Chapter 23

355 22 3
                                    

~ iika ika akong nag lalakad papuntang ambulance inalalayan naman ako ni mae na di mapakali sa nakikitang dugo mula sa legs ko.

"Oh my god thea dapat kasi di mo ginawa yun tatawagan ko ang kuya theo mo"

Natataranta nyang sabi.

"Mae!"
Saway ko sa kanya

"Pero thea baka mapano ka"
Naluluha na nyang sabi.

"Mae...malayo sa bituka to isa pa daplis lang to"

"Mae ikalma mo ang sarili mo maalapit naman na tayo sa ospital oh!"

Tumango naman sya bilang pag sang ayon sa akin mabuti naman at kalmado na ulet si mae.

Agad naman akong itinakbo sa emergency sa totoo lang d nmn ganon kalala ang tama ko pero mahapdi sya at nag dudugo.

Nilinis naman at inayos ng mga nurse ang sugat ko .
Kaya mas okay na ang pakiramdam ko
naka upo lang muna ako dito
Habang tinitingnan ang mga nurse at doctor na busy sa mga pasyente nila.

"Thea!"

Nilingon ko nmn si mae at kasama nya si andrei at mark.

"O kayo pla okay lang ba kayo?"

"Oo nmn sis no...ikaw kumusta ang sugat mo"
Turo ni andrei sa hita ko.

"Ahhh okay naman na ako mas okay kesa kanina"

Mag sasalita pa sana si andrei ng may lumapit na pulis.

Hiningi nya ang mga salaysay ng bawat isa sa amin
At umalis na din.

"Andrei !"
Tawag ko sa kanya pero sinamaan nya lang ako ang tingin.

"Andrea!"

"Yes thea"
Nakangiti nyang sabi

"Samahan mo nga ako mag ccr lang ako"

"Okay sis samahan kita'"
Agad naman akong inalalayan ni andrei at hinanap ang cr.

Iniwan na muna namin sila mark
Dahil mag babayad sila ng bill sagot na daw nila yun.

Inaalalayan namn ako ni andrei habang nag lalakad

Matapos kung mag cr
Pinaupo na muna ako ni andrei sa mga  isa sa bench ng ospital

Nag paalam na din syang bibili lang ng inumin para sa amin.

di kalayuan sa inuupuan ko merong matandang babae at lalakeng nag uusap siguro mga nasa 50's na sila pareho

Pero wow di halata makikisig pa sila
Wag nyo sana akong pag isipan na chismosa ako pero naririnig ko kasi ang usapan nilang dalawa .

"Honey 3months nang walang malay at hanggang ngayon coma pa din ang anak natin"
Naiiyak na sabi nung babae

Agad naman syang niyakap ng lalake at pinapakalma.

"Siguro nga dapat ilipat na natin si Princess ng ospital o kaya mas maganda kung dalhin natin sya sa ibang bansa!"
Sagot naman nung asawang lalake.

Tumango tango nmn ang babae bilang pag sang ayon sa asawa nyang lalake.

Nakakaawa naman sila mukang mabigat ang pinag dadaanan nila pareho naalala ko tuloy si papa na coma din siguro nasa 2weeks na syang ganon.

"Don't worry    honey ipapaayos ko na ang lahat ng papers ng anak natin dito as soon as possible  "

Agad naman tumayo ang lalake at dinukot ang phone nya .
Ang babae nmn ay pumasok sa kaharap kung pinto

Hmmm siguro dito sa pintong to ang kanilang anak.

Oh! My Ghost!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon