chapter 29

384 21 5
                                    

Thea

"What d .........thea!!!!"

Galit na galit na sabi ni theo
Sa akin ng tuluyan na syang makapasok ng kwarto ko

"Ano bang nangyayari sayo ha...ang kalat dito sa unit mo sa labas at pati sa kwarto mo puro alak ano bang ginawa mo sa sarili mo ha...
Binigyan kita ng isang linggo para makapag pahinga dahil sabi mo may mga bagay kang dpat gawin pero ano to...isang linggo din kitang di makontact nag aalala na ako sayo tapos eto lang makikita ko!"

Mahaba ang sinabi ni kuya theo pero wala namn akong naiintindihan ang alam ko lang maskit ang dibdib ko
Parang katapusan ko na ganto pala ma heart broken ang sakit parang pinupunit ang puso ko sa maliliit na piraso.

Di ko nanaman napigilan ang sarili ko at umiyak nanaman ako.

"Thea nakikinig kaba sa mga sinasabi ko alam mo ba.........."
Di na nya tinapos ang sasabihin nya kinabig nlng ako ni theo para yakapin

"Kambal naman eh pinag aalala mo ako...dalawang linggo kang walang paramdam ."

Mahigpit ang yakap nya sa akin

"Sorry theo hindi ko lang alam ang gagawin ko ngayong wala na sya!"

"Hay kambal di kita maintindihan sino ba yang tinutukoy mo pero mali yang ginagawa mo sarili mo"

"Sorry!"

"Okay lang yan...mag papatawag ako ng mag lilinis dito grabe ka ma heartbroken !"

Natawa naman ako sa sinabi nya

Inayos ko anh sarili ko tama si theo hindi nga maganda na ginagawa ko to sa sarili ko isa pa baka di ako magustuhan ni jane kung sakaling magkita ulet kame dahil pinabayaan ko ang sarili ko.







......
limang taon na ang nakakalipas mula nung araw na iniwan ako ni jane pinilit kung ayusin ang sarili ko naka graduate na rin ako

At si papa gising na sya mula sa pag kaka coma nya nag te therapy na sya ngayon.

Si mom ganon pa din cold padin sya sa akin  nawala na kasi ang company namin tuluyan nang nalugi ito sabi may nakabili daw at nakikipag negosasyon parin si theo sa nakabili nito.
Pero okay lang di ako nawawalan ng pag asang matatanggap nya din ako nanay ko pa rin namn sya at anak nya parin ako.

Sa ngayon meron akong maliit na flowershop at photographer rin ako sa mga event at model din.

Bibisitahin ko si papa ngayon
Namimis ko na rin namn sya

Nag dala ako ng mga fruits at mga vitamins ni papa.

Pag dating ko sa bahay naabutan ko si papa na nasa garden nag babasa nanaman sya ng news.

Alam ko nalulungkot si papa sa pagkawala ng company namin dugo at pawis nya ang ninuhos don kaya di ko maiwasang sisihin ang sarili ko
Puro si theo lang ang gumagawa ng paraan para isalba ang company namin kaya di ko rin masisi si mom kung bat galit na galit sya.

Nilapitan ko na si papa at agad na hinalikan sya sa pisngi

"Thea anak!"
Masayang bati ni papa sa akin

"Pa! Kumusta kna ha?"

"Ayos naman katatapos lang ng session ko!"

"Uminom naba kayo ng gamot pa!"

"Oo naman anak!"

"Ehemmmm!"

Napatingin kame ni papa sa tumikhim

"Amanda ikaw pla!"

Si mommy na nakatayo na pla sa likod namin

"Magandang araw po mom!"
Nanatili lang syang nakatingin sa akin.

"Hmmm pa...sige na di na ko mag tatagal ha aalis na din ako isa pa may ka meeting din kasi ako dinaan ko lang tlga tong med. Mo "
Paalam ko kay papa

"Anak kadadating mo lang aalis kna gusto kung dito kna mag tanghalian"

Gustuhin ko man ang sinasabi ni papa alam kong hindi pwede dahil ayaw ni mom na nakikita ako dito sa bahay.

"Thea  pwede bang makausap ka muna kahit sandali"
plain na sabi ni mom

Nagulat ako sa sinabi nya kadalasan kasi d nya ako pinapansin kakausapin man nya ako palaging galit at may sumbat

Tumango naman ako at  nag paalam na muna ako kay papa bago sumunod kay mom.

Pumasok kame sa office ni dad
Kinakabahan ako sa pwedeng pag usapan namin ni mom
Matagal na panahon na nung huling usap namin ng maayos tulad nito.

Pinaupo nya ako sa upuan kung san malapit sa table nya.

"Di na ko mag papaligoy ligoy pa.
Nakausap namin ni theo ang bumili ng company natin willing silang dagdagan ang bayad sa atin kung mag tatrabaho ka sa company nila."

Di ako makapag salita
Naguguluhan ako.

"Thea since tinanggihan mo dati ang pag papakasal ko sayo at sa anak ng tito warren mo na pwede sanang sumalba dati sa company natin sana naman ngayon maisip mo na tulungan na kame ni theo."
Malumanay at ni walang bahid ng inis ang pag papaliwanag ni mom sa akin

Tama sya ipinipilit nya sa akin ang anak ni tito warren yung brat na yun walang alam sa mundo yun palagi nakatago sa saya ng nanay nya yun
Palagi nya ipinag mamalaki sakin kung gaano sila kayaman na sila lang daw ang makakapag salba ulet ng company naming nalulugi na sa inis ko dati sa kanya sinapak ko sya.

Kaya ayun si mom lalong nagalit sa akin
Tapos kinuha nila lahat ng share nila sa company namin dahil lang sa tumanggi ako sa hambog na anak ni tito warren .

"Thea! Nakikinig kba sa mga sinasabi ko sayo!"
Medyo tumaas ang boses ni mom

"O...opo mom na iintindihan ko naman kaya lang di ko gets bakit ako hindi si kuya theo "
Takang tanong ko aba ano naman ang maitutulong ko sa nakabili ng company namin eh wala namn akong alam sa mga ganyan.

"Dahil yun ang gusto nya gagawin ka nyang secretary at si theo naman sa ibang field nya ilalagay nung una nagtataka din ako kung bat ikaw pa pero wala kameng magagawa ni theo sya na ang may ari ngayon ng company kaya sya ang masusunod!"
Paliwanag namn ni mom

"Okay pumapayag ako!"

Tila nagulat pa si mom sa sinabi ko

"talaga!"

"Opo mom kung ito yung paraan para mabawasan naman yung dinadala kung sama ng loob sa inyo."

"Well good kung yan ang desisyon mo."

Nag smile lang ako sa kanya at sinabing tawagan nlng nya ako kung kelan ako magtatrabaho sa dating company namin .

Tumayo na ko at lalabas na sana ng kwarto pero tinawag nya pa ako at sinabing dito na ko sa bahay mag lunch gaya ng gusto ni papa
Tatawagan din daw nya si theo para sumabay sa amin at ibalita sa kanya amg pinag meetingan namin.

Nakakagulat man pero mukang masaya si mom sa naging desisyon ko ayaw ko sana kasi paano nmn ang negosyo ko diba pero para kay papa gagawin ko baka mas malaki ang ibayad nila sa amin kung aayusin ko ang trabaho ko makakapag simula na ulit kame isa pa baka ito na rin yung way para mapatawad at tanggapin na ako ni mom.















Happy new sa lahat..🎉🎊

Oh! My Ghost!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon