Next

11 0 0
                                    

2:30 na.

Wala pa din sila.

Andito lang kami sa tapat ng entrance ng market.

Nagbibilang ng dumadaan.

Hays.

Antagal talaga nila.

"Kumuha ka ng lalagyan dun sa may guard para sa payong mo." sabi ko saknya.

"Ano yun? Ikaw  na. Di ko alam yun." inosenteng Hill.

"Eh, mahirap kumuha nun eh." sabi ko. eh nakakahiya kaya!

"Bilis na." ay nakahanap ng utusan.

Inabot ko sakanya.

Pero di niya pa nilagay agad.

Tinatakot niya muna kong iwawatergun niya sakin yung payong niya.

E diba pag pinindot niya yung para magbukas, magfflash yung tubig nung payong sa'kin.

Eh? Ayoko nga mabasa eh. Tsaka hays.

Ang childish pero sobrang smooth :)

Tas maya maya, nilagay niya na sa plastic yung payong niya then nilagay niya sa bag.

"Antagal na nating naghihintay sa kanila, tara na!" pag-aya ko.

Tama ba to? Parang nakakahiya yung sinabi ko?

"Tara." sabi niya.

"San tayo pupunta?" di ko talaga alam gagawin ko. di ko din alam yung dapat kong sabihin.

"Kahit saan." sabi niya. Hay

Pag may trabaho na 'ko, magpapatayo talaga ko ng stall na "kahit saan" tas may bentang mga pagkaing "kahit ano." Siguro papatok yun.

Purlkkkk~

Tumunog na yung tiyan ko. #nagalarm.

Hahaha. May ganun? :O

"Kain na tayoooo!" sabi ko.

"Saan?" sabi niya. sa tono ng boses niya, di ko alam kung gutom na ba siya o hindi pa.

Pero parang gusto rin naman niya kumain.

Kumain kami sa noodle house.

Chopsticks yung gamit namin,

Marunong akong magchopsticks, pero sa noodles lang.

Kaso may siomai to eh. Eh shempre ako, maloko, para makain ko yung siomai, tinusok ko na lang ng chopsticks =))) Hahahaha! -____-'' Coleen pa ba.

"Wait lang." sabi niya sabay umalis.

San kaya to pupuntaaaaa?! -___-'' Iniwan ako.

Inubos ko na yung pagkain ko. hays angtagal niya.

Bibili pa 'ko ng iinumin ko. :3

"Oh." inabot niya sakin yung gulaman.

Ay?? Ehem. Bakit to bumili?

"Hala, bakit? Eto bayad oh." nilagay ko sa mesa yung barya haha

"Wag na. Tanggalin mo yan jan, masama maglagay ng pera sa lamesa." tanggi niya. ay? halaaaa! nakakahiya -_______-''

Pero sige na nga, effort din eh.

LIFETIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon