Dylan's POV
Ang bilis ng panahon. It's been three months mula nung magpakasal kami ni Yulia. So far ay naging okay naman ang nakalipas na tatlong buwan
I felt like we were really a couple. Except lang sa... Alam nyo na? Wala kaming ginagawang ganun. Mula nang maging mabait na sakin si Yulia ay hindi ko narin naisip na magtake out ng ibang girls. Kaya eto sariling sikap nalang. Hahaha!
Si Yulia naman ay minsan nalang lumalabas kasama si Regina. Mga once a month nalang sila kung magkita.
Tuwing papasok sa opisina ay hinahatid ko muna si Yulia sa trabaho nya. Sinusundo ko rin sya sa paguwi. Kung hindi kami magdidinner sa labas ay madalas 6pm palang ay nasa bahay na kami and then she cooks dinner.
Pagdating naman sa mga gawaing bahay, magkatulong kami sa paglilinis at paglalaba.. Bihira lang kami magpatawag ng tagalinis. Ang sweet talaga ng asawa ko. Hehehe.. Baka naman it's time na para totohanin na namin ang pagiging mag asawa...
7:30pm na. Nauna nang umuwi si Yulia. Hindi ko na sya nagawang sunduin dahil may biglaang meeting sa opisina.
Paghinto ng sasakyan ko sa tapat ng gate ay may nakita akong nakaparadang pulang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
Hindi nakalock ang pinto ng bahay kaya naman diretso na akong pumasok at pumunta sa kusina..
"Yuli babe..." Hinanap ko sya sa kusina pero wala.
"Hmm.. Kaldereta." Mapaparami na naman ang kain ko nito.
Umakyat muna ako para silipin si Yulia sa kwarto.. The door was slightly open..
"Regina I'm sorry. Sorry kung nawawalan na ako ng time sayo.. I promise, i'll make it up to you." Si Yulia kausap si Regina.
"I'm callig you and texting.. Pero ang sabi mo you were busy sa trabaho. Yun pala busy ka sa pagiging caring and loving wife sa asawa mo?!" I can sense anger on Regina's voice.
"Regina please understand.. Dylan and I, pareho naming kailangan ang isat isa. I just want to make things easier habang magkasama kami.. Just give me one year okay?" Oo nga naman, kasi one year lang ang kontrata namin, ilang buwan nalang yun. Mabilis lumilipas ang panahon.
Then they hug and kiss... But why...? Why am I hurting? Ang akala ko kasi talagang okay na kami ni Yuli. Ang akala ko pwede naming totohanin ang kasal na to. Damn Dylan! Bakit ba kasi masyado kang umasa..
Regina's POV
Pasakay na ako ng kotse nang biglang nakita ko si Dylan na nakatayo sa labas ng gate..
"We need to talk.." That was the first thing he had to say.
"About what?" I know it's about Yulia but I need a confirmation.
"I love her.. Can't you just not bother us anymore?" I am not surprise hearing it from him. I knew it. Sa mga kwento palang ni Yulia nuon tungkol sa kanya, I know it's not impossible for him to fall for her.
"You're telling me you love her? You jerk! Eh sya? Alam ba nya na mahal mo sya? You don't even have the balls to tell her that!"
"You don't know anything!" Yun ang akala mo.
"Oh yeah? Of course I know everything! And I know na nagdala ka pa ng babae sa bahay nyo kahit na alam ng ibang tao na magasawa kayo!"
"She knows...?" May pagtataka sa boses nya. Akala nya siguro ay matatago nya kay Yulia ang mga kalokohan nya.
"Oh yeah! She knows it. But she doesn't give a damn coz you don't mean a sh*t to her." Walang imik si Dylan. Hindi ko alam kung naprocess na ba sa utak nya ang mga sinabi ko.
"You know what Dylan? If you think that Yulia will love you back, sana matagal mo na syang nakuha."
"Because your presense makes her confused!" Sige ganyan nga Dylan. Prove to me that you are worth it.
"Wala na akong magagawa sa mga frustrations mo Dylan." Agad na akong sumakay sa kotse at umalis.
AN:
Hindi ko pa alam kung papano uumpisahan ang next chapter. Spoiler alert! Baka magkaroon ng BS which is hindi naman ako magaling dun. Hahaha. Iisipin ko pa kung papano.. Sana maupdate ko agad ngayong araw.. 10/21/2014
BINABASA MO ANG
My Lesbian Wife (Short Story)
RomanceI'm not ready to commit myself in a serious relationship. But I need to get married as soon as possible dahil kapag namatay ng di oras si lolo at hindi pa ako nakakapagasawa ay no way na nyang mababago ang last will ang testament nya na hindi ako pa...