CHAPTER 1

44 2 2
                                    

Shane P.O.V.


''Beatrice,si Kent nga pala kababata ko.Kent,si Beatrice nga pala kaibigan ko.''pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.Sa ibang bansa nag aaral noon ng high school si Kent,kaya hindi sila magkakilala ni Beatrice.Si Beatrice naman ay kaklase ko nung high school hanggang sa maging mag kaibigan kami.

''hi''at naglahad ng kamay. ''kent nga pala''


''hello,I'm Beatrice'' at nag shake hand sila.


''Sana maging close kayo,hehehehe'' nakangiti kong sabi.


Magkasama kaming tatlo sa iisang dorm.May tatlong kwarto ang dorm namin,so tig-isa kami.At oo pwedeng magsama sa iisang dorm ang babae at lakaki.hehhezz.So ayun pumasok na ako sa aking kwarto at nilagay ang damit ko sa kabinet.Pagkatapos kong ilagay lahat ng damit ko sa kabinet,lumabas na ako ng kwarto ko.Nakita kong nakaupo si Kent at Beatrice sa sala at nag-uusap.Mukhang maganda ang pinag-uusapan nila,kasi nagtatawanan silang dalawa kaya lumapit ako sa kanila.


"Anong pinag-uusapan niyo?''habang nakangiti kong tanong.''Mukhang masaya kayo ahhh''


''Wala yun Shane,amin nalang yun''tumatawang sabi ni Kent.


''Ay ang daya nyo naman,kayo ahhh mukhang close na kayo ahhh''nakangiti kong sabi


''Tara libot nalang muna tayo dito sa school" pag aaya ni beatrice, so we agreed.


Nakapunta na kami ng library,ang laki ng library sa school nato.Galing na din kami sa garden,ang ganda ng garden sarap tambayan.Papunta na kami ngayon sa canteen para kumain,nagugutom na kasi kami.HAHAHAHA


Pagdating namin sa canteen,naghanap kami ng bakanteng table.Dami din kasing tao,nung nakahanap kami ng table umupo agad kami,baka maagaw pa kasi ng iba.HAHAHA


''Shane,Beatrice.Anong gusto niyo?Ako na ang bibili ng pagkain natin.''saad ni kent.


''Gusto ko nang burger,french fries,at tsaka coke.Yan nalang kent''sabi ko


''Yung kagaya nalang din sa'kin ni shane,medyo busog pa naman ako ehh''sabi din ni beatrice.


''Ok,sige''ani kent at umalis para bumili.


Pagbalik ni kent,kumain nalang kami at nag usap usap.Pagkatapos naming kumain,bumalik na kami ng dorm namin.Para magpahinga at ayusin ang gamit namin, para bukas sa first day of school.Pagkatapos naming ayusin ang mga gagamitin namin para bukas ,ay natulog na kami.


-KINAUMAGAHAN-


''Uy gising na.May pasok na tayo ngayon,kaya bangon na.''minulat ko naman ang mga mata ko at napangiti nang makita si Kent,siya pala ang gumising saakin.Ganda ng umaga ko,taong gusto ko agad ang una kung nakita hehhehe.Nung bumangon ako ay umalis na siya.

THE THIRD PARTYWhere stories live. Discover now