Malamig ang simoy ng hangin sa labas kasabay ng makulimlim na kalangitan. Napatingala ang pitong taong gulang na si Raziz Gavio Arkanghel sa kalangitan. Napangiti siya ng makitang uulan dahil alam niyang maghahanda agad ang kanyang ina ng paborito niyang sopas.
Naibalik niya ang tingin sa kalsada kung saan madalas naghihintay ang dapat ay sundo niya. Lumabas siya sa guard house upang hanapin ang sasakyan na ginagamit ng driver sa pagsundo sa kanya tuwing uwian.
Nagtataka na siya dahil mag-aalas sais na ay wala pa ito kaya naisipan na lang niyang mag commute. Habang pauwi ay unti-unti rin ang pagpatak ng ulan.
Hanggang sa makarating siya ng bahay nila ay tuloy tuloy parin ang pag-ulan kaya masigla siyang pumasok sa loob ng bahay. Nasisiguro niyang nakahanda na ang mainit init niyang sopas.
"Mama?" Ang kaninang masigla niyang mukha ay biglang napalitan ng pagtataka. Hinanap niya sa kusina ang ina ngunit wala ito kaya inisip na lang niyang baka nakauwi na ang papa niya at baka nasa kwarto ang dalawa.
Nagkibit-balikat na lang siya at umakyat sa kwarto niya. Akmang pipihitin na niya ang sedura ng pinto ng makarinig siya ng pagkabasag na nagmumula sa kwarto ng kanyang magulang.
Mabilis siyang tumungo sa kwarto at walang pagdadalawang-isip na binuksan ito.
"Ma--" Tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Ni hindi niya magawang ihakbang ang kanyang paa at lapitan ang ina niyang hawak ng tatlong lalaki at kapwa sarap na sarap sa pambababoy sa ina niya.
"T-tak..takbo a-anak.."rinig niyang wika ng kanyang ina kaya napalingon ang mga lalaki. Buong akala niya ay hahabulin siya ng mga ito pero tanging ngisi lamang ang iginawad sa kanya at nagpatuloy sa kung ano man ang ginagawa nila sa ina niya.
BINABASA MO ANG
THE KILLER'S CURE
Ficción GeneralPitong lalaki ang sumira sa buhay ng kanyang ina. They raped her mom hanggang sa hindi na nito nakayanan kaya namatay ito. Nang dahil sa galit na namuo sa pagkatao niya ay nabuo niya ang planong tatapos sa mga buhay nito. Ang buhay ng kanyang ina ka...