Jaz's POV
"Babe,wait!" Habol sakin ni Zion. Hindi ko na namalayang nasa may garden na pala ako. Hinawakan nya ang braso ko,tinignan ko iyon saka ako tumingin sa paligid. Abala ang lahat sa pag-aayos at sa tingin ko'y wala namang nakapansin samin.
"What?" Malamig na sabi ko saka inalis ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. Napamaang sya at sandaling natigilan bago tumitig sa mukha ko.
"Can we talk? Please?" Kita ko sa mata nya ang pag-aalala at takot.
Bumuntong hininga ako saka tumagilid para hindi nya makita ng buo ang mukha ko. "Nag-uusap na tayo diba?"
"No. I mean gusto kong pag-usapan yung kanina." Napasulyap ako sa kanya at kita ko ang pasimpleng pagkagat nya sa labi nya, out of guilt.
Parang paulit-ulit na nagflashback sa isip ko yung naabutan naming eksena ni Ethan kanina. And it gives pain inside me. It's killing me.
Gustong-gusto kong marinig ang paliwanag nya. Gusto kong sabihin nyang mali ang nakita ko,na aksidente lang yon pero inuunahan ako ng takot. Takot na baka ang lumabas sa bibig nya ay mga salitang hindi ko nais marinig kailanman.
Sinulyapan ko ang relo ko saka nagsalita. "I guess we can't talk right now. Ang mabuti pa magbihis ka na mag-uumpisa na ang party."
Ilang saglit na hindi ako nakarinig ng anuman sa kanya kaya minabuti kong bumalik na sa loob. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang pagyakap nya sakin mula sa likuran ko.
Isinubsob nya ang mukha sa balikat ko na naging dahilan nang pagkabasa non,don ko nalamang umiiyak sya. "Sorry babe. Yung nakita mo,hindi yon tulad ng iniisip-"
Pinutol ko ang dapat sanang sasabihin nya dahil ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata. Ayokong umiyak,hindi ako pweding maging emosyonal. Kapag nagpadala ako at nakiisa sa kadramahang ito,mabubuko kami.
Inalis ko ang pagkakayakap nya sakin,humarap ako sa kanya at mapait na ngumiti. "Please Zi,wag muna ngayon. Masyado ng mabigat ang nalaman at nakita ko,tama na muna. We can talk some other time when we're both ready. Bihis ka na. Do your best to look best,this your night."
Hindi ko na hinintay na magsalita pa sya,umalis na ako para magbihis. Isa pa ayokong umiyak lalo na kung nakikita nya.
Masama ang pakiramdam ko,masakit ang nalaman ko,pinapatay ako ng nakita ko pero sa kabila non hindi ko magawang umiyak. Minanhid ako nung katotohanang announcement ng engagement ng bf ko. Pinipigilan akong maging emosyonal nang pag-iingat ko.
"Gusto mo sisirin kita?" Napalingon ako sa walang-hiyang nagsalitang iyon. Nakangisi itong lumapit sakin. "Bat di ka pa bihis ha?"
"Paki mo ba?" Masungit na sabi ko saka sya itinulak para makadaan ako. Pero kagaya nang ginawa nya kanina,hinila nya ako saka isinandal sa pader habang nakaharang ang mga kamay nya sa magkabilang gilid ko.
"Wanna go for a ride?" Napatitig ako sa kanya sa mga sinabi nya. Natulala ako nung sumilay ang ngiti sa labi nya,his smile-so rare yet so amazing.
Umuwis ako nang tingin sa kanya. "Baliw ka na nga. You think I can go? My presence is needed in this party."
"Is that so? Bakit kayo ba ni Zion ang iaanounce ng engagement?"
Matalim na tinitigan ko sya,nagbabanta pero ngumisi lang sya saka inilapit ang mukha sakin. "Woman really loves to add salt in an open wound." Makahulugang sabi nya saka ako iniwan.
Sinundan ko sya nang tingin habang hindi maalis sa isip ko ang ngiti nya. Ethaniel Lee. You're really one of a hell lucky guy. Your smile can melt everyone's heart.
Ethan's POV
This party sucks. I am sitting in front of her,in this table with her parents and with those two newly announced to be engage couple. I nearly laughed seeing that woman happy while my princess is in pain.
"Good evening everyone." That voice irritates me even more. "Sorry we're late." He apologize and take his seat next to me.
"Yah! Ethaniel Lee?" Matinis na boses ng ate ko ang naging dahilan nang paglingon ko sa kanila.
