"MAGIEEE GISING KA NAAAA!!!!" Malakas na boses na nagpagising sakin. Sino pa ba edi si Mama na parang nakalunok ng megaphone dahil sa lakas talaga ng boses niya.
"Wait mama. Five minutes lang"
"DI KA PA TALAGA TATAYO DIYAN AH!!! BILISAN MO NANDITO SA BABA MANLILIGAW MO!!!"
Literal na nagising ang diwa ko sa sinabi ni mama. Ano daw!!?!? Manliligaw!?! Sino!? Dahil sa pagkagulat agad akong bumaba at halos mapadapa na ako sa hagdan sa bilis ng takbo ko.
"Ikaw talagang bata ka. Basta lovelife ang bilis mo. HAHAHAHAHAHAHAAHAH. At dahil gising ka na rin naman kumain ka na oh" mapang-asar na sabi ni mama
"Mama nakakainis ka naman alam mo namang puyat ako tapos ang aga aga mo pa akong ginising" nagagalit na may halong hiya na sabi ko.
"Aba siyempre unang araw mo sa SAINT JOHN's ACADEMY kaya kailangan maaga talaga. Kaya ikaw mag-aral ka mabuti..." hanggang sa natapos na ako sa paghahanda papunta sa SJA hindi parin tapos si mama manermon.
"Oh, aalis ka na? Tandaan mo wala munang boypren boypren. Aral muna—"
"Opo ma, alam ko naman po iyon. Alis na po ako, babye, labyu." Sinabi ko para di na humaba pa ang sasabihin ni mama.
Nag-antay lang ako ng sasakyan papuntang school. Hayyy eto na yung pangarap ko na eskwelahan. Parang dati lang wish ko makapasok dito pero ngayon eto na ako wahhhh. SJA please be good huhuhu.
BINABASA MO ANG
Who Will I Choose
Teen FictionYesterday he broke me. Today i met you. Tomorrow you'll pick up every pieces of me and you will make me as a whole again... hindi natin napansin na ikaw pala ay unti-unti na ring nababasag....