Chapter 2

27 2 0
                                        

BEATRICE P.O.V.


Nagdaan ang mga araw ,na hindi kami nag papansinan ni Kent.Naging awkward sa pagitan namin ni Kent.Andito kami sa hapag kainan at kumakain.


''Uy,bat hindi kayong nag papansinang dalawa ha?'' tanong ni Shane,nahahalata niya rin pala.''May hindi ba ako nalalaman?''tanong niya ulit.Bigla naman akong kinabahan.Baka malaman niyang may gusto kami sa isa't isa ni kent,at magalit siya.


''Hu?'' tanong ko.Si kent naman parang walang pakealam,patuloy lang siya sa pagkain.


''Anong nangyari sa inyo kamo,bat hindi kayo nag papansinan?'' ulit niyang tanong.

''Ahhhh,,,wala shane''kinakabahan kong sagot.

''ehhh,Ba't pinagpapawisan ka?''tanong niya.

''Ehhhhh mainit kasi''sabi ko.

''okayyyy,una na ako''tapos na kasi siyang kumain,kaya nauna na siyang lumabas ng dorm para pumunta ng klase niya.Kaya kami nalang naiwang dalawa ni Kent dito sa hapag kainin.

Habang dumadaan din ang mga araw,lalong nagustuhan ko si Kent.Mahirap pigilan ang iyong nararamdaman lalo na araw-araw ko siyang nakikita.


''Bea,mag-usap tayo''kent


''Nag-uusap na tayo.''sabi ko.


''Bea,mahal na kita.Bawat araw na nakikita kita,nadagdagan ang feelings ko sa'yo''sabi niya at hinawakan yung mga kamay ko.


''Kent kasi,oo mahal nadin siguro kita!Pero kasi,ayyssss''buntong hininga ko.


''Liligawan kita,sa ayaw at sa gusto mo Beatrice.''seryoso niyang sabi.


''Aysss,,,,,Bahala ka''tumayo ako at tsaka lumabas ng dorm.


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


TWO MONTHS LATER......


Sinagot ko si Kent,pero patagong relasyon lang.Subrang saya niya nung sinagot ko siya,pero naguguluhan siya kung bakit bawal sabihin kay shane ang aming relasyon.Pero sinabi kong may tamang oras para sabihin namin kay shane,basta wag muna ngayon.Kasi natatakot akong sabihin kay Shane,oras na malaman niyang may relasyon kami ni Kent.Magagalit siya saakin,at ayaw kong magalit siya saakin.


Nandito ako ngayon sa classroom namin,nakaupo lang saaking upuan.Hindi ko kaklase si kent sa subject na ito.

''Nasaan si Beatrice,ilabas niyo ang babaeng yan''narinig kong sigaw sa labas kaya tumayo ako sa aking upuan at lumabas.


''Ho?ako pong hinahanap niyo?Ano pong kailangan niyo saakin?''magalang na tanong ko sa dalawang matandang babae na ka edad lang ni mommy.


''Oo ikaw,nasaan ang nanay mong haliparot ha?Nasaan siya nagtatago?''galit na tanong niya.


''Wag niyo pong sabihing haliparot ang mommy ko.At pwede po bang wag kayong mag eskandalo dito,paaralan po ito''sabi ko at tumingin sa paligid,madaming estudyante ang nakikinig sa usapan namin.Yung iba napapahinto pa,para makinig.


''Sabihin mo lang saakin kung nasaan ang nanay mong malandi''


''Sino po ba kayo''magalang ko pading tanong.


''Sino ako?''sarcastic niyang sabi habang tinuturo ang sarili niya.''Ask your bitch mom,kung sino ako''sigaw niya.

''Gusto mo talagang malaman kung sino ako?Ako lang naman ang tunay na asawa ng kinakasama ng nanay mong malandi,at yang nanay mo ay kabit lang.'' nakapa-maywang niyang sabi.''Ang mga kinain niyo at pang bayad mo sa skwelahan ay galing sa asawa ko.''sigaw niya.

''Wag mo siyang pag aksayahan ng oras,sa mukha palang.Magiging katulad din siya ng Mommy niya.They are not good people.''sabat ng kasama niyang babae.

''Mind your words.''galit kong saad.''Paaralan po ito,kung may kailangan pa kayong sabihin.Let's talk outside'' saad ko.

''Let me warn you,sabihin mo sa malandi mong nanay na may ebidensya akong magkasama sila ng asawa ko.For the past few years and,i will sure that,i won't let her go easily'' saad niya at tumalikod na sila.

''My dad's trying to avoid you.Dahil masama ang ugali mo,kaya si mommy ang pinili niya.''sigaw ko,kaya humarap ulit siya at naglakad palapit saakin.


''What nonsense are you spouting?'' galit niyang tanong at sinampal ako.Tumingin ako sa paligid at nakita kong kakadating lang ni shane.Lumapit siya saakin,sasampalin ulit sana ako ng babae pero biglang pumunta sa harap ko si Shane,kaya siya ang nasampal.

''Please leave at wag mo na pong ulit saktan si Beatrice.''sabi ni shane sa sumampal saamin,kaya tumalikod na silang dalawa at umalis.

''Bea,are you okay?''tanong ni shane saakin,pero hindi ko siya sinagot.Tumakbo ako,hindi ko alam kong saan ako papunta,takbo lang ako ng takbo habang umiiyak.Alam kong sinusundan ako ni Shane.

''Bea'' sigaw niya ''Bea'' hinila niya ang braso ko nung naabutan niya ako.''Saan ka pupunta?Nandoon na ang teacher niyo'' sabi niya.

''Hindi ako papasok shane.''umiiyak ko sabi.

''Wala kang kasalanan Beatrice,bumalik ka na sa klase mo.''ani shane.

''Anak ako ng kabit,pagtatawanan lang nila ako pag bumalik ako doon''saad ko.

''So ano naman kung anak ka ng kabit?Kung ano kaman,bestfriend pa din kita.Poprotektahan kita sa mga a-api sayo!''saad ni Shane at niyakap ako.Ang bait-bait niya saakin,samantalang ako inagaw ko ang taong matagal niya nang gusto.

''Umiyak ka lang,wag kang mag-alala.Nandito lang ako palagi sa tabi mo,kahit anong mangyari.I will always here with you,Forever''saad ni shane at hinamas himas ang likod ko.Kumalas na ako sa yakap ng medyo okay na ako.

''Beatrice may isa pa akong klase,kaya una na ako ahhh''pagpaalama ni shane.tumango naman ako.

Umalis na si Shane,kaya bumalik nalang ako sa dorm namin.Pagdating ko sa dorm,pumunta ako sa kwarto ko at humiga.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa subrang pagod kakaiyak.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++


5 DAY ANG NAKALIPAS...


Limang araw akong absent,nahihiya kasi akong pumasok baka pagtatawanan lang nila ako.Lunes na kaya naisipan kong pumasok,hinahayaan ko nalang ang mga taong nadadaanan kong nag bulung-bulongan tungkol saakin.

''Bea''tawag saakin ni faith,classmate kong ka close ko.

''uhmm?''tanong ko

''Diba absent ka ilang araw at hindi ka pa nakapasa ng mga assignments and projects.Don't worry nakapasa ka na.'' nakangiti niya sabi.

''What?''gulat kong sabi.

''Syempre,ako pa''nakangiti niyang sabi.

''Thank you Faith,ang bait mo talaga''sabi ko at niyakap siya.ako din ang unang kumalas.

''Uhmmm,by the way.Nakit mo ba si Shane?''tanong ko.

''Baka nasa playground.''sabi niya at sinamahan ako papuntang playground.


+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


READ/LIKE/COMMENT AND SHARE....THANK YOUUUU<3

THE THIRD PARTYWhere stories live. Discover now