CHAPTER # 25: SEARCH

509 16 1
                                    

=>JHAYDEE'S POV<=

"Tita tara na po?" tanong ni Ivo kay mama.

Today is the first day of new school year, dinaanan lang namin sila Rain at mama para isabay sa pagpasok.

***

"Mom, kanina pa tayo nandito di mo pa rin po ba nakikita?" tanong ni Rain.

Maaga kami pumasok para makita yung mga pumapasok baka daw sakali makita namin si ate LJ, eh.

"Bro, block lmate pa rin natin si Lyra at Marco diba?" tanong ni Ivo.

"Ewan ko, yata"

"Mom, malelate na po kami, if you want mamayang uwian na lang tayo ulit mag-abang" sabi ni Rain.

Malelate na nga kami, 5 minutes na lang kasi time na.

"Sige anak, hintayin ko na lang kayo" sagot ni mama kay Rain saka nagkiss na kay Rain.

Papasok na kami pero lumingon ulit ako kay mama.

"Mommy, may mall po dun, walking distance lang, dun na lang po muna kayo tumambay" sabi ko. Napangiti sakin si mama saka nag wave.

Nagpapaliwanag yung mga prof namin about their rules and regulations sa mga subject nila!
Ganun naman lagi. Kaya sure maaga uwian

12 pa lang uwian na namin. Wala kaming break kaya mga gutom na kami. Wala ding time para makausap ko si Lyra kaya pinabayaan ko muna sya.

=>RAIN'S POV<=

Nakakaloka naman, first day pa lang may over time na agad na prof.

"10 minutes over time na pala, kaya pala gutom na ko, I'm sure kayo din. Pasensya na napasarap ang kwento ko sa inyo, pano, see you next meeting" sabi ng prof namin sa accounting. Tumayo na sya saka tumingin ulit samin.

"Class your dismissed" sabi nya saka lumabas na ng room.

Lahat kami halos magtakbuhan na sa pinto. Wala, eh, mga gutom na, eh.

"Grabe, haba ng kwento ng prof natin, nakakaantok naman sya" sabi ng kasama ko na nagpahuli, nagsisiksikan kasi sila sa pinto,

"Ay, hi, ako nga pala si Yhan, Janine Yhan Castro" sabi nya saka inabot ang kamay nya sakin.

"Ah, Rain Jean Tan, Rain or RJ na lang" sabi ko saka inabot ang kamay ko sa kanya at nakipag shake hands.

She is so cute, bagay sya kay....

Wag na nga lang, baka magalit sya sakin.

"Yhan, sabay na tayo sa paglabas?" aya ko, wala din naman sya kasabay kaya pumayag sya.

"Ulan nap---" sesermonan sana ako ni Marty ng makita si Yhan, parang umurong ata yung dila nya.

"Ah, hi, kaibigan ka ni Rain? Ako nga pala si Marty" sabi nya saka inextend yung kamay para makapagkamay.

"Hi, I'm Yhan" sagot ni Yhan at inabot naman yung kamay nya.

"AHEM!!!" Sabay sabay naming sabi nila Jhaydee at kuya Ivo. Ayaw pa kasi ata bitawan ni Marty yung kamay ni Yhan,

"Ah, Yhan, this is my cousin, kuya Ivo, and si Jhaydee." pakilala ko sa dalawa,

"Hi nice to meet you" bati ni kuya Ivo saka nakipag shake hands.

"Hi, Jhaydee, Rain's boyfriend" pakilala naman ni Jhaydee saka nakipag shake hands din.

"Ah, maglalunch kami, sabay ka na samin" aya ko, buti na lang hindi sya tumangi I really like her, ang gaan ng loob ko sa kanya.

Kumain kami sa mall malapit sa campus.

"Treat ko na" sabi bigla ni Marty, aba may himala ata, ah??

"Bro, nakilala mo lang si Yhan nanlilibre kana agad, iba ka talaga tamaan" pang-aasar ni kuya Ivo.

