Wala namang nangyari sa umaga. Puro orientation lang at welcoming program lang ang nangyari. Sa hapon naman adviser lang namin ang nameet namin. At ayon sa nakaugalian mag-i-introduce yourself ka dito. Kabadong kabado ako pero di dapat ipahalata kasi sasabihin nilang mahina ako tapos ako ibubully nila tapos tapos tapos wahhhh. Mami ayaw ko na pala ditooooo.
De joke lang. ang hirap kaya nung entrance exam. Di ko namalayan na ako na pala ang susunod.
"Hello! I am Margot Dior De Vera. 12 years old from Quezon City and i am really hoping that y'all gonna be my friends and i am also hoping that this school will mark happy memories not just in my mind but also in my heart."
Woohhh napa-english ako dun ah. Grabe nagpalakpakan sila eh haha.
At dahil tapos na pala lahat ng kaklase ko na magpakilala at ako na ang huli si teacher naman na ang nagpakilala.
"Ako si Teacher Anne at ako ang magiging adviser niyo sa buong taon...at dahil unang araw palang tayo i-aarrange ko na kayo sa magiging seat plan natin"
Nagsimula na niya kaming ayusin at paunti na ng paunti ang mga nakatayo hanggang sa ako at isang babae na lang ang nakatayo.
"Margot at Dianne right?" Pagtatama ni teacher
"Yes po." Sagot naming dalawa ng babaeng katabi ko na ang pangalan ay diane pala
"Dyan kayo sa likod parte maupo. Nakikita niyo naman ako diba?"
"Opo ma'am" sabay naming tugon
Nang makaupo na kami nagsimula na si Teacher Anne magsalita muli sa harapan. Sinabi niya ang mga rules at iba pang bagay tungkol sa paaralan at silid-aralan namin.
"Hiiii ikaw pala si dai?" Paninimula ko. Medyo naboboringan na ako sa topic ni ma'am eh.
"Yes. And you are?" Balik tanong niyang sabi. Ay taray englishera.
"Ako si margot hihi magie na lang kasi close naman na tayo. Kung gusto mo maging close tayo hehe" gusto ko kasing magkaroon ng kaibigan kaya bakit hindi diba? Kakapalan ko na mukha ko tsaka mukha namang mabait si dianne.
"Ok" tipid niyang sagot. Dinaldalan ko na lang siya at buti na lang nasasabayan niya ako. Hindi pala siya tahimik talaga. Ganun lang daw siya sa mga bago niya lang nakilala. Marami akong nalaman sakanya tulad ng anak siya ng may-ari ng mga malalaking hotel at may share din dito sa SJA. Mayaman sila kaya siguro mapili siya sa mga kaibigan niya. Kasi yung iba raw pera lang ang habol sakanya.
"Halla larga na pala haha. Napahaba usapan natin at di natin napansin. Madaldal ka pala ah. Hayaan mo malinis ako. Hindi ko habol ang pera mo. Iba ako sakanila." Pagklaklaro ko sa intensyon ko. Kasi totoo naman na pagkakaibigan lang ang kailangan ko at kahit mahirap naman ako kontento na ako sa kung anong meron kami.
"Can i get your number. So that I'll contact you and also para sabay tayo maglunch. Nagbabaon kasi ako cause i really don't trust the pagkain here in our canteen" conyo niyang sabi. Hay dapat masanay na ako dito.
"Sige sige para makapag-ipon na din ako ng pera hihi. Kaso wala akong cellphone eh. Basta magset na lang tayo ng lugar kung san man tayo magkita tuwing magkahiwalay tayo gawin na rin nating tambayan yun." Pagsa-suggest ko
"Greattt!! So where will be our tambayan?"
"Teka lang nag-iisip ako🤔" pinalibot ko ang mata ko hanggang sa tumigil ang aking paningin sa isang lalaking malakas humatak ng pansin.
ATTTT WAITTT PAPUNTA SIYA SA DIREKSYON KO MOMSH. MEDYO KINIKILIG NA AKO TAPOS ITONG KATABI KO BUSY NAMAN SA KAUSAP NIYA SA CELLPHONE!!! Omoooo ang lapit niya na tapos tapos tapos waittt totoo ba to!? Nag-wave siya sakin??? At para hindi naman siya mapahiya nagwave na rin ako at todo ngiti pa ang lola mo. Pero...
Lumagpas siya sakin. L U M A G P A S SIYA!!! Nakakahiya kasi nakatingin lahat ng tao saakin ay este sakaniya. Pagtalikod ko nakita kong kinakausap niya yung bestfriend ko.
Napaka-assumera ko talaga nakoo napapahamak pa ako. Sa bagay maganda si dianne at mayaman, nasa kanya na lahat ng magigustuhan ng isang lalaki sa isang babae habang ako eto scholar ng school na to may ganda rin naman pero hindi yung ganda na maipagmamalaki tsaka baliw ako haha.
"Assuming naman that girl"
"Yes bessy like she thought talaga na liam will wave sakanya"
"Noob Scholar"Bumalik na lang ako sa wisyo ko nang marinig kong pinag-uusapan na ako ng mga schoolmate ko. Tumalikod agad ako at lumapit kay dianne dahil sobrang napahiya ako kanina. Kausap niya parin yung lalaki at tumigil lang sila nang makita na ako.
"Hello besty this is Liam Matthew Cruz, my—"
"I'm her suitor" pagpuputol ni liam sa sinabi ni dianne.
"Ow, hello ako nga pala si Margot" pagpapakilala ko sa sarili ko.
"We have to go. We have a date later. If you want, we will drop you at your house." Liam offered.
"Ay hindi na. Enjoy niyo na lang hihi. Bye besty alis na ako. Ingat kayoooo" makapal mukha ko pero hindi naman sa punto na makikisakay pa ako sakanila. Oras nila yun eh bakit pa ako eepal?
Ano ba yan first day palang may manliligaw na si besty. Ang ganda niya kasi talaga no doubt na may manliligaw agad siya.
BINABASA MO ANG
Who Will I Choose
Teen FictionYesterday he broke me. Today i met you. Tomorrow you'll pick up every pieces of me and you will make me as a whole again... hindi natin napansin na ikaw pala ay unti-unti na ring nababasag....