Zion's POV
We didn't met. I should be happy but I can't because my mom called me and told me about the family dinner. Nadelay lang pala. Psh.
I grab my phone and tried to call Jazzy but the line is busy. Tumalima nalang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho pauwi.
I wasn't surprised when I got home. Maraming tao at abala sila sa pag-aayos ng lahat para sa dinner mamaya. Knowing mom,hindi nya kinikilala ang salitang simple.
"Hi,son! Come here. Choose a suit. You have to look perfect for tonight." Sadness filled me when I heard those words. So ngayon na? I didn't expect it'll be this early.
Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi nya. "Ikaw na ang pumili mom. I trust your taste anyway. I need to take a rest."
Bumuntong-hininga sya saka muling pinagtuonan ng pansin ang mga alahas na nasa harap nya. "Okay,son. I guess you really need to that so you would look fresh later."
Malapit na ako sa punong hagdan nang muli kong tawagin ang aking ina. "By the way mom,where's uncle?" Pagtutukoy ko sa ama ni Jazz.
"His on the way here. Sinundo nya si Jazz."
Hindi ko ipinahalata ang pagkadismaya at kabang pumuno sakin nang marinig iyon. Pagdating sa kwarto ay naligo ako at saka nagpahinga.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang mahinang pagyugyog sakin. Pagmulat ko ay nakita ko si Jazz na nakatunghay sakin,matamis ang ngiti nya ngunit puno ng lungkot ang mga mata nya.
Sandali kaming nagtitigan at parang nawala ako sa sarili ko nang makitang walang pagbabago sa lungkot na pumupuno sa kanya. Hinila ko sya dahila para mapahiga sya sa tabi ko saka inangkin ang kanyang mga labi.
Ang tamis non ay lalong nagpapawala sa katinuan ko. Noong una ay hindi sya tumutugo,malamang dahil sa pagkagulat at pag-aalala pero sinuklian nya rin ang halik ko nung mahigpit kong sinakop ang bewang nya.
"Ehem! Eehem!" Natinag lang ako nung marinig ang boses na yon. Malakas akong tinulak ni Jazz dahilan para tuluyang magising ang diwa ko at laking gulat ko nang mapagtantong hindi sya ang babaeng nasa harap ko.
Napatingin ako sa may pinto at nakita ang nakakalokong ngisi ni Ethan,hindi ko na nagawang pagtuonan sya ng pansin dahil naagaw nang buo nung babaeng nasa likuran nya ang atensiyon ko- si Jazz.
Nanlalaki ang mga matang pinagpalit ko ang tingin sa babae sa harap ko at sa babae sa likod ni Ethan. Damn! Si Jazz talaga yong nasa may pinto. And I feel like I want to kill myself when I saw that pain in her eyes.
"Sorry bro,naistorbo ba namin kayo? Ganyan pala magcatch up ang mag-ex." Pagbasag ni Ethan sa katahimikan at tensyong namamagitan samin.
Napatingin muli ako sa babaeng nasa tabi ko na nakatayo na at inaayos ang sarili nya. Sabrina. "Of course not. I mean no."
"No? Good. Sige ituloy nyo na yan." Tatawa-tawang sabi ni Ethan.
"I mean we're not kissing. Mali ang nakita nyo." Nalilitong sabi ko saka nagbaba nang tingin. I really suck in explaining.
"Tsh. So ano palang ginagawa nyo? Nag-uusap? Gamit ang dila nyo na nageespadahan?" Matalim ko itong tinitigan pero nagtaas lang ito ng kamay saka lumapit kay Jazz at umakbay.
"Let's go baby. Don tayo mag-usap sa kwarto mo,in Zi and Sab's way ha?" Untag nito kay Jazz.
"Go to hell,Ethaniel!" Sabi nito saka inalis ang kamay ni Ethan.
Naglalakad na ito palayo nang bigla syang hilain ni Ethan. Isinandal sa pinto,ipinulupot ang kamay sa bewang habang ang isa ay inaayos ang mga buhok ni Jazz na kumalat sa mukha nya at dahan-dahang inilapit ang labi nya sa labi ni Jazz. Hindi nya ito hinalikan pero yung posisyon nila ay walang magagawa si Jazz dahil kapag nagkamali sya ng galaw ay magdadampi ang labi nila.
"Not too fast baby. I'll take you to heaven first before I let the devil take me to hell." Nakangisi nitong sabi saka tumingin sakin.
Napahigpit ang hawak ko sa bedsheet. Gusto ko syang sugurin nang suntok at patayin sa bugbog pero wala akong magawa.
Masakit makita syang ganon,nakakulong sa bisig nang iba at ang mga paningin ay nasa tao lang na yon. Doon ko naramdaman ang matinding galit sa sarili ko,doble pa nito ang paniguradong naramdaman ni Jazz dahil sa nakita nya kanina.
Ethan's POV
"Your crazy,why did you do that?" Sita sakin ni Sab habang nakaupo kami sa mini bar na nakaset up malapit sa pool.
"Did what?" Maang na sabi saka itinungga ang whisky ko. "I should be the one asking here. Why do you did that?"
Nagitla sya saka umupo sa tabi ko. "Tita Gelli told me to go in his room and wake him up so-" pinulot ko ang dapat sanang sasabihin nya.
"Go straight honey." Nakangising sabi ko.
"It wasn't my intention. Nagulat din ako sa biglaang paghalik nya." Napapagod na sabi nya.
"And you responded? F*ck! Pumunta tayo dito para maconfirm ang sinabi ko hindi para saktan mo ang sarili mo." Nagtitimping sabi ko.
Bumuntong-hininga sya saka nagsalita. "The way he kissed me,it feels like he still love me that much."
Napailing ako saka sya tinitigan nang malamig. "Your hoping that he still do love you? Dream on,bitch!" Napailing ako saka muling tumungga nang whisky bago nagpatuloy. "He's sleeping,you suddenly awakened him. Malamang naalimpungatan yon. Did you see his face nang makita ka nya? Come on! Don't fool yourself."
Nakita ko ang pagyuko nya at impit na paghikbi,she's crying. I know I been harsh but what can I do? She deserves to know the truth.
Tumayo ako at inabot ang kamay sa kanya. "Let's go? Tapusin mo na ang kalokohang ito habang hindi pa nagsisimula. Kung makikiisa ka dito,you will hurt three people. Zion. Jazzella. And also YOURSELF."
Ilang saglit ang lumipas bago sya nag-angat nang tingin sakin. Pinunasan nya ang mukha nya,ngumiti saka umiling. "Make it four. I'm sorry. Alam ko masasaktan ka rin kapag nakita mo syang masaktan and I really never intended to hurt anyone. But Iel this is my chance. I need to take it. I will take it. And I will never regret trying to have him back."
Ngumisi lang ako saka binawi ang kamay ko. "Do as you please." Maigting na sabi ko saka iiling-iling na lumayo.
People. Why do we always chose to hurt ourselves? Bakit hindi natin mabitin yung isang bagay na nakakapagpasaya man satin ay sya namang wawasak sa buong pagkatao natin?
BINABASA MO ANG
Keeping it Private
Teen FictionShe's Ms.Perfect. The so-good-to-be-true woman. Everyone looks up to her without knowing that she also has a dark secret like everybody else. A secret that can ruin her image as much as her family's reputation. A secret that will be revealed right t...