Heaven

42 0 0
                                    

"Ang hirap sayo manhid ka, all this time ginagawa ko lahat para sayo pero kahit isang sandali man lang hindi mo ko makita-kita, hanggang bestfriend na lang ba talaga? Putangina! Sinasaktan ka nila! Ako yung nagmamahal sayo ng sobra sobra. Sobrang sakit makitang umiiyak ka para sa taong sinaktan at iniwan ka. Binibigay ko lahat pero bakit ganun di ka binibigay ni God sakin? Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat? Mahal na mahal na mahal kita alam mo ba yun? Sana alam mo. Sana may oras pa para masabi ko sayo na mahal kita.Natapos ko ng basahin yung diary mo, binigay sakin ng Mama mo niyakap niya pa nga ako eh. Katatapos ko lang.

"Ang Daya mo naman Bes Akala ko di mo ko iiwan, iiwan mo din pala ako. Ang daya daya mo hindi mo man lang sinabi sakin, ako lahat sinabi ko sayo pero bakit ikaw hindi mo sinabi lahat? Edi sana di ko na pinigilan yung sarili kong mafall sayo. Ang unfair mo, nakakainis ka. Alam mo ba mas masakit pa tong pangiiwan na ginawa mo sakin kesa sa pang-iiwan sakin ng mga ex ko at ng nanay ko." Pinunasan ko yung luhang bumabagsak sa mukha ko. "Bakit ka ganyan? Sinarili mo lang lahat. Ako sine-share ko lahat sayo tapos ikaw sinarili mo lang, ang unfair mo talaga."

"Anak, tara na alis na tayo." Daddy teka lang. Teka lang hindi ko pa siya nababatukan eh. Hindi pa siya sumasagot eh. Hindi pa siya bumabalik eh. "Daddy! Ang daya niya. Nakakainis siya. Bakit ganun pati siya iniwan ako? Dad, siya na lang yung taong nagmamahal sakin eh. Siya na lang po yung natitira sakin bakit pati siya umalis? Dad dalawa na lang po kayong natitira sakin umalis pa siya. Bakita ganun?"

"Shhh... Tahan na."  Tumayo na ako at nagsimulang sumakay sa kotse. "Da, baba mo muna po ako sa park."

.

.

.

.

Tumingala ako sa langit ako pinanood ang mga ibon na lumilipad. "Bes, thank you pa rin kasi minahal mo ko kahit patago. Masaya ka na ba diyan sa langit? Dalawin mo ko minsan ha? Promise di ako matatakot. Hindi naman ako galit sayo kahit hindi mo sinabing may sakit ka at binigyan ka na ng taning ng doctor. Ako naman si tanga hindi man lang napansing may sakit ka, napaka wala kong kwentang bestfriend no? Hindi ko man lang alam na may sakit na yung bestfriend ko. Ang sakit lang bes na hindi po sinabi sakin pero sorry bes ha? Sorry wala akong nagawa. Sorry.. Wala ng manlilibre sakin ng ice cream, wala ng yayakap sakin, paano na lang ako bes kapag iniwan na naman ako? Bes paano nalang kapag may nang-away sakin, sino na lang magtatanggol sakin? Bes...  Mamimiss kita." Pumikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko. "Mahal na mahal na mahal kita alam mo ba yun?" Narinig ko bes. Mahal na mahal din kita, ingat ka diyan...

Bestfriend ko? Mahal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon