Raziz Gavio's POV
Malayo pa lamang ako sa kwartong pinagkulungan ko sa ika-anim kong biktima ay rinig ko na ang hinagpis nito. Palihim akong napangisi ng pagbukas ko ng pinto ay nakita ko itong nakabaluktot sa isang tabi habang nag-aayos naman ang tauhang binayaraan ko para pahirapan at gahasain siya.
Nagsindi ako ng sigarilyo at ninamnam ang usok nito bago ibinuga sa hangin.
"Okay na ako boss" masaya nitong sabi. Tiningnan ko ito ng malamig bago tinatak ang abo ng aking sigarilyo. Mula sa aking likuran ay kinuha ko ang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga at agad na inihagis sa lalaking kaharap ko.
"Now leave."
Kumaripas naman agad ito ng takbo dahil sa takot na mapatay ko. Sa galit ko sa mundo, kahit hindi kasali sa mga taong kinasusuklaman ko ay pinapatay ko kapag nakikita kong magiging sagabal lamang ang mga ito sa plano ko. Isang pitik ko lamang ay mala robot na sumunod ang ilang tauhan ko palabas upang habulin ang lalaki. Maya maya pa ay isang putok ng baril agad ang narinig ko hudyat na tapos na ang buhay nito.
Nakangisi kong inabot ang alak at tahimik na uminom dito habang nakatuon ang mata ko sa babaeng halos hindi na makilala ang itsura.
"Get the girl" ani ko bago tumayo sa kinauupuan ko. Naglakad ako palabas at pumasok sa kabilang kwarto kung saan ko kinukunan ang mga biktima ko at ipinapadala sa kanilang mga magulang.
Naupo ako sa itim na sofa at prenteng naupo dito habang itinatali nila ang babae paharap sa camera.
"Now talk woman, humingi ka ng tulong sa magulang mo, lalo na sa tatay mo" utos ni Rav, isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. Umiling ang babae kaya nakatanggap ito ng sampal kay Rav.
Humihikbi ito habang nagmamakaawa sa kanyang mga magulang na nasa kabilang screen. Rinig na rinig ko ang iyak ng kanyang ina habang galit na galit naman si Alfonso Miranda, ang lalaking kumukuha noon ng video sa aking ina habang binababoy ng kanyang mga kaibigan.
"Please, maawa ka sa anak namin. Kung ano man ang nagawa namin sa iyo ay handa naming pagbayaran, huwag lamang ang aming anak."
Tumayo ako bago isinuot ang mask sa mukha ko at tanging mata lamang ang makikita. Tiningnan kong mabuti ang screen at tinitigan ang gagong mukha ni Alfonso. Nakita ko ang takot sa mga mata niya ng ipakita ko ang magandang litrato ng aking ina. Napaatras ito habang nanlalaki ang mata.
"M-maawa ka. H-huwag ang anak ko ang singilin mo. Ako--ako ang may kasalanan, ako na lang please." Napaluhod ito.
Umiling-iling ako bago sumulat sa white board. Now watch how i kill your beloved daughter
Dahan dahan kong iniangat ang mukha ng babae na ngayo'y nakapikit na ang mga mata dahil sa pagod. Gamit ang baril na hawak ko ay pinalandas ko ito sa kanyang mukha pababa.
"Please..kill me now" paos niyang sabi.
Napatingin ako sa screen at nakitang nakaluhod parin si Alfonso habang umiiyak at ang asawa naman niya ay todo hingi ng pakiusap sa akin. Kung sana may awa pa akong natitira sa katawan, maaari ko pa sanang buhayin ang babaeng ito pero hindi! Hindi na maibabalik pa ang buhay na ninakaw nila noon sa amin ng ama ko kaya pasensiyahan na lang.
Isang kalabit ko ng baril ay ang pagtatapos ulit ng isang buhay. Walang emosyon kong hinarap ang magulang nito na ngayon ay naglulupasay na sa sakit matapos masaksihan ang pagkawala ng unica hija nila.
Bayad kana Iyon ang muli kong isinulat sa white board bago ini-off ang monitor. Mabilis na inabutan ako ng tauhan ko ng pamunas sa dugong nasa kamay ko.
Walang lingon kong nilisan ang kwartong iyon kasunod ni Rav. Pabagsak itong naupo sa sofa bago ininom ang beer na kinuha niya sa ref.
"Last girl, then we're done" aniya. Tumango ako bago binuklat ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa panghuling papatayin ko.
Napako ang mga mata ko sa mukha ng babae. Nakataas ang isang kilay nito at base sa aura ay mataray ito.
"Siya si Alejandra Mirasol Coste, anak ni Miguel Coste. Matagal ng namatay ang asawa ni Miguel dahil nasangkot ito sa car accident."
Hindi niya pinansin ang lalaki at nagpatuloy sa pagbuklat ng iba pang impormasyon tungkol sa babae. Naningkit ang mata niya ng makita ang litrato nito na may kahalikang lalaki at base sa suot nito ay nasa beach ito. Palihim akong umismid dahil mukhang mapapadali ang pagkuha ko sa kanya tulad ng anim na nauna rito.
Bumaba ang tingin ko sa paaralan kung saan ito kasalukuyang nag-aaral. Mukhang mapapadalas siya dito o mas mabuti kung papasokna rin siya at magkukunwaring mag-aaral din para mapadali ang pagpatay niya dito.
Sumandal ako hawak ang litrato nitong nakangiti sa camera. Kung hindi lamang kamukha nito ang tatay niya ay baka nagustuhan ko na ang babae, pero nakikita ko ang mukha ng demonyo kaya mas nangingibabaw ang galit sa puso ko.
Isa na lang, tapos na ako sa paghihiganti mama, makukuha ko na ang hustisya para sa'yo.
BINABASA MO ANG
THE KILLER'S CURE
Ficción GeneralPitong lalaki ang sumira sa buhay ng kanyang ina. They raped her mom hanggang sa hindi na nito nakayanan kaya namatay ito. Nang dahil sa galit na namuo sa pagkatao niya ay nabuo niya ang planong tatapos sa mga buhay nito. Ang buhay ng kanyang ina ka...