Pagkatapos ng pakikipag takbuhan sa jeep Salamat sa Diyos at nakauwi na rin ako.
"Mama andito na po ako" Pagbati ko pagkapasok ko sa bahay namin
"Oh anak, kumusta ang unang araw mo don?" Pagtatanong ng aking nanay
"Okay lang po mama. May kaibigan na rin po ako at grabe mama ang yayaman nila doon. Nga pala mama simula bukas magbabaon na po ako ng pangtanghalian ko para makatipid po ako" tugon ko.
"Ay anak maganda yan. Oh siya pumunta ka na sa taas at magpalit."
"Sige po."
Pagkatapos ko magpalit humiga muna ako saglit. Naalala ko nanaman yung lalaki kanina. Aghhhh napahiya ako. Ang assuming ko kasi yan tuloy. Baka bukas kaaway ko na yung mga mean girls sa school wahhhh.
Sa pag-iisip sa mangyayari kinabukasan nakatulog ako. Nagising na lamang ako sa boses ni mama na nagtatawag na upan kumain.
"Kumain ka na para maipagpatuloy mo ang pagpapahinga mo. Wala ka bang assignment?" Tanong ni nanay
"Wala po. Pero mag aadvance reading po ako mamaya."
"Sige, maganda yan"
At patuloy na kaming kumain ng tahimik.
"HAHA si kuya huling kumain. Kuya ikaw taya, ikaw maghuhugas ng pinggan ah HAHAHAHA. Babye kuya, hugas well. Goodnight kuya ko. HAHAHAHA" at hinalikan ko siya sa pisngi nakaugalian na kasi namin iyon bilang isang pamilya.
Oo nga pala may kuya ako. Gwapo naman siya akala ko nga ampon ako eh kasi ang gwapo niya talaga. Buti na lang kamukha ko si mama. Siguro yung pangit na cells ang napunta sakin kaya ayun.
"Nay akyat na po ako sa taas ah. Labyu nay goodnight." At hinalikan ko na si mama sa pisngi.
Nag-advance reading lang ako. Kahit naman kasi grade 7 palang ako alam ko na ang responsibilidad ko dahil sa pamilya ko. Sila ang inspirasyon ko kung bakit nag-aaral talaga ako ng mabuti. Housewife si mama habang si papa ay namamasada ng pampasaherong jeep na kami ang may-ari. Simple lang ang pamumuhay namin sapagkat pinalaki kaming dalawang magkapatid ng maayos.
Ah si kuya pala ang pangalan niya ay Machary Dane De Vera. Machy palayaw niya sa mga kaclose niya at dane sa klase. Naaasar kasi siya sa first name niya haha. Pag gusto mo siyang inisin tawagin mo siyang machary. Grade 9 na si kuya. Seryoso siya at parang may nakakatakot na awra ang nakasunod lagi sakanya. Kahit nga ako natatakot sakanya
Inaantok na ako kaya naman nagligpit na ako ng gamit ko at humiga na sa aking kama.
(You'll know more about Machary Dane De Vera in the next few chapters, tho onti lang part niya cause i want to publish another story about him haha. So please support it too. Thank you!!!!💖💖)
BINABASA MO ANG
Who Will I Choose
Novela JuvenilYesterday he broke me. Today i met you. Tomorrow you'll pick up every pieces of me and you will make me as a whole again... hindi natin napansin na ikaw pala ay unti-unti na ring nababasag....