Chapter 5
I was gazing at the stars when I felt a thick cloth covered my body and a person lied down next to me.
"You should get inside of the tent." Bigla ako napatingin sa kanya pagkatapos ay sa tent kung saan ay natutulog na si Karlos. "It's getting cold here." Dagdag pa niya.
"I know." Siya naman ang napatingin sa akin. Hindi pa naman kasi ako dinadalaw ng antok kaya nandito pa rin ako sa labas at pinagmamasdan ang mga bituing nagniningning sa malawak na kalangitan.
"Are we going to..." He left his words hung on the air.
"Talk. I thinks so." Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa mga bituin. "Sinira mo rin lang naman ang pagmo-moment ko rito." Nginisian ko siya.
Napapailing siyang ngumiti sa akin. "Ya' never change, huh?"
Ako naman ang napailing. "You are wrong. I have changed myself and my life."
"Saan ba tayo magsisimula?" Tanong niya habang umisod papalapit sa akin.
"Tristan..." I said in a warning tone. "Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kanya habang tinititigan ang mga tala sa taas.
One month had passed when I last saw him at the party. Ilang beses ako nakatanggap ng mga tawag at text sa mga magulang ko. Hindi ko sinagot ang mga iyon pero sigurado ako na hinahanap nila. I kept myself busy so I could avoid meeting them. Kahit si Tristan ay hinahanap ako sabi minsan ng sekretarya ko. I had a bad feeling about it. Then one Sunday morning my parents went to my pad. Ang aga nga nila eh. Nakasando at pajama lamang ako. Ni hindi nga ako nakapag-toothbrush o suklay. Then again who cares? They are my parents.
Pinapasok ko sila at tinanong kung bakit nila ako dinalaw ng ganoong kaaga. They were straight to the point. They said that I shouldn't have left them at the party and Tristan is my fiancé.
My jaw dropped because of the bomb they exploded that morning. I asked them why did they did such a thing. The arranged marriage. Ang sinabi lang ni Mom ay:
You're not getting any younger. Matanda ka na lalo na kami. We want to see our grandchildrens before we left the earth. Time is too short, Erica. Parang wala kang balak mag-asawa o magkapamilya. Kahit boyfriend ay wala ka. So we arranged you to Tristan.
Sobrang kalma sila noon. Parang ang simple lang ng ginawa nila. It was like they gave me a candy and told me to brush my teeth after eating it. At doon na talaga ako nahimatay sa sinabi ni Mom. I meant who would pulled such a thing like that? Only my parents would. I'm only 24 years old for peter's sake! Wala pa sa isip ko ang magkapamilya. Pwede naman na si Mikael nalang. Ayaw ko pa naman na pinapangunahan ako lalo na sa mga ganoong bagay.
Hindi naman nalulugi ang kompanya namin kaya hindi kailangan mag-merge ang kompanya nina Tristan at ng amin sa paraan ng arranged marriage.
Okay lang naman daw kung hindi iyon ituloy. Hindi naman kasi talaga nila ako sapilitan na ipapakasal kay Tristan. It was their solution for their daughter --- me. May pagkapraning kasi ang mga magulang ko. Takot siguro sila na tumandang dalaga ako katulad ng Tita Lea ko na iniidolo ko dahil sa pagka independent niya. My Mom also told me if I wouldn't be married at the age 28 or 29, the arranged marriage would happen.
But I wasn't bothered at all. Hindi ko naman kailangan seryosohin iyon. Pwedeng matuloy o hindi.
"Kasi kailangan natin mag usap."
"About what?" Mabilis kong tugon.
"Us. About us, Eric." Mabilis din niyang tugon.
"If you're referring us with has something to do with the past, just forget it, Tristan. Pero kung tungkol sa kalokohan ng mga magulang natin... I'm willing to talk to you. Arranged marriage lang naman ito. Don't take it so seriously. We both don't want this. Pwde natin hindi ituloy. Kahit nga ngayon ay pwede nating i-cancel ang engagement."