"Ayaw mo pa?" sagot naman ni Marty.

"Kuya wag mo na asarin mamaya magbago isip, eh" saway ko. Pumila si Marty para mag-order.

"Si mama nga pala?"

"Ah, umuwi na, nahilo daw, saka ang tagal mo daw kasi" sagot ni Jhaydee.

"Hindi ko kasalanan, kasalanan nung prof namin"

"Nga pala Yhan, transferee ka?" tanong ko, para kasing di ko sya nakita last sem.

"Ah oo, galing akong Saint Joseph Academy" sagot nya ng nakangiti. Pala smile pa, she looks so pretty pag nag-smile.

"Ilang taon ka na?" tanong bigla ni kuya Ivo,

"18, nag stop kasi ako ng 1 year, kapos, lalong kinapos nung enenroll ako ni mama sa SJA" Sagot nya samin.

"Ah, kabatch mo pala sana kami noh??" tanong ni Jhaydee.

"Oo" sagot nya lang, nakakaloka si kuya saka si Jhaydee, makatitig samin ni Yhan wagas.

"If you don't mind, anong pangalan ng mama mo? saka anong work nya?" tanong ni kuya Ivo.

"Elise, dati syang maid, pero ngayon may mini store na kami dahil kay papa na nagwowork ngayon sa California" sagot nya, what's with this two? Ang dami nilang tanong.

"Only child ka?" tanong ni Jhaydee, tumango naman sya.

"Oh, ang cute, lahat tayo only child" natutuwa kong sabi at napapalakpak pa.

"Baka nakakalimutan mo Ulan, your looking for your sister" biglang sabi ni Marty na biglang sumulpot sa pagitan namin ni Yhan.

"Oo nga pala"

"Your searching for your sister??" tanong ni Yhan sakin. Tumango lang ako saka ngumiti.

"Alam mo, I want you as my sister. Wala naman ako hinahanap na sister, pero pwedeng ako muna maging ate mo" sabi nya, nagpantig ang tanga ko sa narinig ko.

"Ah, sure, I also wanted you to be my sister, sana nga ikaw na lang nga yung ate ko, eh"

"So ako na kuya mo huh" sabat naman ni Marty na di na lang namin pinansin at nagsikain na lang kami.

"Grabe talaga tong mga to oh, nilibre na nga di pa ko pinansin at sinuportahan man lang" reklamo nya pero di pa din namin sya pinansin.

"Alam mo Marty, ikain mo na yan, gutom ka lang for sure" sabi ni ate Yhan.

"Buti ka pa concern sakin, salamat huh" pagdadrama nya, natatawa naman si ate Yhan sa mukha ni Marty.

After namin kumain we insist, ay Marty insist pala na ihatid namin si ate Yhan sa bahay nila.

After namin sya ihatid dumiretso sila sa bahay, nagluto kasi si mama and she asked me to invite them for dinner. Invite ko din sana si ate Yhan pero baka tumangi na sya kaya next time na lang.

"Alam mo mom, ang landi ni Marty, kala mo babae" kwento ko kay mama, nagkukwentuhan kami habang nagdidinner,

"Tita kasi po, maganda po talaga sya. Mabait pa, nasa kanya na talaga lahat" sagot naman ni Marty.

Kung ano ano pang kwento ni Marty na pinagtatawanan lang namin.

"Pero next time anak invite mo sya para makilala ko naman huh" bilin ni mama sakin tumango naman ako sa kanya.

=>IVO'S POV<=

Nasa sasakyan kami habang daldal ng daldal si Marty tungkol kay Yhan.

Pero mukhang parehas kami ni Jhaydee ng hinala.

"Brad kailangan siguro talaga sya makita ni mama para makumpirma" sabi ni Jhaydee na kumbinsidong kumbinsido na nga.

Sana nga sya na yung hinahanap nila tita para matapos na yung paghahanap nila na inabot na halos ng taon.

I Love You My REBOUNDWhere stories live. Discover now