Pinanlakihan ako nito ng mata saka ininguso ang ama namin. Nagkibit balikat lang ako saka muling pinagmasdan ang babaeng nakaupo sa harap.
"Good evening son." May diin na bati sakin ng ama ko. Winagayway ko lang ang kamay ko at hindi na nag-abala pang tignan sya.
Halos lahat ng nasa mesa namin ay alam kong nakita ang turingan namin at bakas ko ang pagkailang sa kanila. Tumikhim si ate saka binati sina Zion para mabawasan ang tensyon na namumuo samin ng ama ko at para malipat ang atensyon ng lahat.
"So kailan ang kasal?" Pilit na pinasigla ni ate ang boses nya.
"Wala pa ate. Hindi pa nga napagdedesisyunan kung kailan ang formal engagement party." May kilig na sagot ni Sab.
"Looks like my baby is excited. Sabi ko na at magugustuhan mo si Zion. I knew you still love him and I believe he still loves you,right Zi?" Napatingin ang lahat sa gawi ni Zion dahil sa tanong na yon ng mama ni Sab.
"Pardon?" Gulat na sabi ni Zi. Lutang sya at masyadong abala sa pag-iisip.
Mababasa ang pagkadismaya ng parents ni Sab. "Of course. He can't believe they will be back together and it makes him preoccupied." Bawi ng mama ni Zi.
Hindi ko nalang sila gaanong pinansin at saka itinungga ang iniinom ko. Deretso akong nakatingin kay Jazz nung pumailanlang ang kantang Total Eclipse of the heart. Napatingin sya kay Zion pero na kay Sabrina ang mga mata nya habang inaalalayan itong tumayo.
Nagtungo sila sa pinakagitna ng dance floor kung saan nakamasid lahat sa kanila. Wala naman akong pakialam sa kanila pero nang makita ko ang sakit sa mga mata ni Jazz dahil sa paghahalikan nila,doon na ako umaksyon.
"Shall we?" Sabi ko kay Jazz saka inabot ang kamay ko. Matalim na tumitig sya sakin saka binalik ang atensyon sa pagkain nya.
Tumikhim ako dahil sa pagkapahiya. I bend towards her and whisper her secret. Nakasimangot na sumama sya sakin sa dance floor dahil sa pananakot ko. I put her arms around my nape while mine was around her waist at sinadya kong pumuwesto malapit kina Zion.
"You jerk,hindi ko na magbabago." Nakabusangot na sabi nya.
"You love it when I'm annoying right?"
Eksaheradong pinalaki nya ang mata nya." Oh really? When did I said that?"
"Tch. Ang OA mo kaya mahal kita eh." Natawa ako nung magmake face sya dahil sa sinabi ko. "I missed you." Nakangiting usal ko na alam kong ikinabigla nya.
"Well,sobrang ganda ko kasi kaya kahit araw-araw mo na akong makita hindi parin sapat. I bet your hoping to have me." Maarteng sabi nya.
"Too confident,baby. I'm not hoping it,I'm working for it." Hinalikan ko ang noo nya. Ramdam ko ang gulat nya pero hindi ko na pinansin iyon.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin. "How are you?" Deretsong tanong ko.
I'm expecting her to deny my question that's why I'm really surprised when she answered me. "In pain. I don't know if you can understand what I feel but I feel really funny. I'm hurting but I have to act happy." Mapait syang ngumiti.
"That's the consequence. Don't worry everything will be fine,soon. I assure you that. Can you assure me that you'll never cry until that day?"
Naguguluhang tumitig sya sakin,ngumiti lang ako sa kanya. "Ang pangit mong umiyak kaya don't you dare cry." Pang-aasar ko.
"Hindi ka talaga makapagseryoso." Maataray na sabi nya.
"Sa'yo lang ako nagseryoso." Bulong ko saka kumindat.
Nabigla man ay napangiti ako nang masilayan ko ang ngiti nya at maramdaman ang paghigpit ng yakap nya sakin. "Time out muna sa away. For now,please be my pillow?"
"Sure,baby." Masayang sabi ko saka himagod ang likod nya at hinalikan ang buhok nya.

YOU ARE READING
Keeping it Private
Teen FictionShe's Ms.Perfect. The so-good-to-be-true woman. Everyone looks up to her without knowing that she also has a dark secret like everybody else. A secret that can ruin her image as much as her family's reputation. A secret that will be revealed right t...