6 years later
Meisha Manyin's P.O.V.
"Meisha may lead na ba sa kaso?" Tanong sakin ng ka-trabaho ko.
She is Eumi Fiontelle. 22 years old. Ka-trabaho ko.
We're Detectives.
"Nope, wala pa rin. Actually yung tungkol doon sa case na sinasabi mo ay parang medyo familiar na sakin." Sabi ko habang inaalala ang mga nakaraan na case.
"What do you mean?"
"Ah! Alam ko na.. Do you remember the One Lie case? Yung kaso na nagsimula sa January 13 this year lang. Kasi parang may pattern eh."
Kinuha ko yung mga folder ng mga nagdaang buwan.
"Hmm. What about that?"
"Bale 8 cases na ang naganap per month at nakapagtataka naman na naulit-ulit lang this year yung same pattern ng serial killing. Look." Tinuro ko yung mga taken pictures nung mga cases at pinaskil iyon sa investigation board sa harap.
"You mean iisa lang ang pumatay sa kanila?"
"Yep. Tingnan mo, every murder crimes na nakukuha natin ay dumarating tuwing ika-13 kada buwan." Tinuro ko isa-isa yung mga pictures gamit yung pen na hawak ko.
"January 13. February 13. March 13. April 13. May 13. June 13. July 13. At itong last, nangyari ito nung August 13 last month. Ibig sabihin mangyayari ulit ito this month sa 13 kapag iisa nga lang ang killer nito." Confident kong sabi.
"Okay? Pero paano mo naman nasabi na iisa nga lang ang killer niyan kung naka-base ka lang sa date nung murders. Aside from that, ano pa ang evidences mo?"
"Uh about that, take a look at this. Pare-parehas ang shape ng mga saksak sa kanila. Pare-parehas din ang mga iyan na nakaupo pa ang pwesto ng victims. At last. May nakatatak sa mga dila nila na nakasulat ang One Lie. Yung bawat pwesto nila ay mga kasama sa scene ng One Lie movie--"
Nanlaki ang mata niya nang maintindihan ako.
"So, ibig sabihin ngayon ulit mangyayari yung susunod na murder?!" Sabi niya at napatayo sa gulat nung mag-ring ang telepono.
"Oh ano ulit? Ilang beses ko ba sayo sasabihin na wala pa rin progress sa case--- WHAT?!... Okay, okay, papunta na kami.." Sabi niya sa kausap niya.
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin.
"T-teka! Uy, Eumi! Saan ba kasi tayo pupunta?! Hoy!"
"Malalaman mo rin.."
Nakarating na kami sa 9th crime scene nang serial killing. Agad kong isinuot ang gloves ko para hindi malagay ang fingerprints ko sa mga posibleng evidences. Lumapit ako sa biktima.
Ayos lang naman daw iyon kasi nakuhanan na nila ng pictures at kung ano ano pang mahahalagang bagay ang loob ng crime scene.
"Oh ano Mii, may nakuha ka na ba?" That's my friend. His name is Euri Fiontelle. Kambal ni Eumi. Baklang ka-trabaho ko rin.
YOU ARE READING
Operation: Kill My Love
Mystery / ThrillerShe is Meisha Manyin. 23 years old, dead living creature. Death hater, Revenge Lover. Pakiramdam niya ay naging patapon na ang buhay niya dahil sa insidenteng nangyari noon sa kaniyang buong pamilya. Naiwan siyang nag-iisa sa huli. Nalulungkot. N...