Death..
Ano nga ba ang kamatayan?
Simpleng sabihin pero kapag kaharap mo na bakit hindi ka na makakilos?
Makapagsalita?
O gumawa ng paraan para matakasan siya?
Death is unpredictable..
Kahit anong search pa ang gawin mo ay hindi mo pa rin malalaman kung ano ang date ng kamatayan ninyo.
Hindi ito napipigilan..
Death is inevitable..
Kada araw na dumadaan ay mas lalo lang tayong napapalapit sa kamatayan. Lahat tayo mamamatay, walang exceptions. Iba iba nga lang ang paraan.
May namamatay sa natural na paraan, sa hindi sinasadya, sa sariling kagagawan, sa pagpapaka-hero, at sa dahilang..
Sila ay pinatay..
Love..
Salita na pinamumunuan ng dalawang tao. Salita na hindi mabubuo kapag wala ang isa pang namumuno dito. Salitang madali rin sabihin pero mahirap intindihin.
Ano pa ba?
Ah, mystery. Tama. Ang pag-ibig ay isang malaking misteryo na pupunuin lang ang utak mo ng sandamakmak na mga katanungan.
Paano ba siya dumating sakin?
Ano ba talaga ako sa kaniya?
Sino ba siya para sakin?
Bakit ko ba ginagawa ito?
Anong nangyayari sakin?
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Gusto ko na ba siya?
O kaya naman ay.. Mahal ko na?
Ako ba, mahal niya rin kagaya ng pagmamahal na ipinaparamdam ko sa kaniya?
Iyan! Iyan ang mga tanong ng mga taong nahuhulog sa patibong ng pag-ibig.
Pero..
Bakit pagkatapos ako na rin ang nagtanong ng ganiyan sa sarili ko?
Bumaliktad ata ang mundo ko dahil sa pagdating niya.
Teka, teka nga muna.
Bakit ko ba sinasabi sa inyo ito?
Well, pakilala nga muna ako.
Hi, Meisha Manyin is my name. 23 years old. Dead living creature. Death hater. Revenge lover.
Paano ko nasabing patay na buhay ako? Don't worry hindi ako zombie.
Ang totoo niyan ay namatay ang buong pamilya ko dati kasabay ang pagsabi ko na patay na ako. Simula kasi nang mawala sila, pakiramdam ko namatay na rin ako simula 'nun.
Kaya katulad din ng sinabi ko kanina ay isa akong death hater.
Death is an enemy that randomly visits you and then leaves you shattered.. Broken.
Sabi kasi nila kapag namatay ang isang tao ay sasara ang pinto ng opportunities nito at bubukas ang pinto patungong langit.
Pero paano kaming mga naiwan?
Anong mangyayari samin?
Kahit hindi ko pa iyan masagot ngayon ay punta na tayo sa isa pang topic. Revenge lover.
Yep, gusto ko ng paghihiganti. Gusto kong malaman kung sino ang pumatay sa buong pamilya ko.
Ako, ako ang gagawa 'nun gamit ang sarili Kong mga kamay. Ako lang at wala nang iba pa.
YOU ARE READING
Operation: Kill My Love
Mystery / ThrillerShe is Meisha Manyin. 23 years old, dead living creature. Death hater, Revenge Lover. Pakiramdam niya ay naging patapon na ang buhay niya dahil sa insidenteng nangyari noon sa kaniyang buong pamilya. Naiwan siyang nag-iisa sa huli. Nalulungkot. N...