Matapos ang launching party ay agad na umalis si Jaile. Sinisikap kasi niyo na matapos lahat ang kaniyang gawain sa umaga at hapon hanggat sa maaari. Hindi siya natanggap ng panggabi na gawain, sa ibang bagay niya iyon ginagawa.
Agad siyang sinalubong ng kaniyang manager. Minabuti ng ama na bigyan siya ng taong gagabay sakaniya kung magpapatuloy siya sa pagmomodelo, bagay na hindi niya tinanggihan dahil malaki naman ang tulong nito. Mula sa pagaayos ng schedule hanggang sa mga deal na kaniyang ginagawa sa iba't ibang brands.
"Aalis ka na ba, Jaile?" Tanong nito sakaniya.
"Oo ate, masyado akong gagabihin hanggang 10 lamang ng gabi yung visiting hours."
"Ganoon ba? Magpalit ka na ng damit mo at ako na ang magaayos ng mga gamit mo."
Tumango siya rito, "Salamat po."
Agad siyang pumasok sakaniyang closet upang magbihis, isang simpleng dress at jacket lamang ang kaniyang isinuot. Wala nadin kasi siyang oras para maghanap.
Sa sobrang daming tao na dumalo ay hindi nasunod ang orad ng tapos ng event. Nakaalis siya ng lagpas na sa isang oras kaya masama ang kaniyang kalooban.
Alas sais na ng gabi, at isang oras ang biyahe doon papunta doon na maaring abutin ng isang oras at kalahati kung traffic.
Ng matapos siya ay agad niyang kinuha ang mga gamit na inayos ng kaniyang manager para sakaniya.
"Salamat ate. Sabihan niyo na lamang ho ako kung may mga gagawin ako bukas."
"Naku, wala naman. Ang iyong teacher lamang ang pupunta dito, pero pinaaga ko ang dating para hindi ka gabihin at makaalis ka kaagad."
Ngumiti ito sa kaniyang manager, "Salamat ate."
"Wala iyon, alam ko kung gaano kahalaga to sayo." Tumango na lamang siya at umalis.
Sa mga ganitong oras ay walang tao sakanila, ang kaniyang kuya ay palaging wala, bagay na hindi niya alam kung bakit at ang kambal naman ay busy narin sakanilang mga sarili.
Her parents are very hands on to their business. Nagtayo ito ng restaurant kamakailan at talagang pumatok sa masa. Her father created some dishes — na talagang dinadayo.
"Kuya, tara na po." Magalang na sabi ni Jaile sakanilang driver.
"Sige po mam." Agad siyang pumasok at umupo ng maayos.
Sa loob ng isang taon at pitong buwan, ganito ang kaniyang ginagawa. Walang gabi na hindi siya nakakapunta o nakakabisita, kahit nahihirapan siya sa kaniyang schedule sa part time job niya bilang modelo at pagaaral ay pinilit niya kayanin. Ito na nga lang sakripisyo ko e.
"Hello po, Pa?" Sagot ni Jaile ng tumawag ang kaniyang ama.
"Nasaan ka na anak?"
"Nakaalis na po ako, papunta na roon."
"Ganoon ba? Hanggang 10 ka ba roon? Plano sana ng nanay mo na isabay ka na namin umuwi tutal ay gagabihin kami."
"Okay po."
"Okay sige, magiingat kayo ni Romeo ha."
Agad niyang binaba ang tawag. Nasanay narin ang kaniyang mga magulang sa routine na ito, at hinahayaan nila itong gawin niya. Palagay kasi ng kaniyabg mga magulang, iyon lamang ang makakpagpalubag ng loob ng anak.
Lumipas ang isang oras at nakarating siya, agad siyang bumaba at tumungo sa kwarto nito. Agad naman siyang sinalubong ng ina ni Leandro.
Agad siyang niyakap nito, "I read your letter." bulong nito sakaniya.
Humiwalay siya sa pagkakayakap.
"Tita..."
"He'll be okay. Alam ko magiging okay siya."
Malungkot siyang ngumiti. Sana.
"God has a reason kung bakit nangyayari to, maniwala at manalig lang tayo sakaniya, anak. Hindi niya pababayaan si Leandro."
"Sana nga po, Tita."
Sabi niya habang sinisilip ang kanyang kasintahan. Agad niyang pinunasan ang luha ng tumulo iyon.
"Sige na at pumasok ka na, uuwi na muna ako at magpapahinga." Tumango siya sa ina nito at bumeso.
Ganito ang set up nila ng ina ni Leandro araw araw sa loob ng isang taon at pitong buwan. Ito ang magbabantay sa umaga hanggang sa makarating siya at siya hanggang alas dyis ng gabi.
Pumasok siya sa kwarto ng nobyo at agad na hinawakan ang kamay.
"Haba naman ng tulog mo baby, nakapagtrabaho na ko lahat tulog ka padin." Mahina siyang tumawa.
Leandro's doctor said that it would be best for them to talk around him — in that way mas mabilis na may makukuhang response mula dito.
The only response they got was a movement of his forefinger, na dalawang linggo ng nangyari.
Umupo siya at hinaplos ang mukha nito, "Nagpost ako sa facebook ulit baby, hindi mo ba ilalike iyon o magccomment man lang?"
"Tungkol yun sayo, saatin. Hindi ko talaga alam ba't ngayon ko lang naisip na isulat yon. Siguro kasi nawawalan na ko ng kakapitan na magiging okay ka pa."
"Pero hindi naman kita pwedeng pakawalan sa pangalawang pagkakataon."
Ngumiti siya, "Babalik ka diba?"
Before Leandro was able to leave the country, hindi na siya nagising. His doctors weren't able to identify what may have caused it, ang alam lang nila ay may chance itong magising. Chance na hindi niya alam kung reliable pa ba, 20% of chance na mabubuhay pa siya.
It took her five moths to found out about Leandro. Nong una ay masaya pa siya ng malaman na nasa Pilipinas pa ito, pero ng marinig niya ang nangyari, mas gugustuhin pa ata nitong sana nakaalis na lang siya.
Hinaplos niya ang mga daliri nito.
"Ang lamig lamig mo baby, namimiss ko na yung init ng mga kamay mo kapag hawak hawak mo yung kanay ko."
"Alam mo ba na part na ko ng isang clothing line? Pero hindi pa innaannounce dahil need pa ng approval ni Papa, alam mo naman..."
Pinagsiklop nito ang kanilang mga daliri at saka dinala ang kanilang kamay para mahalikan.
"First time pupunta dito ni Papa mamaya para sunduin ako. Diba iyan ang gusto mo? Makikilala mo na siya kapag gumising ka diyan..."
Umaasa siya na baka sa sinabi niya ay ididilat nito ang mga mata niya at sasabihin sakaniya kung gaano siya kagalak sa posibleng pagkikita nila.
"Baby?" Pagtawag niya dito, "Please?"
Pero wala siyang nakuhang response, ngumiti na lamang siya at muling hinalikan ang kamay nito.
"Hays, ayos lang. Magpalakas ka ha? Kasi marami tayong gagawin paggising mo. Tutuparin natin lahat ng pangarap na binuo natin."
Nanatili lang si Jaile doon sa loob ng kwarto ni Leandro, kung hindi niya hawak ang kamay ng binata ay naglalaro lamang siya sakaniyang telepono. Madalas ay kinukuhanan niya ng picture ang nobyo. Yayakapin niya ito, hahalikan ang pisngi at kung ano ano pa.
Ng sumapit ang alas dyis ay tinawagan siya ng ama na nasa parking at nagaantay, hindi na niya ito pinaakyat dahil hindi narin maaring magpapasok ng bisita.
Hinalikan niya ang noo ng nobyo, "Babalik ako bukas baby. Mahal na mahal kita."
Agad niyang kinuha ang mga gamit at muling sinulyapan ang nobyo bago tuluyang lumabas.
"Hmmmm."
