Chapter 6
I smelled something... sweet. Strawberry. I opened my eyes then smiled. It sure is it smell strawberry. Here in my arms, lying beside me and sleeping was Erica. I pulled her even closer to me. My arms were around her little waist, her face was on my chest, her lips were slightly parted, her hair was everywhere and our legs were tangled. It felt great just to be with her. And it would be great if I would wake up every morning seeing her beside me.
Erica was a college friend. It was fun to be with her. She's funny, carefree when she's with her friends, lazy, childish, boyish, nice, unfashionable, sometimes KJ, strict, unpredictable ang the list goes on. Pareho kami ng kurso --- BSEd. Kahit ang circle of friends ay pareho rin. Pero may nagbago. Nagbago siya. Lumayo siya sa amin at lumipat ng kagrupo. Hindi nagtagal ay iba na rin ang kurso niya --- BSBA.
Naalala ko iyong una naming pagkikita. Unang araw namin noon bilang 2nd year college student. Dapat nga ay 3rd year college student na ako ang kaso ay pinatigil muna ako dahil nagipit kami noon.
Blanko lang ang ekspresyon niya habang nagpapakilala ako sa unahan. Samantalang iyong mga classmate namin ay nagpapa-cute pa sa akin at may sumigaw pa na ang gwapo raw ako. Gwapo naman talaga ako at hindi ko iyon itatanggi.
Tatlong linggo na ang nakakaraan ay hindi pa rin kami nakakapag-usap kahit simpleng Hi o Hello ay wala. Kung hindi pa kami magkakaroon ng group activity sa isa naming asignatura ay hindi kami mag-uusap.
Tumingin siya sa akin. Nakataas ang isa niyang kilay na para bang tinatanong kung bakit nila ako kasama. "Ano nga ang pangalan mo?" Malamig na sabi niya sa akin nang magbibigay na siya ng gawain para sa aming aktibidades. Iyon ang unang pangungusap na sinabi niya sa akin. Nagulat pa nga ako noon dahil hindi ako makapaniwala na tatlong linggo na kami magkasama ay hindi niya pa pala ako kilala. Hindi lang pala ako ang nagulat kahit ang aking kagrupo ay napangsihap.
"Tristan Perez." Tugon ko. Makikipagkamay sana ako ng tinanguan niya lang ako at kaagad ibinigay ang gagawin ko.
"Suplada. Tss." Bulong ko.
"May sinasabi ka diyan?" Taas kilay niyang tanong sa akin.
"Mataray."
"Huwag ka bubulong diyan. Kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo ng harapan."
Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Kung kaya simula noon ay medyo ilag ako sa kanya. Nalaman ko may pagkasiga pala siya. Nagkakababaeng tao ay nanununtok. Naturingang nasa Education Department siya.
Napailing nalang ako nang maalala ko na sinuntok niya nga pala ako kagabi lang. Tomboy talaga 'to.
Niyakap ko nalang siya ng mahigpit at pinikit ulit ang mga mata ko.
---------
Sorry late update! v(*o*)v
