Twelve

5.7K 147 12
                                    

Naalimpungatan si Gabriel nang maramdaman ang hangin na tumatama sa noo nya at ang marahang pagtaas-baba ng sinasandalan nya. Doon nya lang napagtantong nakasandal pala sya sa dalaga na kasalukuyang mahimbing ang tulog at nakayakap dito. 

Maybe he unconsciously hugged her that led them to this situation but he can't help but to smile knowing and feeling how close they were. 

Gusto man nyang yakapin pa ng matagal ang dalaga pero ayaw naman nyang mangalay ito kaya dahan-dahan nyang inalalayan ang ulo nito habang umaayos ng upo at isinandal na lang ang ulo nito sa balikat nya. Inilapit nya pa ito lalo sa kanya at hinapit ito sa bewang ng marahan.

"What did you do to me Jamie?" bulong nya dito na wala naman syang nakuhang sagot dahil mahimbing na natutulog ang dalaga. 

He smiled seeing how pretty she is even when she sleeps, para itong bata, mahaba ang mga pilik-mata, matangos na ilong, natural na mapupulang labi. 

Ni sa hinagap, hindi sumagi sa isip nya na magugustuhan nya ang dalaga katulad nang pagkagusto nya ngayon dito. Alam nyang maganda na ito noon pa man, pero ang mas nagpaganda dito ay ang personality nito na nakilala at nagustuhan nya.

She was childish sometimes, but that just makes her more adorable. Marami ding kwento ang dalaga na hindi sya nagsasawang pakinggan, and god, he swear to whoever that when he heard her sing, it was like heaven welcomed him. 

Hindi nya nga alam kung mahal na ba nya ito, it is too early to say, but  too late to ignore. 

Ang alam lang nya, ayaw na nyang matapos ito.

If only we could make this real, will you let me Jamie?

Piping usal ng binata habang nakatingin sa dalagang mahimbing na natutulog ngayon sa kanyang balikat. Kaagad lang syang napakurap ng dalawang beses at natauhan nang unti-unting magmulat ito ng mga mata at tila inaaninag kung sino sya. 

When she smiled, pakiramdam nya nanalo sya sa lotto kahit hindi naman sya tumataya don. Mas lalo nya itong niyakap and maybe she's still half asleep as she cuddled closer to him too. 

Hinayaan nya lang itong sumandal sa kanya, after all, he's starting to like this position, being so close to Jamie and he doesn't even want to let go. 

~~~~~~

"Maulan na no?" tanong ni Jamie sa kanya habang nakatingin ito sa kaulapan mula sa floor to ceiling glass window ng top floor kung nasaan sila. Balik trabaho na naman sila at aaminin nyang tinatamad pa sya ng kaunti, idagdag pa ang maulan na panahon.

"Yeap, that's why you should always bring your jacket, or kung hindi man, yayakapin na lang kita." ani sa kanya ng binata na ikinatawa nya ng bahagya.

"Chansing ka Doc, magtrabaho na tayo. Malapit na yung contract signing natin with P&KE diba?" Jamie said as she went to the pantry, malapit lang naman iyon sa kinatatayuan niya kaya rinig pa rin nila ang isa't-isa. 

"Yes, nadala na ba pabalik sa atin yung amendments na gusto nila?" tanong nya sa dalaga na mukhang abala sa ginagawa nito. Imbes na sumagot si Jamie, tinapos na nya muna ang ginagawa at dala-dala ang dalawang tasa ng kapeng bumalik sa tabi nya.

"Here, dadaan daw dito yung secretary ni Mr. De Guzman to hand the papers so I think everything is going smoothly. A little token of gratitude na lang para sa mga board of directors ng dalawang kompanya ang kulang. But I already ordered it online and I just hope na dumating on time." paliwanag ng dalaga at nakatingin lang si Gabriel dito habang hawak ang kapeng binigay ni Jamie.

He can't help but to secretly smile of how charming she is when she talks. She just looked so adorable right now for him. 

How can someone be so sexy and adorable at the same time?

Finally Found You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon