-Chapter 1: The Beggining-

0 3 0
                                    

Meisha Manyin's P.O.V.

"On your mark.." Sabi ng isang lalaki na magsasabi samin kung kelan kami puputok ng baril.

Umayos na ako ng tayo at ini-straight ko ang likod ko.

"Ready.." Pagkasabi niyang 'yun ay tinaas ko na ang braso kong may hawak na baril. Diniinan ko ang hawak ko dito para kapag na-release na yung bala ay hindi ito tumalsik gaya ng nangyari sa isa ko pang kalaban.

Sa ngayon ay dalawa na lang kaming naglalaban ng lalaking nasa tabi ko. Nginisian niya ako.

"Set.." Pinaliit ko muna nang konti ang mata ko para matansya ko ang distance ng layo ng target.

Okay, kalma lang Meisha. You can do this.

Sobrang layo naman kasi ng dapat naming tamaan na target.

"Fire!" Sa unang pagbigkas pa lang nung lalaki ay nagpaputok na ang kalaban ko.

"Easy Peasy. You'll never win Meisha. Tsk. Tsk." Sabi niya habang may nakaka-asar na ngisi sa labi niya.

Naka-kuha kasi siya ng score na 9.4. Malapit na kaya ang yabang.

"Five. Four." Nagsimula nang magbilang ang crowd sakin.

"Three."

"Two." Napasinghap yung mga tao nang makitang hindi pa ako nagpapaputok.

"One." Sabi nila kasabay ng pagputok ng hawak kong baril.

Pumito nang malakas yung lalaki at bago iyon ay nakapaputok pa ako. Bumuntong-hininga ako.

Buti na lang.

Nakakuha ako ng 9.9 points kaya nagsigawan yung crowd, tsk! Kala ko pa naman big deal.

Eh, 9.9 lang nam-- teka.

9.9?

9.9?!

Panalo ako?!

"Panalo si Meisha!" Sigaw ng isa sa mga crowd. Oo nga, panalo ako!

Pinalakpakan ako ng mga tao kaya nag thank you ako sa kanila.

Hindi ko na lang pinansin kung gaano kasama ang tingin sakin nitong nakalaban ko.

***
Third Person's P.O.V.

Pumunta sa bahay ng mga Manyin ang lalaking puro itim ang suot at takip na takip ang mukha. Hindi ito napapansin ng pamilya Manyin dahil masyadong malakas ang pinapatugtog nilang musika sa loob at abala sila sa pag-aayos ng bahay para sa pangsu-surpresa kay Meisha dahil sa pagkapanalo nito.

"Kailangan ko itong gawin. Kailangan." Bulong ng lalaki sa sarili niya habang kinakapa ang dalang baril sa bulsa nito.

Maya-maya pa ay sinipa niya nang pagkalakas-lakas ang pintuan dahilan para mabuksan ito at makuha ang atensiyon ng papa ni Meisha na nag-aayos malapit sa pintuan.

Nagulat ito pero hindi siya naka-sigaw dahil agad siyang binaril ng lalaki sa noo.

Pero dahil may silencer ang baril niya ay wala siyang nakuha na atensiyon mula sa natitirang miyembro ng pamilya Manyin.

Ang natitira na lang ay ang nanay, at ang dalawang kapatid ni Meisha.

Sunod-sunod niya silang pinaputukan ng tig-iisang bala sa mga noo nila. Kagaya rin kasi siya ni Meisha na isang sharpshooter.

***
Meisha Manyin's P.O.V.

Patalon-talon pa ako habang naglalakad pauwi sa bahay namin.

Siguro ay dahil sa excitement. Kasi kahit alam kong alam na nila ang nangyari ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Parang kinakabahan na Ewan.

Operation: Kill My LoveWhere stories live. Discover now