A/N : May mga pagbabago po sa estoryang ito. Inaayos ko pa po ang mga bagay bagay rito upang maS maganda at thrill.
Pagpasensyahan nyo na po ito dahil ito po ang unang tatapusin kong estorya. Sana po ay suportahan niyo ito.
Wag kalimutang mag leave nang comment at i-add sa reading list niyo. ^^.
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________
PROLOUGE
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________
Gabundok nanaman na labahan ang naka antabay kay Rosas na siyang ikinabubuhay niya sa syudad kasama ang anak na maglilimang buwan pa lamang.
Nakagisnan na nya ang pagbabalat nang buto sa pagkat ito lamang ang mas malaki ang sahod sa kanyang mga raket. Bente pa lamang sya ay nagmimistulang higit kwarinta anyos ang itsura na.
Mag isa nyang itinataguyod ang sanggol. Habang naglalaba ay tinawag siya ni manang lokring dahil may nagahahanap umano sa kanya, dito magsisimula ang mga panyayari....
Habang abala ako sa paglalaba sa isa sa mga kaboardmate ko rito ay bigla akong tinawag ni manang lokring, ang landlady rito na naging malapit narin sa akin at sa aking anak.
"Inday, may lalaking naghahanap sa iyo sa labas." sabi nang matanda na may kulubot na ang balat.
"susunod nalang po ako manang" ang tanging sagot ko. Kailangan ko muna tapusin itong huling t-shirt bago ko harapin ang taong naghahanap sa akin.
di ko man alam, ngunit sana ay dumating siya at magsisi siya sa kanyang ginawa sa amin.
Hindi rin nagtagal ay natapos rin ako at dali daling lumabas sa may gate. Isang lalaking malaki ang pangangatawan ang naroon, nakatalikod ito. Malalaman mo agad na may kaya ito sapagkat mamahalin ang
kanyang damit na sinusuot at ang halimuyak nang kanyang perfume ay di basta basta lang makikita sa Divisoria.
Alanganin man ay tinawag ko siya. di man ako sigurado ay kailangan kung subukan ... dahil siya lamang ang maaaring maghanap sa akin.
Bigla ko siyang hinarap sa akin. Pagkabigla ang makikita sa kanya, na unti unting napalitan nang pag-alala, pagsisisi at pagmamahal. Nabigla rin ako sa di inaasahang
pagkakataon. Mahigpit na yakap ang kanyang ginawa sa akin at tinugunan ko naman ito. Dinala ko muna siya sa salas na aming tinitirhan.
Bigla ko naman narinig ang bata na umiiyak sa kwarto at dali dali ko itong pinuntahan.
Pagkalito at galit ang nababasa ko sa mata ni Ismael, ang lalaking halos tatlong taon kong hinintay sa buhay ko. Ningitian ko siya at kinuha ang bata sa kwarto.
Sumunod siya sa akin at masasabi kung di siya makampante sa nakikita niya. Alam ko, at sasabihin ko sa kanya.
"Kamusta ka? Mabuti at nahanap mo kami." ang tanong ko sa kanya
matagal siyang nakasagot at tumingin siya nang deretso sa mga mata ko.
"Pinuntahan kita sa probinsya nyo ngunit nabanggit sa akin nang iyung ina na lumuwas ka rito sa syudad upang makipagsapalaran" ang sagot niya na hindi parin naiaalis ang tingin sa sanggol sa aking mga bisig.
"Ang batang kargakarga mo, sino sya?" ang tanong niya sa akin.
wala akong ibang magagawa kung hindi ay sabihin sa kanya
"sya ang bigay nang diyos sa akin, isang anghel na biyaya sa akin, sa atin." nakangiti kung sagot kay Ismael, ang nobyo ko na halos mag aanim na taon.
"Sino ang ama nang batang yan!?" ang tanong na tinapatan nang boses niyang masasabi mung di kanais nais ang gagawin pag hindi ka magsasabi nang totoo.
Kilala ko na siya dahil narin sa aming pinagsamahan. Alam kung ano mang oras ay pwede sya gumawa nang di kanais nais.
"Anak siya nang aking kaibigan noong nagtatrabaho pa kami sa isang factory." Ang sagot ko sa kanya
alam kung hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko at matalim parin ang mga tingin na ipinukol niya sa anghel na nasa aking mga bisig.
"Maniwala ka sa akin Ismael. Hindi ko sya anak, at lalong wala pang sino man ang nakakagalaw sa akin." Ang sabi ko upang patunayan ang aking mga salita.
bigla nya hinawakan ang aking braso at ibinaba sa kama ang batang walang ka muwang muwang sa mga pangyayare.
" Paano mo mapatutunayan sa akin na hindi mo anak yan?! At wala pang lalaking nakagagalaw sa iyo sa loob nang tatlong taon na wala ako.! Imposible!"
ang sabi niya na halatang wala na siya sa mood.
Wala na akong maisip na paraan. Bigla kung tinanggal sa pagkakahawak niya sa akin at tinanggal lahat nang saplot sa aking katawan maliban sa panty. Nabigla sya sa akin, ngunit gusto niya nang ebidensya kaya pagbibigyan ko siya sa nais niya.
Hinila ko siya patayo at inilapit sa akin ang kanyang katawan. Biglang nag init sa paligid dahilan upang naging matagumpay niyang nakuha ang aking pinaka iingatan.
Matapos ang nangyari ay naniwala na siya sa akin. At tinanggap si Baby Mercy, ang pangalan na ibinigay ko sa kanya, tanda nang awa sa kanyang pagkabuhay sa mundo.