Chapter 19

411 33 4
                                    


"Oh! Ang aga aga busangot nanaman yang mukha mo...daig mo pa ang nalugi kahapon bago ka umalis ganyan kna hanggang ngayon ba naman!"

Bungad na pambati sa akin ni theo na kapapasok palang sa office.

Di ko sya sinagot at tinapunan ko lang ng tingin.

Naiinis ako sa kanya kay jane
Pano kasi gusto pa atang makita ni jane si kuya theo nakakabadtrip kaaga aga.

"Oo nga pala may meeting ako with Mr. Diaz mamayang 9 so kapatid ikaw na muna bahala dito."

"Okay!"

"Hahahahahahahaha!"

Napatingin naman ako sa kanya
Baliw na ba sya.

"Alam mo thea malala kana!"

"Ano ako pa ngayon ikaw tong tumawa nlng jan bigla."

Nginitian nya lang ako
See sinong baliw sa amin.

Naiinis ako dalawang araw na kung bugnot at naiinis dahil lang sa crush ni jane si theo...

Lumipas ang mag hapon ko na busy
Dahil umalis si theo ako lahat gumawa dito sa office nakakapagod din pla ang ganito ultimo pag kaen ko ng lunch nakalimutan ko na sa dami ng ginagawa ko dito.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko
Gustong gusto ko na umuwi at mag pahinga at syempre kumaen.

Dumaan muna ako sa restaurant para umorder ng kakainin ko for dinner pero sa bahay ko nlng ito kakainin...

Habang nag hihintay ng order ko nahagip naman ng paningin ko si mae kaya agad ko syang tinawag..

"Mae!"

Agad naman nya akong nakita at ngumiti ng matamis sabay lapit sa kinaroroonan ko.

"Thea! Kumusta kna antagal na kitang di nakikita"
Agad na sabi nya sabay yakap sa akin

Niyakap ko rin naman sya pabalik na miss ko rin si mae atsaka ang tropa hayst!

"Okay lang naman ako mae.
Ano palang ginagawa mo dito?"
Tanong ko ng makabitaw kame sa isat isa.

"Hmmm nagugutom na kasi ako kaya naiisip ko dumaan na dito andito din kasi yung mga favorite kung food eh"

"Ahhhh....ganon ba?"

"Eh ikaw kakaen ka din ba dito sabay na tayo!"

"Oo nag order na ko ...kaya lang for take out eh"
Bahagyang lumungkot ang mukha ni mae

"Wag kang mag alala sasabayan kita madali lang naman palitan ang order eh dito nalng din ako kakaen!"

Bigla naman nag bago ang expression ng mukha nya

"Talaga thea sobrang miss na kaya kita!"

"Oo naman sige na hanap kna ng mauupuan natin ako na kukuha ng pag kaen natin"

Mabilis naman syang nawala sa paningin ko at mukang masaya sya.

Namis ko din nmn si mae kahit na parang may kung ano sa amin na hindi ko din maintindihan.

Kaibigan ko si mae masaya ako kpag kasama ko din naman sya.
Siguro kung di dumating sa buhay ko si jane baka si mae ang maari kung mahalin .

Sa totoo lang naguguluhan pa tlga ako sa nararamdaman ko kay jane tama ba namang mag kagusto ako sa kaluluwa na masahol pa ko sa baliw eh!

Pero kasi iba si jane..

"Thea! Okay ka lang ba?"

"Ha! Oo naman
Okay ka na ba ready kna ihahatid na kita"

Tumawa lang si mae na ikinataka ko naman

"Thea kanina ko pa sinasabi sayo na okay na ko saka wag mo na ako ihatid kasi dala ko nmn ang kotse ko"

Hay nakakahiya naman kay mae baka isipin nya binabaliwala ko lang sya.

"Pasensya kna mae may mga iniisip lang ako!"

"Ano kba okay lang siguro pagod ka lang kaya tara na uwi na tayo!"

