin yung venue mas excited pa sya, ah, tapos nung party na parang pagod na pagod na sya" sabi naman ni kuya Ivo.

Naalala ko nung sumasayaw kami kanina for 18 roses, parang hirap na nga sya huminga. Parang iba talaga yung aura nya. Dati halos paandaran ako ng mga sweet words nya, while kanina parang hirap sya magsalita.

I think there is something wrong with him.

"Asan ba si Jhaydee?" biglang tanong ko dito sa mga kasama ko. I want to talk to him.

"May dumaang anghel? Ang tahimik nyo?" sabat bigla ni Marty na may dalang isang platong puno ng pagkain.

"Ang konti nyan, ah" pangaasar naman ni kuya Ivo sa kanya.

"By the way, nakita mo ba si Jhaydee?" tanong ni Marco sa kanya. Tinuro naman nya yung way palabas using his lips.

"Saan ba?" inis ko namang tanong. Kasi naman tinatanong kain ng kain, eh.

"Sa may labas, may kukunin lang daw sya sa kotse" sagot nya habang may laman ang bunganga.

"Go, puntahan mo na, mag-usap na kayo" sabi ni ate Lj saka ako tinutulak palayo kasama si Marco.

"Bakit sila maguusap!? Magkaaway ba kayo?" tanong ni Marty. Tinignan sya ng masama nila kuya Ivo.

"Kumain ka na lang nga" saway ni ate Yhan sa kanya saka ako tinanguan at sinenyasan na umalis na.

Lumayo ako sa kanila. Hinanap ko yung boyfriend ko na after ng paguusap namin kagabi, eh, hindi ko na nakausap ulit.

Nang makalabas ako nakita ko syang naka sandal sa kotse nya habang nakapamulsa at nakatitig sa sapatos nya.

Ayoko syang istorbohin dahil mukhang malalim ang iniisip nya. Pero dahil sa expressionless nyang mukha mas nabahala ako.

Hindi pa man ako nakakababa sa tatlong step na stairs, nagsalita na ko.

"Is there something bothering you?" pagbasag ko sa katahimikan.

Binigyan nya ko ng isang sobrang sweet and wide smile na kahit kelan, eh, hindi nya pa naibibigay sa akin.

Bumaba ako para lumapit sa kanya, agad naman nyang hinawakan ang mga kamay ko ng makalapit na ako sa kanya.

"Happy 18th birthday, mhie" sabi nya saka ako binigyan ng isang halik sa forehead ko.

Napangiti ako sa ginawa nya. Pero napansin kong masyadong malamig yung kamay nya.

"Dhie okay ka lang ba?" diretso kong tanong. Tango at ngiti lang ang sagot nya.

I Love You My REBOUNDWhere stories live. Discover now