"Ang sweet niyo ni Hill ah?"
"May malaking langgam kanina."
"Kayo na?"
"Bagay kayo."
"Sinong kasama mo kanina? Yie."
Pag akyat ko sa taas...
Specifically sa room namin.
Yan yung bungad sakin ng mga kaklase ko.
Mga monggoloid hahaha!
Pero infairness, suportado! \m/
Pero alam mo yung nakakainis?!
Yung intrams nga e! Tas yung ibang teacher, turo pa din ng turo.
Hays. Ano baaaa? :(
Pero mamayang 3, bababa daw lahat.
Halos buong arsenic di nakikinig sa nagtuturo.
Eh kasi naman? Lahat eh umaasang magsasaya lang.
Pagkatapos ng first subject, gumala na lahat.
Karamihan, tumambay sa room ng Rubidium.
Pagpunta ko dun, naggigitara si Jewel at Hill.
Awch <////3
Ang sweet.
:(
Yaan mo na. Di naman kami.
Tsaka ano baaaa? Bat ba ko nasasaktan?
Di ko naman gusto yun e.
Pero hindi eh. Nasasaktan ako.
Pero mali eh.
Wala naman akong karapatan, meron lang akong nararamdaman.
Nasa tapat kami ng room ng Rubidium.
Medyo malayo yung room namin dito.
203 kasi kami tas sila 311.
Pero andito kasi yung mga kaibigan ko kaya madalas ako dito.
Inaasar nila ko kay Hill.
Di ako nagrereact kasi pag nagreact ako, mahahalata.
Tas eto si Elmer, Villano at Jc, nilapit sakin si Hill.
Tas iniakbay ni Villano yung kamay ni Hill sakin.
>____________<
Doing that annoys me alot.
Parang pag ganun kasi, walang respeto.
Kahit crush ko yun, maiinis ako kasi urgh.
Pero di ako magagalit kay Hill kasi hindi naman siya yung kusang umakbay.
Ayun! Nagwalk out ako at bumaba sa room.
Alam kong susunod to sila Elmer sakin at magssorry.
Shempre, mga tropa ko din yun. Alam nila ugali ko.
Pumunta silang tatlo sa room.
Nakaupo lang ako sa seat ko, nagttext.
Tas biglang pagtingin ko sa likod ko, andun si Villano.
Tumayo sa tabi ko si Elmer at Jc.
Nagsosorry sila.
Akala tuloy ng classmates ko, nanliligaw sila.
Tapos biglang may nagbukas ng ilaw.
Tapos...