003.

155 10 1
                                    

Matapos ang klase ni Jaile ay agad itong nagayos ng gamit. Simula kasi ng malaman niya ang tungkol sa nangyari kay Leandro ay pinakiusapan niya ang ama na maghomeschool na lamang siya, ng sa ganoon ay hawak niya ang sarili niyang oras.

Masyado pang maaga hindi kagaya ng nakagawian, alas tres pa lamang ng hapon. Hindi niya mapigilan ang sarili na pumunta roon, kahit hindi niya nakakausap si Leandro ay kahit paano nararamdaman parin niya ang koneksiyon nilang dalawa.

Nang natapos siyang maligo ay agad siyang bunaba upang magpaalam sa magulang.

"Ma, pupunta na ho ako ng hospital."

Napatingin ang ina sakaniya at tumingin sa orasan, "Alas tres pa lang anak ah? Tapos na ba ang klase mo?"

Tumango siya.

"Minsan lang ho ako makapunta doon ng maaga, Ma. Gustong gusto ko ho talaga na nandoon ako bawat oras para kung..." Hindi niya natuloy ang sasabihin.

Hindi naman kasi na siya sigurado kung mangyayari pa ang hiling niya. Nilapitan siya ng ina at hinawakan ang mga kamay.

"He'll be okay." Saad nito at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Sige na ho, Ma. Mauna na ho ako pakisabihan na lang din po si Papa. Same time ho ang balik ko." Tumango na lamang ang ina.

Agad niyang hinanap ang kanilang driver at nagpahatid sa paroroonan.

Marami na ang nagkwestiyon sakaniya kung bakit patuloy niya itong ginagawa, at sa araw araw na ginawa Niya ay ni minsan ba ay hindi siya napagod.

Iisa lang naman palagi ang tugon niya sa lahat ng pagdududa at tanong na ibinabato sakaniya.

Pagmamahal.

Jaile believes that when you love a person, there should be no limit. Love to the fullest kahit pa ang ibig sabihin nito ay maubos ka.

Alam niya na sasabihin ng ibang tao na magtira ka para sa sarili mo dahil ikaw lang ang meron ka kapag natapos ang lahat.

But she doesn't think that way.

Gusto niyang ibigay sa mahal niya ang lahat, para naman kasi sakaniya ay hindi naman ibigsabihin noon ay uubusin mo ang sarili mo literal. It's about being brave to let yourself love. Kaya lang tayo nagtitira dahil hindi tayo handang sumugal.

Jaile learned that fron her father.

One story she remembered, ay nong nagkwento ang ama how hurt he got nong mapares ang ina sa iba para sa isang pelikula. Pumatok ito at talagang ginustong magkaroon ng sumunod. He remembered how the adprom tean were pushing this loveteam to happen.

Nilunok niya lahat ng sakit at kirot nong mga panahong yon, he felt so helpless and for the first time, insecure. Nakaramdam ng takot na baka mawala ang ina.

In love, there would be a lot of emotions, feelings and courage. Pero kapag mahal mo ay mahal.

Agad na bumaba si Jaile ng makarating sa hospital, pero napatigil ng makita kung sinong tao ang nandoon.

The least person she would want to see, ever.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig niyang tanong.

"Your brother won't let me see you sa bahay niyo kaya I figured out dito kita puntahan. Sorry narinig ko kasi si Tito at Papa na naguusap, nasabi nita which hospital..." Umirap lamang siya at nilagpasan ito.

"Jaile..."

"What?" Singhal niya ng hinawakan siya nito sa braso. "What do you want Kaizer? Bakit ka ba nandito?"

"I... I don't know."

Napangiti siya ng mapakla.

"Then leave."

"Jaile naman..."

"Bakit ano sa tingin mo? Kakausapin kita? Kahit ano pang gawin mo, hindi kita mapapatawad. You should know kung bakit dito mo ko makikita. Leandro's here. My heart is here."

Nakita niyang nasaktan si Kaizer sa kaniyang sinabi pero she couldn't care less.

"That was two years ago, Jaile..." Ngumisi siya sa binata.

"Right. Pero you shouldn't have taken things in your hands, Kaizer. I am the girlfriend. Ako dapat ang nagsabi sakaniya ng lahat. Kahit naging honest ka. Para atleast nakita ko man lang yung mukha niya bago nangyari to, na baka kung ako yung nagpaliwanag nagbago isip niya."

Tahimik lamang si Kaizer, nilapitan niya ito at mahinang itinulak.

"Ginawa mo lahat ng nagawa all for me, na hinding hindi mo makukuha. Now, leave." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ito at pumanhik na sa kwarto ng kasintahan.

Hindi niya nadatnan ang ina ni Leandro doon, nagtext ito sakaniya na hindi na siya nito mahihintay dahil nagkaroon ng emergency online conference.

"Hi baby, ang gwapo mo naman ngayon." Bati ni Jaile sa nobyo.

"Alam mo baby nahihilo na ko sa mga inaaral namin, masyadong madami pero sabi ni Teacher Marcell ay ayos lang naman ang performance ko."

Ganito lang palagi ang eksena sa loob ng kwarto ni Leandro. Nagkkwento lamang siya ng nagkkwento at umaasang naririnig siya nito.

"Tapos baby, bukad naman ay may photoshoot ako dahil pumayag na si Papa na kunin ko yung endorsement. Kaya baka ay gabi na ako makapunta, pero hindi naman ako mimintis ng dalaw sayo."

Hinugasan niya ang mga prutas na dala para sa sarili. Kapag kasi nandito siya ay hindi na siya nalabas para bumili ng kakainin, nandito lamang siya sa kwarto buong araw.

"Grabe baby, biruin mo yon, dati naikkwento ko lang na gusto kong mag endorse ng mga damit at ngayon ay nangyayari na."

"Hmmmmm."

Napatigil si Jaile ng marinig ang munting himig na nalikha sa paligid.

"Hmmmmm."

Lumingon siya kay Leandro ng marinig ulit iyon. Naglakad siya papalapit dito.

"Baby?"

"Hmmmmm."

"Baby, I'm here..."

Gustong umiyak ni Jaile ng unti unting dumilat ang mga mata ni Leandro. Hinaplos nito ang pisngi ng nobyo at hinalikan ang mga kamay nito.

Napangiti si Jaile kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha, "Baby, you're awake..."

Agad na tumawag si Jaile ng doctor ng tuluyang dumilat ang mga mata ng nobyo.

At pagkatapos ng dalawang taon, doon lamang niya muling naramdaman ang salitang, "masaya."

Through YouWhere stories live. Discover now