Nginitian ko nmn sya para ipakitang okay lang ako.

Nag hiwalay na kame ng landas  ni mae at umuwi na din ako..saglit lang naman ang naging byahe ko pauwi dahil gabi narin naman wala nang masyadong traffic .

Pag bukas ko ng pinto ng bahay ko agad na sumalubong si jane na tila inis ang mukha nya.

Nagulat pa ko ng lumapit sya sa akin
Ano bang problema nya nakakatakot naman sya

"San kba galing kanina pa ko nag iintay sayo?"

Sabi nya habang nakatingin ng matalim sa akin

"Ahhhhh kasi ano kumaen pa kame sa resto eh!"

"Kame?? Sinong kasama mo si theo ba?"

Ewan pero nainis ako sa tanong nya
Nilagpasan ko lang sya at umupo sa sofa

"Hindi si mae!"
Walang ganang sabi ko

"Ah!....kaya pla si mae pala kasama mo so kumusta masarap ba ?"

Teka bat ganon sya mag tanong parang may laman

Napaangat ang tingin ko sa kanya

"Oo masarap!"

Naiinis kong sabi

Tapos kong sabihin sa kanya yun dumapo sa pisngi ko ang kamay nya
Sa totoo lang bihira ako mahawakan ni jane kasi nga kaluluwa sya at twing hahawakan naman nya ako pag katapos non halos mawalan sya ng lakas.

Kaya yan nanghihina sya matapos nya ako sampalin

"Ano bang problema mo ha!"
Inis kung tanong sa kanya

"Ikaw ang problema ko!"
Sabi nya habang hingal

"Anong ako paanong ako ha?"
Medyo kalmado kong sabi ayokong mag kasakitan kame ni jane.

"Ilang araw na kitang napapansin na ganyan ka anlamig na ng pakikitungo mo sakin..."

"Teka!!!anong...."
Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi nag salita na sya ulet

"Akala mo di ko napapansin iniiwasan mo ko! Bakit ha..thea nangako ka sakin na tutulungan mo ko pero sa nakikita ko parang nakalimutan mo na yun!...naiintindihan ko na marami ka nang ginagawa pero thea naman kelangan din naman kita."

"Di kita iniiwasan jane"
Pag sisinungaling ko sa kanya

"Wag mo na akong gawing tanga thea
Hindi naman ako manhid akala ko nung una pagod ka lang inintindi ko yun pero ngayon di ko na maintindihan bakit ka ba nag kakaganyan sabihin mo naman sa ak...."

"Mahal kita!"
Nakayuko kung sabi

Isang salita na nag patigil sa kanya
Kaya tiningnan ko ulit sya at nakatingin lang sya sa akin

"Gusto kita naririnig mo ba ako..
Pasensya kana kung iniwasan kita naguguluhan ako hindi ko alam kung tama ba na maramdaman ko to sayo...
At nag seselos ako kasi mukhang si theo ang gusto mo.... naiinis ako sa sarili ko d ko maintindihan"

Nakatayo lang sya sa harap ko at nakatingin sa akin
Walang emosyon sa mukha nya.

Hayssss sabi ko na nga ba
Mali tlga ako.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko
At mag lalakad na sana palayo sa kanya pero kinabig nya ang braso ko
Ang sumunod na nangyari ay dumampi na ang labi nya sa akin sa gulat ko di ko na nagawa pang kumilos.

Para akong natuklaw ng ahas sa ginawa nya
Yung kaba sa dibdib ko palakas ng palakas para bang sasabog na ito ano mang oras

Matapos nyang ihiwalay ang labi nya sa labi ko

Nag dilim ang paningin ko
Ang tanging narinig ko nlng ay ang pag tawag ni jane sa pangalan ko na tila ba nag aalala sya.

Tuluyan na kung nilamon ng dilim.











Sa nag aabang nito pasensya na sobrang tagal na ..
At sa sobrang tagal na inamag na ang kwento ko hahahahahhaha...

Oh! My Ghost!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon