Chapter 3

20 1 0
                                    

Beatrice P.O.V.

"Hi to all schoolmates. Today, the campus band has a special mission. There are two friends who wants to give their friend Kaye Beatrice Rivera a very special birthday present. " nagulat ako nakalimutan kong birthday ko pala ngayon. Nakakahiya lahat ng estudyante siguradong narinig yun, naka speaker kasi.

Maya Maya pa narinig kong kumanta si Kent at shane ng You're my best friend. Pagkatapos ng kanta nila, kinanta naman nila ang Happy birthday para saamin ni kent. Oo magkasabay kami ng birthday, nakalimutan ko lang sabihin. Sobrang saya ko sa araw nato, ito ang pinakamasayang birthday ko.

1 week ang nakalipas.

Lumalabas kami ni kent kung gabi, lumalabas lang kami pag alam naming tulog na si shane. Araw-araw naming ginagawa toh. Na ko-konsensya nga ako sa hindi namin pag amin kay shane.

Isang araw nasa dorm kami ng shane, bakasyon na kaya swalang pasok. Wala si kent may pinuntahan, dito lang kami sa kwarto ni shane at nag-uusap.

"Shane do you think magiging katulad din ako ni mom one day, na mang-aagaw?" malungkot na tanong ko kay shane.

"Of course not. " saad niya. " Balang araw mahahanap natin ang totoong taong magpapasaya saatin. At hindi ka magiging katulad ng mommy mo. " saad niya habang nakangiti, napangit din ako.

"Totoo?".

"oo naman. " sabi niya habang naglalagay ng mga damit niya sa bag. Uuwi kasi siya sa kanila.

Hinatid namin si shane sa terminal ng bus. May reunion kasi sila ng mga pamilya niya.

"aalis na ako " malungkot na paalam niya.

"okay, ingat ka ah. " sabi ni kent at ginulo ang buhok ni shane.

" Tawagan mo ako, pag nakadating ka na ahhh. " saad ko, tumango naman siya. At niyakap kami ni kent bago umalis.

Hinintay muna naming makapasok siya sa bus, bago kami umalis.

" Tara na." tumango naman ako at sumakay na sa motor niya, nilagay niya ang dalawa kong kamay sa baywang niya.

" kumapit ka ng mabuti " sabi niya at umalis na kami.

Sa kalagitnaan kami ng byahe ng biglang tumigil ang motor.

"anong nangyari?" tanong ko.

" naubusan tayo ng gas. " sagot niya.

"paano na toh?" tanong ko at bumaba ng motor., bumaba din siya.

"Ede lalakad tayo. " nakangiting niya saad.

'' Lalakad?'' tanong ko pero nag simula na siyang maglakad.

'' Huy,hintayin mo ako.'' saka tumakbo papunta sa kanya.

Ang saya namin lakad at takbo ang ginagawa namin habang naka holding hands.

Nakadating kami ng dorm habang naka holding hands padin.Pumasok na kami sa loob.

''Pasok na ako sa kwarto ko,matulog ka na din.'' saad ko at tumalikod papasok na sa kwarto ko.

''Wala ka na bang ibang sasabihin saakin?'' tanong niya,kaya humarap ulit ako sa kanya.

'' What do you mean?'' 

''Kaya ba ayaw mong may makaalam na may relasyon tayo?Dahil ba kay Shane?'' mukhang galit na tanong niya.

''Oo,dahil gusto ka ni shane matagal na.Kaya ayaw kong malaman niyang may relasyon tayo,kasi oras na malaman niya magagalit siya saakin kent.''

''Mahal kita,wala akong pakialam kung gusto ako ni shane.Dahil ikaw ang mahal ko Beatrice hindi siya.Kala mo madali lang tong tagong relasyon natin.Kung kaya mo,ako hindi ko kaya.Ever since the three of us met,nakatadhana nang isa sa atin ang third party.'' saad niya. '' The third party maybe you or me.Pero hindi si Shane,kasi saating tatlo siya ang biktima.'' sabi niya at tatalikod na sana pero hinawakan ko ang braso niya at pinaharap saakin tsaka ko siya hinalikan.Nakahawak ako sa leeg niya siya naman nakahawak sa baywang ko.Five minutes lang ang halikan namin.

Umaga na at sa kwarto ko siya natulog,nakayakap lang siya saakin habang nakatulog.Inalis ko ng dahan-dahan ang kamay niyang nakayakap saakin.Umupo ako sa kama at tinitigan lang ang mukha niya na mahimbing na natutulog.

''Five years from now.'' saad ko habang nakatingin sa mukha ni kent. ''Maalala mo pa kaya ako?'' bigla naman siyang gumalaw. '' Kung aalis ako isang araw,aalagaan mo si Shane ahh.Wag mo siyang sasaktan,mamahalin mo siya gaya ng pagmamahal mo saakin.'' saad ko.Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at niyakap ako tsaka hinalikan sa noo.

====================================================================

READ/LIKE/COMMENT % SHARE.

THANK YOU.

THE THIRD PARTYWhere stories live. Discover now